Chapter 51

517 14 0
                                    

"Dito ka na kumain, Austin." Sabi ni mommy. Gusto ko sana siyang pigilan sa gusto niya pero huli na ang lahat.

"Oo at nang makapag usap din tayo, Austin." Sagot ni daddy. Tinignan ako nito na parang natutuwa pa.

Nalaglag ang panga ko nang tumayo si Felicity at hinarap si Austin. Nag angat ito ng kamay at nagpapabuhat. Binuhat naman siya agad ni Austin at tumawa pa ito.

Lumunok ako at nagkatinginan kami ni mommy.

Nang magpunta kami sa kainan ay buhat buhat pa rin siya ni Austin. Nagulo pa ang buhok nito dahil sa pagkayakap ni Felicity sa likod niya.

"Felicity.... Sit on your chair." Pinagalitan ko si Felicity dahil sa kandungan pa siya ni Austin umupo. Kung hindi niya lang talaga tunay na daddy si Austin, iisipin kong feeling close siya! Siguro ay nararamdaman niya. Ang daddy niya nalang ang hindi nakakaramdam.

Felicity only giggled and went back to her chair. Sa sobrang kulit niya ay tumayo ito sa upuan niya at kinuha ang kanin. Nilagyan niya ng kanin ang plato ni Austin!

"Felicity! Tama na. Hindi ka marunong niyan." Pero hindi natitinag si Felicity at umambang kukuha pa ng ulam, kaya pinihilan ko nalang. She's not usually like this.

"You eat, Unke Austin." Sabi ni Felicity sabah balik sa kinauupuan. "Yayaaa! Papa!"

Lumapit na si yaya at inalalayan siya sa pagkain. Hindi naman maalis ang ngiti sa mukha ni Austin.

"So..." Pagbabasag ni daddy ng katahimikan. "Bakit kayo magkasama? Are you fixing things now?"

"Dad!" Pinagalitan ni mommy si daddy. Pinandilatan niya ito at patagong nginuso si Fizzy. Tumawa lamang si daddy.

"Hinatid ko lang po si Madi..." Sagot ni Austin. Tinignan niya ako na para bang nagtatanong kung sasabihin ko o hindi. Bumulong ako na wag na. "M-may nangyari kasi..." 

"Okay..." sagot ni dad na malaki ang ngiti ngayon. Pinandidilatan namin siya ni mommy. "Anyway, Austin, bukas na ang lipad namin papuntang Thailand. Pabantay muna sa anak ko habang wala kami." 

"Sure, I will." Sabi ni Austin. "It's really nice there in Thailand. You can stay there longer, para makarelax. I went there, kakauwi ko lang kanina, actually." 

"We will, Austin." sagot ni daddy. 

Habang nag uusap sila ay binalingan ko si Felicity na ngayon ay nagsasalit salit ang tingin kay daddy at kay Austin kaya nalalaglag ang mga kanin sa bibig niya!

"Fizzy!" Pinagalitan ko ito. Kumunot naman ang noo niya. "Pinapahirapan mo si pa yaya! Dapat di ka na nagpapasubo, big girl ka na!" 

Tumawa naman si mommy. Kaya si daddy at Austin ay napatingin kay Felicity na ngayon ay nahihiya dahil puno na ng kanin ang bibig niya. "Oops." She giggled. 

"Ilang taon na ba si Felicity?" tanong ni Austin. Kinabahan ako bigla. Nagpasalit salit ang tingin ko kay mommy at daddy. Help! 

"She's four, Austin." sagot ni daddy. Lumunok ako. Austin is not stupid, he can do math! Heck, he's one of the smartest person I know. Madali lang ma-compute! I was already months pregnant when I left our home five years ago! Kung mabibilang niya ay sakto iyon. 

Queen Of Fake SmilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon