Suot ko ang Spaghetti Strap Vertical Striped Black Jumpsuit na pinili ko sa shop ni Ate Eleanor para sa engagement party ni Tiffany. Sinuot ko ang kulay pulang Christian Louboutin Tpoppins na regalo sa akin ni mommy at daddy nung nasa Cebu ako. Hinayaan kong umalon ang mahaba kong buhok at naglagay ako ng make up.
Today is my best friend's engagement party. Naiinggit ako. I got married almost 6 years ahead of her, pero mas masaya siya. I was happy during my wedding, pero hindi masaya ang asawa ko. It was a one sided love. Gustong gusto ko ang ideyang ipakasal sa kanya but now I'm slowly regretting it.
"Mommy, pretty?" Lumapit sa akin si Felicity at umikot ikot. Nakakatuwa ang suot niyang damit. It was a design for a lady. Kulay gray na cropped sleeveless tank top na binagay sa kulay maroon na maxi skirt na may slit. Ang buhok niya ay kagaya ng akin, only longer.
"Of course, Felicity, mana kay mommy." sagot ko.
"Madison, okay ka na ba? Tara na..." Narinig ko si ate Eleanor sa labas ng pintuan. Sinuot ko nang mabilisan ang hikaw ko bago hawakan ang kamay ni Felicity para bumaba na.
Si mommy at daddy ay umalis na kaninang umaga papuntang Thailand. Iyak pa nang iyak si Felicity dahil gusto niyang sumama pero nang ipaalala kong magsusuot siya ng dress mamayang gabi, she got excited.
Matapos ang halos isang oras ng biyahe ay nakarating kami sa venue. Maraming tao na ang naroroon. Sinalubong kami ni Drew.
"Saan ang table?" Tanong ni ate Eleanor. "Asan na si Tiffany?"
"Doon. Tara." Sagot ni Drew. Sinundan namin siya. Nararamdaman ko naman ang pagtingin at paglingon ng iilang bisita dun. Maraming nakakakilala kay ate Eleanor, kay Drew, at siguro sa akin... I don't know. "Hindi pa lumalabas si Tiffany at saka si Yvan."
"Madison...." Lumapit sa akin si tita Chesca. Ang mommy ni Tiffany. Niyakap ako nito at bumeso. "Glad you came. Akala ko nasa Cebu ka."
"Nakabalik na po ako ng Manila mga ilang buwan na rin po. Tinatapos ko lang po ang OJT ko para makagraduate na." ngumiti ako.
"Oo, at kailangan talagang nandito ang best friend ng magiging bride, no!" Tumawa ito. "Saan ka nga pala nago-OJT?"
"Sa Anemone Hotel po." sagot ko.
"Sa hotel ng asawa mo? Asan na nga pala siya?" Tanong nito. Lumunok ako. She doesn't know. Hindi kwinento ni Tiffany. And that's a good thing. Pero ano ang isasagot ko ngayon? "Oh, ayan na pala siya."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Nginuso niya naman ang likuran ko. Nang hinarap ko naman ay kumalabog ang puso ko nang makitang nasa likuran ko si Austin na napahinto habang tinignan ang suot ko mula paa hanggang ulo.
"Mr. Villaverde! Buti at nakarating ka..." Lumagpas sa akin si tita Chesca at bineso si Austin. Napalingon naman ako kay Drew at Ate Eleanor na nakaupo na kasama ni Felicitiy. Parehong nanlaki ang mata ng dalawa. Buti at nakatalikod pa si Felicity at hindi pa niya nakikita si Austin.
This is just so awkward! Should I act sweet with Drew? Kasi iyon ang alam niya diba? But what's the point of doing that? I bit my lip. Naalala ko ang nangyari kahapon, bago siya umalis!
BINABASA MO ANG
Queen Of Fake Smiles
RandomIt is a gossip among the society that Madison Johannah Young is living the best life. She was gifted with grace and beauty, and was raised by her elite family to be prim and proper... she is, without a doubt, the perfect woman for Austin William Vil...