Tahimik nanaman kami nang nasa sasakyan. Nakasandal ulit ang kanyang siko sa bintana habang nilalaro laro ang labi niya.
"Tinuloy nyo pala ang pagtataksil sa akin ni Drew." Nagsalita ito matapos katahimikan. Napalingon ako sa kanya. I stared at him but he stared back kaya nag iwas ako ng tinfin.
Naghalo halo ang emosyon ko. Inis, galit, gulat. How can he say this? Siya ang nagpatira ng kabit sa bahay namin at siya pa ang may ganang magsabe na nagtaksil ako.
"May Lexie ka na non, Austin." Mariing sagot ko.
Tumawa ito at tumingin lang sa harapan habang nilalaro ang labi. "You acted like you loved me tapos may ibang lalaki ka pala."
Hindi ako umimik dahil ayokong sigawan siya ngayon dahil kasama namin ang driver nya. Sa pagkakaalam ko ay siya ang gumawa nun. He acted like he loved me but at the same time nagpapatira siya ng ibang babae sa bahay namin. Buntis pa!
"Bakit ka nga pala sa kumpanya ko nagtrabaho? You wanted to see me, huh?" Pilyo itong ngumiti.
"No..." Sagot ko. If he thought I cheated on him, mas mabuting ganun na rin ang isipin niya talaga. Wala nang mawawala. I wanna prove to him na hindi ako nasasaktan at hindi siya kawalan. "Bumalik ako ng Manila kasi gusto kitang kausapin about sa annulment na hindi mo pa pinipirmahan. Balak na naming magpakasal ni Drew."
Hindi ito umimik. Tumingin ito sa labas at nilalaro laro ang labi niya. That was it. Nasabi ko rin ang intensyon ko kung bakit ako pumasok sa kumpanya niya. Matapos non ay katahimikan nanaman.
Gusto niya akong ihatid sa bahay. Sinabi kong ayaw ko. Hindi normal sa dating mag asawang maghihiwalay na ang ganon. Noong una ay nagpumilit siya. Ayoko. Ayokong matagal ko pa siyang makasama. Plus the fact that Fizzy greets me on the door when I get home. Makikita lamang niya iyon. I don't want that to happen.
Pag uwi ko ng bahay ay binati ako ni Fizzy. Kalaro niya si ate Eleanor! I still have questions for her although it's not that important. Siguro ay akala niya lang rin na boyfriend ko si Drew nang mga panahong iyon.
"Aunchie Eyeanor! Hawak mo to, pwease." Sabi ni Fizzy kay ate Eleanor habang may inaabot na kung anong laruan.
"Ate..." Sabi ko. Lumingon naman si ate Eleanor na nakangiti pa dahil sa paglalaro nila ni Fizzy. Nakaupo silang dalawa sa carpet ng living room. "Ate I have a question..."
"Go ahead." Sagot niya habang nilalaro pa rin si Fizzy.
"Ya, pakiakyat muna si Fizzy. Patulugin mo na, 10PM na." Sabi ko.
"Mommy! Nagyayayo pa kami!" Protesta ni Felicity.
BINABASA MO ANG
Queen Of Fake Smiles
RandomIt is a gossip among the society that Madison Johannah Young is living the best life. She was gifted with grace and beauty, and was raised by her elite family to be prim and proper... she is, without a doubt, the perfect woman for Austin William Vil...