Ilang araw ang nakalipas nung nagkita kami, pero hindi man lang siya sumilip o dumaan man lang sa hotel. Today is Wednesday, siguro hinatid niya si Ms. Wong. Well, whatever.
"Madison, naghahanap kami ng limang trainee para sa party ng kaibigan ni Mr. Villaverde. He recommended you." seryosong sabi ni Mrs. Peco. Trainee palang kami pero kami ang gusto niya para sa party ng kaibigan niya? We're not yet good in hospitality management. Nang aasar ba siya?
"Ma'am, sure po ba kayong trainee ang kailangan?" I asked. Why the hell would he need a trainee? Pwede namang regular, diba? Kasi hindi pa kami magaling. We might not impress the people. Baka maging masama pa ang tingin nila sa kumpanya!
"Yes, that's his order." sagot niya. "Anyways, it's a kid's party. You don't have to impress anyone there, just do your job."
"Okay po. Thank you." sagot ko. Nang aasar siya, yun 'yon. He knows I'm not yet good at this. I can entertain kids, alam ko kung paano yun. Pero alam ko kung ano ang motibo niya.
"Sa Sofia Towers gaganapin yung party. Wear a formal dress, sabi ni Mr. Villaverde. Puro mga susyal ang nandun." dagdag pa nito. Kids party, formal dress dahil mga susyal ang mga tao dun? What the hell? Baka mamaya mag formal attire ako dun, tapos costume party pala. Nako! Alam kong galit siya sa akin pero sana naman wag ganun!
But at least magkakaroon ako ng opportunity na makausap siya tungkol sa annulment na gusto ko. After that, I'm done. Gagaan na rin ang loob ko and I don't have to face all these problems.
Paalis na sana ako nang makita kong palapit sa amin si Austin. Nanginginig nanaman ako. Bakit ganito? Mas gwapo siya ngayon. He looks really intimidating. Nagmature siya, siguro dahil sa suot niya. Pero ganun pa rin ang magaganda niyang mata, mapupulang labi, ilong na matatangos, at ang jaw niya na sobrang perfect.
But I will never forget how he manipulated me five years ago! He had the skills, sanay siyang maglaro ng babae. Sanay siyang manloko at ginamit niya ako para doon. I hate him. Ugh! Get your shits together, Madison! Should I say good afternoon?
"Good afternoon." bati ko. Tumango lang ito sa akin at lumapit kay Mrs. Peco.
"Have you told her?" Iyon ang narinig kong sabi ni Austin bago ako makalayo sa kanila at sumakay na ng elevator. Nakahinga na ako nang malalim. I should not be affected, I should not overthink. Bakit ganito? Nakakainis!
Galit siya sayo, Madi. That's for sure! Papahiyain ka lang niya dun. Pero hindi! Hindi ako magpapatinag! Pahiyain niya na ako pero hindi ako magpapatinag sa kanya! My parents didn't raise a quitter! You can do it, Madi. You can do it.
Naglagay lang ako ng usual make up ko. CC Cream, Eyebrow Pencil, Blush on at Lipstick. Naglagay din ako ng konting eyeshadow. I curled my hair. If I get overdressed with my short white dress, that's fine! At least I slayed! Maglaway siya! Dahil maganda ako!!!! AT SINAYANG NIYA AKO!
Drew calling...
"Hello?" sagot ko.
BINABASA MO ANG
Queen Of Fake Smiles
RandomIt is a gossip among the society that Madison Johannah Young is living the best life. She was gifted with grace and beauty, and was raised by her elite family to be prim and proper... she is, without a doubt, the perfect woman for Austin William Vil...