Chapter 3

1.1K 25 0
                                    

Engrande ang wedding. Little did they know, love isn't involved. Pero umpisa palang 'to naman diba? One day, he'll love me. Kapag nakatira na kami sa iisang bubong.

I want my marriage to be better than my wedding day.

"Where's my room?" tanong ko sa kanya nang makarating kami ng malaking bahay na titirahan daw naming dalawa. Si Austin ang gumastos ng lahat para sa bahay na ito.

"There." tinuro niya yung isang wooden na pintuan sa second floor habang nilalaro laro yung susi.


Pagod akong umakyat at humiga sa malambot na kama. Humiga ako dun, tinatamad pa akong burahin ang make up sa mukha ko. Pinikit ko ang mata ko hanggang sa maramdaman ko ang paghiga ng isang tao sa tabi ko.

"What?" tanong ko sa kanya nang idilat ko ang mata ko at tinitigan siya ng masama.

"What?" tanong niya sa tanong ko.


"What are you doing here?" tanong ko. Kahit na deep inside, kinikilig ako dahil katabi ko sa iisang higaan ang crush ko lang noon, na asawa ko na ngayon.

"This is my room, too." tumingin siya sa kisame at pumikit.


Nalaglag ang panty ko.. este panga ko.

"What?" napatayo ako sa kama.

"I said, this is also my room." sagot niya.

"But I'm a girl.. and you're a boy!" sagot ko. "That's... that's.."

Umirap siya. "We're married."

Bumuntong hininga ako. He's right. We're married. I should be happy! Finally, I'm married to him, and we'll sleep on the same bed. The same room.

Sabay kaming pumasok kinabukasan sa school. Hindi niya pinapansin yung mga taong nagco-congratulate sa amin. Nagsalita lang siya nang makasalubong namin yung mga kaibigan niya at saka sumama sa mga ito.

"Bakit kayo pumasok?" nakataas ang kilay na tanong sa akin ni Tiff.


"And why not?" tanong ko rin.

"It's your honeymoon, for fck's sake!"

"Bakit? Wala naman kaming gagawin kung mag honeymoon kami eh. Duh!"


Binatukan niya ako.

"Tange! Kung gagawa ka ng paraan may mangyayari sainyo! Imposibleng hindi niya magugustuhan yun kung sakali!" sabi niya.

"Ayoko nga! Di pa 'ko ready!" sagot ko.


"Ang arte mo! Mag asawa naman na kayo. Maski maglampungan kayo sa harap ko, ayos lang sa akin!" sabi niya.

"Dapat lang! Lagi kaya kayong naglalampungan ni Drew sa harap ko."

Sumimangot siya.


"Later at your place, dude?" nakita namin ang pagtatawanan ni Austin at ng mga kaibigan niya.

"Aryt." sagot ni Austin. "Lexie, sumama ka, ha?"


Nalaglag ang panga ko sa katabi ni Austin. That Lexie girl. Napalingon sila sa amin ni Tiffany at nakita kong napayuko si Lexie at natahimik yung mga kaibigan niya. Is she one of his girls? Ya better get out of the scene 'cause he's going to hurt you.

"As I was saying, Lexie, alright?" pag uulit ni Austin. Nilampasan ko sila at diretsong naglakad.


"Papayag ka bang mang invite ng ibang babae ang asawa mo sa bahay niyo?" tanong ni Tiff nang makalampas kami dun.

Queen Of Fake SmilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon