Chapter 46

488 18 1
                                    

Nakatulala ako nang nasa taxi na ako. Bakit niya sinabi ang mga 'yon? Totoo ba 'yung sinabi niya? Pero ayaw ko nang maniwala. Naalala ko lang noon na pinaramdam niya rin sa akin na mahal niya ako. But all of them were lies. Hindi na ako maniniwala. 


"Pyay mommy!" Sabi ni Felicity nang makarating ako sa bahay. Umupo ako sa couch at hinilot ang noo ko. Sumakit ang ulo ko sa iniisip ko. 


"Later, after dinner nalang, baby. Masakit ulo ni mommy." sabi ko, without opening my eyes. 


"How's your day, anak?" Tanong naman ni mommy na pumasok ng living room. 



"Great. Just great." sabi ko. Binuklat ko ang mata ko at tinignan siyang tumabi sa akin. She was giving me a worried look. "I'll tell you when my head stops aching." sabi ko pagkatapos ay hinilot ko ulit ang noo ko saka pumikit. 



Pagkatapos naming kumain ay pinilit ko ang sarili ko na makipaglaro kay Felicity para mawala ang iniisip ko. But he just can't leave my mind. You chose this, Madi. Kung sana ay hindi ka sa hotel niya nag-OJT, hindi mo na sana proproblemahin 'to. 



Tinatamad akong tumayo kinabukasan para pumasok. Hindi kasi ako makatulog. Para naman akong teenager nito, eh. I hope Austin's taking care of his other businesses at sana hindi na siya mapadaan sa hotel. 

Pero pumasok pa rin ako. I don't want to waste this day. Kaunti nalang para matapos ko ang 400 hours ko dito. Binati ako ng ilang trainees din dun. Bumuntong hininga ako nang umapak sa elevator. Sana hindi ko siya makita. 

Ilang oras na ako dun at hindi ko pa rin siya nakikita. Dumaan ang coffee break, lunch break nang hindi ko siya nakikita. Napagdesisyunan kong umuwi nang maaga ngayon. Pagkauwi ko ay didiretso kami ni Felicity kay ate Eleanor sa Makati. May pupuntahan kasi kami sa Sabado. 


"Nasaan po si Mrs. Peco?" Tanong ko sa isa sa mga regular staff na naroroon. 


"Ay! Nagpunta ng Ilocos, eh. Kaninang umaga lang umalis. Ano ba ang sadya mo?" sagot nito. She's not here?



"Isa po akong trainee dito. Gusto ko lang po sanang pormal na magpaalam sa kanya na maaga ako uuwi ngayon kasi may pupuntahan ako." sagot ko.


"Ah! Andyan naman si Ms. Adelaide sa office niya ngayon. Pwede ka sakanya magpaalam, tutal siya naman ang assistant manager." I almost forgot! Siya nga pala ang assistant manager. Hindi ko lang naalala siguro dahil hindi ko siya masyadong nakikita. Halos lahat ata ay si Mrs. Peco na ang gumagawa. Is it because she's Austin's girlfriend? Kaya hindi niya ginagawa ang trabaho niya but she still gets paid. 


"Okay po, thank you." sagot ko at tinalikuran na ito. 



Habang naglalakad ako palapit sa opisina ni Ms Wong ay may kakaibang kaba ang bumalot sa akin bigla. Hindi ko alam kung bakit. Ilang hakbang nalang pero parang nag-aalinlangan ako na ituloy ang pagkatok. Pwede naman kasi akong mag-out nalang.

Queen Of Fake SmilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon