Dun kami tumuloy muna sa condo ni ate Eleanor nang gabing iyon. We have clothes there so wala namang problema. Austin was still playful bago kami umalis. He even stole a kiss from me nang palabas na kami ng venue. Walang tao dahil nagpaiwan pa kami. Everyone already left and Felicity wasn't looking. Kinindatan pa ako nito bago pumasok ng sasakyan niya. And heck, I even saw his car following ours!
Pinatulog ko na si Felicity sa isang kwarto dun. Ate Eleanor's condo has three rooms, dito rin kasi nag-stay minsan si Ate Crystal at Ate Trisha when they're in Manila. Minsan lang sila sa bahay nila mommy at daddy dahil medyo malayo kapag wala kang sasakyan.
Umalis si Ate Eleanor ngayon para gumimik kasama ang mga kaibigan niya. After all, it's Saturday night. Si Drew naman ay umuwi na rin ata. Humiga ako sa couch sa living room matapos kong manuod ng kung ano-anong palabas. I can't help but my smile when I remember what happened earlier. Para akong teenager na kinikilig.
Niyakap ko ang unan sa sobrang ngiti ko. Nakakainis! It's already 2 AM and I can't sleep. Gusto ko pa siyang makita. Austin, one more hug before I sleep, please? Para naman makatulog ako. Hindi mo ako pinapatulog, eh! Hinihilot hilot ko ang noo ko pero di ko pa rin mapigilan ang pagngiti...
Matapos ang ilang segundo ay nag-ring ang phone ko. Hindi nakaregister sa phone ko ang number na tumatawag. Sinagot ko iyon.
"Hello?" Sagot ko. Walang nagsasalita. "Hello?" Tanong ko ulit.
"Madison..." Kumalabog ang puso ko nang marinig ko kung kaninong boses iyon. "I'm outside Eleanor's condo. Sunduin mo 'ko sa baba."
"What? Bakit?" Mula sa pagkahiga ay napaupo ako.
"I'll tell you kapag bumaba ka na."
"Okay..." Binaba ko na ang phone ko.
I'm already wearing my pajamas at nakapaghilamos na ako. Sinilip ko si Felicity na mahimbing na natutulog sa kwarto. Susunduin ko lang saglit si Austin sa baba. Madaling araw na lang rin naman kaya wala nang masyadong tao.
Nakita ko kaagad ang likuran niya na nasa lobby. Syempre, hindi mawawala ang mga hagikhikan ng mga babae. Kung saan may mga babaeng kinikilig, malamang nandun si Austin. He was wearing a white button up shirt na nakatupi hanggang sa siko niya. Nakatalikod sa akin habangnakapamewang.
"Austin..." tawag ko. Lumingon ito.
"Madi..." Magulo ang buhok nito at parang medyo nagusot ang damit. Lumapit siya sa akin at niyakap ako. Nang mahigpit.
"Namiss mo ba ako kaagad, Austin?" Ngumiti ako sa kanya. Tumingin ito sa akin na parang iniiwasan ang pagngiti. "Ano ba yun? Felicity's upstairs, iniwan ko."
Hinila niya ang kamay ko papuntang elevator. "What floor?"
Nang makaakyat kami sa unit ni ate Eleanor ay pinaupo niya ako sa couch habang naglalakad lakad sa harap ko nang pabalik-balik. Kumunot ang noo ko sa kanya. Hinilot-hilot pa niya ang noo niya, habang ang isang kamay ay nakapamewang.
"I'm sorry I disturbed you..." Mahinahong sabi niya, kahit na taliwas ito sa iritado niyang mukha. Huminto siya sa harap ko.
"It's okay, gising pa naman ako." sagot ko. I bit my lip habang tinitingala siya. Nahilo ako sa kakapabalik-balik niya.
"I don't know how to start with this..." Umupo siya sa tabi ko at hinilot ulit ang noo niya. Bumuntong hininga siya bago humarap sa akin. "May sinabi ba sayo si Drew? Kung nasaan siya? Or what?"
I bit my lip and shrugged. "Wala."
Ilang mura ang pinakawalan niya kaya kumunot ang noo ko. Bumuntong hininga siya ulit bago humarap sa akin. "Damn that man of yours!"
"Bakit?"
Tumigitig siya sa akin. He bit his lip at parang nag-aalinlangan ang mga tingin niya. Bumuntong hininga siya ulit at sumandal sa couch. Hinilot niya ulit ang noo niya. "So... I was at a certain bar a while ago..."
Pinanliitan ko siya ng mata. "What were you doing there?"
"I was..." Nagdalawang tingin siya sa akin. "Wait, what. No. I didn't went there to flirt if that's what you think... I went there for a different reason."
"Alright then, go on.." sagot ko.
"Nakaupo ako and then I saw Eleanor." He bit his lip looking at me. Tumayo ito ulit. "Shit. I can't... fuck."
"Ah, oo. She went out with her friends, bakit?" sagot ko. "Come on, say it... anong nangyari sa ate Eleanor ko?!"
Tumingin siya sa akin saka umiwas. He bit his lip. Ano bang nangyayari sa kanya? He's really weird. And what about my ate Eleanor?
"Austin, ano?" Natatarantang tanong ko.
"Shit... Eleanor was in the dance floor kissing Drew. Damn! Tangina ni Drew!" Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Not because I'm jealous or what... Si Ate Eleanor ko ang dini-date ni Drew? "I don't know..... andito naman ako! Wag ka na sa kanya, Madison!"
Hindi ako nakakibo. Lalong nagalit ang itsura niya. Pumikit siya."Shit! Fuck! I punched him in the face! You don't deserve to be cheated on. Nagkamali na ako sa pagdadala ko kay Lexie sa bahay natin noon, I don't want you to experience it again. Man, I can't afford to see you hurt again... Madi, tangina sinuntok ko siya. Gago siya!"
Kumunot ang noo niya nang tumawa ako.
"Halika nga dito..." sabi ko at hinawakan ang kamay niya. Inupo ko siya sa tabi ko. Galit na galit pa rin siya. Mura siya nang mura.
"That asshole deserves it. Bakit mo ako tinatawanan, Madi?" Tanong niya. Hiniga ko siya sa kandungan ko at hinilot ang noo niya. Pumikit siya sa ginawa ko. Tinaas niya na rin ang paa niya sa couch at tuluyan nang humiga.
Hinalikan ko ang labi niya. Just a peck kiss. Nagmulat siya ng mata at ngumiti sa akin. I caressed his hair. Hinalikan ko ulit ang labi niya, paulit ulit. "Don't think about it, Austin."
I have to say it... I love him. I want to stay with him. Gusto ko siyang makasama. Kung hindi siya sigurado sa akin, okay lang. Isusugal ko na 'to. I just love him so much. If he loves me, then I'm the luckiest girl in the world. I want a complete family. Hindi ko alam kung paano na si Lexie kung kunin ko siya ulit. He's rightfully mine. Pero naiisip ko si Sofia. Mabait siyang bata....
"Wala naman kaming relasyon ni Drew." I had to say it. Nanlaki ang mata niya at napatayo.
"Wala? Paanong wala? You left five years ago, magkasama kayo. I saw it nung nagpunta ako ng Cebu, magkasama kayo. Paanong wala?" Natatarantang sabi niya. Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. He followed me? "I mean-ano.... fuck."
"You followed me?"
"A-ano... wait lang! We're talking about you here." sabi niya. I giggled. He's so cute. I wanna squeeze him and hug him. He's a tough guy for some, but for me, he's my sweet little baby boo.
"Kasi..." I bit my lip. Yumakap ako sa kanya at sinandal ang baba sa dibdib niya. I smiled at him. Niyakap niya ako pabalik at tumitig sa akin.
"Kasi ano?"
BINABASA MO ANG
Queen Of Fake Smiles
RandomIt is a gossip among the society that Madison Johannah Young is living the best life. She was gifted with grace and beauty, and was raised by her elite family to be prim and proper... she is, without a doubt, the perfect woman for Austin William Vil...