Bigla akong kinabahan. Naasikaso ko na lahat ng requirements ko para sa OJT na 'to kaya naman pwede na akong magsimula matapos akong matanggap. I knew I was going to be accepted. Alam na rin kaya ni Austin?
Mr. Deehun greeted me sa receiving area saka naglakad patungong front desk. Iilang babae ang mga nandun at iilan sa kanila ay may kausap na turista o di kaya naman ay mga malalaking personalidad. Ang iba naman ay may kausap sa telepono.
I stared at the whole place. It was five star hotel, indeed. Look how huge! At iyong mga gamit ay halos lahat gawa sa salamin o di kaya ay mamahaling gamit.
"Where is Mrs. Peco?" Tanong si Mr. Deehun sa isang babae.
"Ayun po, sir." Tinuro niya ang isang may edad na babae na kinakausap ang isang pamilyang foreigner. Lumapit naman ito sa amin nang makita si Mr. Deehun.
Pinasadahan ako nito ng tingin habang naglalakad palapit. Lumunok ako. I'm not scared of Austin. Mukhang mas nakakatakot pa ang babaeng ito.
"Madison, this is Mrs. Peco, siya ang inyong manager. However, meron siyang assistant manager pero naka-leave ito for vacation." Sabi ni Mr. Deehun. Nagglahad ako ng kamay at tinanggap naman nito.
"Nice to see you, Mrs. Villaverde." Makahalugang sabi nito. She knows. Of course, Madi, she knows! Siya ang manager. She has read your resume, of course!
"Maiiwan ko muna kayo. If you need something, andun lang ako sa opisina." Sabi ni Mr. Deehun habang inaayos ang necktie.
Tumikhim ako nang maiwan kaming dalawa ni Mrs. Peco. Nakakatakot siya. Muka palang niya ay alam mo nang masungit siya.
Nagtaas ito ng kilay. "Alam ba ito ng asawa mo?"
Lumunok ako. Shit. Hindi ko ineexpect na makakaencounter ako ng kagaya niya. "H-hindi po..."
"Of course he doesn't know yet. Nasa Taiwan pa siya ngayon." Sagot niya. "At hindi kayo nagkita ng ilang years? Five?"
How come marami siyang alam? Kinagat ko ang labi ko. Tinanggal niya ang suot na salamin at tumitig sa akin. "I was there on your wedding... And you two were so in love."
Wrong. We were not in love noong ikasal kami. We just acted like we were but we were not.
"Sumunod ka sa akin." Utos niya. Sumunod naman ako at sumakay sa elevator.
Tahimik lamang ako. Intimidated. I should have prepared myself for situations like this! You have planned this, Madi, right? How come this was not on your list? Pumasok kami sa isang lugar doon na tingin ko ay opisina niya.
"Ayokong makialam sa inyo. I just wanna know..." Sabi nitong muli at umupo sa kanyang swivel chair.
"Know what po?" Inosenteng tanong ko.
"Why you left my godchild?" Tanong niya. Lumunok ako. Kung hindi ako papahirapan ni Austin ay pakiramdam ko, papahirapan naman ako ng manager ko na ninang pala niya!
Hindi ako kumibo nang ilang segundo. "Nevermind, you don't have to answer that. It's not for me to know. Alam kong it's between you and your husband."
Huminga ako nang malalim. Ugh. I'm not ready to answer those kinds of questions. Tumayo ito. "Ililibot na kita sa hotel, so you can start."
Dumiretso ito sa pintuan at nilagpasan ako. Sumunod ako sa kanya. Nakahinto siya sa labas at inaantay ko. She smiled. I shrugged inside of my head. I guess she's not that masungit after all?
"Uh... Ma'am?" Tawag ko. Nauuna siyang maglakad papuntang elevator. Lumingon ito sa akin at ngumiti muli.
"Yes, Madison?"
BINABASA MO ANG
Queen Of Fake Smiles
RandomIt is a gossip among the society that Madison Johannah Young is living the best life. She was gifted with grace and beauty, and was raised by her elite family to be prim and proper... she is, without a doubt, the perfect woman for Austin William Vil...