Pumasok pa rin ako kinabukasan. I am not afraid. Siya ang talo. She may be my superior but I'm not scared! Patayin niya na ako! Nang dahil lang sa kahibangan niya! Hindi ko ipagpapalit ang edukasyon ko dahil lang sa pagpapahirap niya sa akin. Sa dinami-dami ba naman ng paghihirap ko sa buhay, uurong pa ba ako sa kanya? When she's just being desperate?
Nagbago naman ang awra ng mga tao pagpasok ko kinabukasan. They were all smiling at me. Ang weird nila. Yesterday they were ignoring me. Tapos ngayon, ganto naman?
"Madi!" Malaki ang ngiti nito nang salubungin ako. Tumatalon talon pa ito. Is Austin back?
"Bakit, Claudette? Bakit ang saya mo?" Natatawang tanong ko.
"Wala lang.... Excited lang ako." Sagot niya. "Tara na."
Ginawa ko ang ginagawa ko. Parang kahapon lang ay kaaway ko pa rito ang assistant manager namin. Nasaan na kaya yung baliw na yun?
Pagtapos kong maglinis sa isang kwarto ay sinalubong nanaman ako ng masiglang si Claudette. Coffee break. Ano bang meron at excited siya? Bumalik na ba si Austin? That's bad.... For me. I bit my lip nang maalala ko ang nangyari bago siya umalis papuntang Thailand.
"Ano yan? Anong nangyari dyan?" Hinawakan ni Claudette ang kamay ko at nakita niya ang sugat ko sa may braso. Ito iyong kalmot sa akin kahapon ni Adelaide.
Hinila ko ulit ang braso ko. "W-wala... Ano... Si Felicity kasi ang likot kagabi. Naglalaro."
Pagbaba namin ay hinila niya ako palabas sa may pool. Walang mga tao na nandun maliban sa mga staff ng hotels na may mga dalang cake. Nakangiti sila sa akin at para bang may party. May malaking banner pa ng Happy Birthday? Kaninong birthday?
"Happy birthday, Madi!" Nagulat ako dahil pati si Claudette ay wala na sa tabi ko. She joined the rest of them. But it's not my birthday?
Si Jay ay lumapit sa akin at hinila ako. Takang taka akong sumama sa kanya. Dinala niya ako sa kanilang lahat na may mga dalang cake. There must be a mistake? Baka hindi ako? It's not my birthday...
"J-Jay... I-I don't understand..." sabi ko at nginitian niya ako.
"Sorry, we've been avoiding you for this birthday surprise!" sagot ni Jay. What?! It's not my freaking birthday!
"S-sinong nag utos sa inyo? You must be making a mistake..." Tinignan ko siya pero naglakad kami at hindi niya na ako pinansin.
Pinaupo nila ako sa lamesa at binigyan ng mga pagkaing nakahain dun.
"Happy birthday, Madi! Sorry di ka namin pinansin, ah?" Iyon ang paulit ulit nilang sinabi.
"Sandali... ano... kasi..." I bit my lip. It's not my birthday! But how the hell am I going to tell them?
"Good Morning, Miss Wong." sabay sabay na bati ng mga staff sa kay Miss Wong na nasa likod ko! Nilingon ko siya. Tinignan ko siya ng masama and I clenched my jaw. She just gave me an evil smile!
Tinalikuran ko siya ulit at tumitig sa pagkain na nasa harap ko.
Nabuhay ang buong katawan ko nang maramdaman kong may tubig na bumuhos sa akin! Binuhusan ako ng isang balde ng tubig ni Adelaide! Ang mga kasamahan kong kaninang maingay ay nagsi-tahimikan.
BINABASA MO ANG
Queen Of Fake Smiles
RandomIt is a gossip among the society that Madison Johannah Young is living the best life. She was gifted with grace and beauty, and was raised by her elite family to be prim and proper... she is, without a doubt, the perfect woman for Austin William Vil...