Chapter 35

413 11 2
                                    

Nang sunduin namin ni Drew si Fizzy sa may gate ng school ay biglang sumagi sa isip ko si Lexie na nakita ko dito kahapon. Is she here right now?


"Momma...." Excited na lumapit sa akin si Fizzy. Lumuhod ako para mapantayan ang height niya. "I made my cyassmates yite(write) theiy names..."


"Anak, is there any chance that you had a classmate that has Villaverde as their last name?" Kumunot ang noo ni Drew na nakatingin sa akin. Natatakot lang akong magkakoneksyon sila sa anak ko.

"None, mummy." Sagot nito. Nakahinga ako nang malalim. Well, at least, hindi niya kaklase diba? Kahit na posibleng magkita pa rin sila sonewhere.


"You're worrying too much..." Sabi sa akin ni Drew habang naglalakad kami. I looked at Fizzy para tignan kung nakikinig siya but she's busy trying to read the list of her classmates' names.


"I saw Lexie. Dito. Kahapon." Sagot ko.

"So? Di naman niya malalaman na kay Austin si Fizzy just by looking at her? 'Tsaka it's going to be alright." Tinapik niya ang balikat ko. Saka binuhat si Fizzy papunta sa sasakyan niya.


Nang mapadaan kami sa may EDSA dahil sa kagustuhan ni Drew na kumain kung saan, napansin ko ang napakalaking billboard doon.


Austin William Villaverde.

I am ready to face him. Matagal ko nang pinagplanuhan iyon, but I am not yet ready for the possibility that he'll know about Fizzy.

"One of the youngest entrepreneurs." Sabi ni Drew at ngumiti sa akin.


"One of the youngest entrepreneurs? Eh, pinanganak lang siyang mayaman. All those are from his grandfather, dad, etc."


"I know you hate him, but you're wrong, Madi." Tumawa si Drew. I rolled my eyes. I know... Naiinis lang kasi ako. Kung ano ano naiisip ko. I'm overthinking.


Sa mall kami kumain kaya naman hindi kami nakauwi agad. Kung saan saan kami hinihila ni Fizzy. Naikot na yata namin ang mall sa kakahanap ng matinong toy na gusto niya. Medyo choosy talaga siya. Of course she didn't get it from me. Kay Austin niya iyon nakuha.


"Madison?" Nagulat ako sa kung sinong kumalabit sa akin. Halos mapatalon ako. 



"I-Iya?" Sagot ko. Ngumiti ito sa akin. Ibang iba na si Iya ngayon. Babaeng babae na syang manamit. Ang dami kong na miss sa Manila nang umalis ako para sa Cebh. I know it was fine there, pero dito sa Manila ako lumaki at dito ang mga kaibigan ko. Hindi ko maiwasang manghinayang sa mga taong nasayang ko. But oh well, I have my daughter at napalaki ko siya. That's what matters.


Napansin ko din ang malaking tiyan niya. She's pregnant! 



"Drew, bro!" Biglang dumating si Russell. What? Nagkatuluyan sila? I knew there was something! Noong college pa! Nanlaki ang mata nito nang bumaling sa akin. "Madison?"

Queen Of Fake SmilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon