Chapter 30

560 16 2
                                    

Paglabas ko ng kusina ay nagtaka ako dahil wala namang tao sa sala. Liningon ko si Marie na nag aayos ayos ng buhok.

"Nasaan?" Natatawang tanong ko.

"Hindi ko pa pinapapasok. Nang makita ko kasing gwapo sinirado ko agad yung pintuan tsaka tumakbo papunta sayo eh." Sagot nito.

Binuksan ko ang pintuan at tumambad sa akin ang isang matangkad na lalaki na nakangiti sa akin. Nagkatitigan kami ng ilang segundo bago basagin ni Marie ang katahimikan.

"Kayo ho ba ang asawa ni Madi? Pasok po kayo." Sabi nito. Nginitian niya ito. Inamoy pa ni Marie ito nang dumaan sa harap niya kaya natawa ako.

"Drew, anong ginagawa mo dito? Paano mo ako nahanap?" Tanong ko saka bumaling kay Marie. "Marie, iprepare mo muna yung sandwich. Mag uusap lang kami."

Nang umalis ito ay bumaling ako kay Drew. Nakaupo ito sa couch at nakatingin lamang sa akin. He had a big smile on his face.

"I was bothered nung hilahin ka ni Austin nung kakausapin sana kita. I just wanted to give you a letter." Pagsisimula nito. "After that kasi hindi ka na pumasok. I asked your friends pero hindi rin nila alam kung asan ka. So I asked Eleanor..."

"Buti ka pa, hinanap ako." I laughed. "So what brought you here? Sa pagkalayo layo ng Manila dito. Why did you travel from there to here?"

"I just wanted to personally invite you to my graduation." Sagot nito. I bit my lip. Going back to Manila and going to Drew's graduation means I'm going to see Austin.

"Drew.. You I went here to forget about Austin. Going there will just make me remember him..."

"Please do. Not for him, kahit para sakin lang. I'm going to New York pero two months lang kaya lang I want to spend time with you.. Sige na." Sabi nito. I bit my lip. He was staring at me at mukhang nagmamakaawa na pumayag ako.

Bumuntong hininga ako. "Just promise me hindi kami magkikita..."

"I'll do everything to hide you from him, Madi..." Sagor nito. He bit his lip and smiled.
"Okay then." Sagot ko. His smile got bigger at lumapit siya sa akin and kissed my forehead. Nung una ay nailang ako because at the back of my head I can hear Austin telling me not to get near Drew, I realized nga lang na I'm free.

Nag stay pa si Drew hanggang sa dumating si ate Crystal. Nagulat pa ito nang makitang may kasama akong ibang lalaki. We told her our intentions pero nung una hindi siya pumayag.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. It's just been two weeks at hindi pa ako nakaka-move on. I don't wanna see him, lalo na't alam kong masaya siya dahil sa wakas, he got rid of me. But part of me still wants to have a little glance at his happiness.

Isang huling katangahan ko na ito... ang subukang silipin siya na masaya kasama ang iba. He got all his business after marrying me and he can have a happy family with Lexie now that I left him... Sana ang kasiyahan niya na iyon ang magtulak saakin na kalimutan siya.

"Sure ka ba dyan, Madison?" Tanong ni Tiffany na kausap ko sa kabilang linya. I told her I'm going back to Manila tomorrow pero babalik din ako agad. "I mean there 95% chance of seeing him there."

"Magtatago ako." Sagot ko.

"What? What if makita ka niya? What if he talks to you? What if he wants you back?" Sunod sunod niyang tanong.

Bumuntong hininga ako tsaka ngumiti. "If he wants me back, hindi na ako papayag. Mahal ko siya pero ayoko nang magmukhang kawawa. Plus, sinabi niyang hindi niya ako mahal. If he asks me back, may iba na siyang motibo."

Pero kaya ko nga ba talaga? Sa tingin ko ay oo. Sa dalawang linggo ko dito ay nakakaikot ikot ako ng Cebu. Minsan bigla nalang sasagi sa isip ko na sobrang laki ng Pilipinas. I see couples, families and other kinds of people at doon ko narerealize all those things about life. The beauty of the environment makes me realize that there are a lot of things that is coming my way.

At kung sa dalawang linggong iyon ay may natutunan ako, paano pa kaya kapag tumagal? He's my first love kaya nabaliw ako nang ganito. But I know eventually, makakalimutan ko siya.

Narinig ko ang malakas na pagbuntong hininga ni Tiffany sa kabilamg linya. "Sige... Text me when you arrive. Good night. See you tomorrow."

(A/N: Really short chapter, but don't worry, the next chapter is coming up. Thank you for reading!)




Queen Of Fake SmilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon