Nagmulat ako nang mata. I'm very certain that I am in a hospital, dahil na rin siguro sa hospital gown na suot ko. At least I didn't woke up in an unfamiliar room owned by a stranger just like the last time!
I wandered my eyes at nakita ko si Ate Crystal, kuya Dan at si Dani na nakauniform pa. They all looked at me; worried.
"Ate..." I said.
Lumapit ito sa akin at hinawakan ang kamay ko. Tinignan niya akong mabuti.
"Ate Crystal, what happened?"
"You passed out." Sagot nito then caressed my hair.
"Great. I passed out again. Ano ba itong nangyayari saakin." I heaved a sigh. "I'm sorry, hindi ko nasundo si Dani."
"You passed out at iyon pa rin ang iniisip mo?" Sagot nito. Hindi ako kumibo, pagkatapos ay pinisil niya ang kamay ko. She bit her lip saka yumuko. "Madi..."
Lumapit sa amin si Dani at yumakap sa mommy niya saka tumingin sa akin. Ate Crystal bit her lip harder at mukhang may gusto itong sabihin.
"Ano, ate?"
Nagtinginan sila ni kuya Dan and then nodded to each other. Nagtaka ako lalo.
"Buntis ka, Madi, one month na." Sabi ni ate Crystal. Napahinto ako. All three of them were staring at me.
I closed my eyes. Sinabi ko sa sarili ko na ayaw ko na, ayaw ko na ng kahit na anong magpapaalala sa akin kay Austin, and then there's this baby in my womb na anak ng lalaking iyon! Ang walangyang lalaking iyon!
Tumulo ang luha ko. "I don't want this baby! I don't want it. Get it off me!" I was pushing my tummy at pinapalo palo ko ito, like it was going to work.
"Dan, palabasin mo muna si Dani." Sabi ni ate Crystal pero nagpatuloy ako sa ginagawa ko. Naiinis ako! Ang gagong iyon, nag iwan pa ng alaala!
"Ate, call the doctor. Tell them to remove this thing from me!" Sabi ko habang pinapalo palo ang tiyan ko. Kasabay nito ang pag tulo ng mga luha ko.
Hinawakan ni ate ang kamay ko para pigilan ako. "Madi! Madi, stop it!"
"No, ate, anak ito ng lalaking iyon! He has his own family pagkatapos ay aanakan niya ako!"
"I just want to remind you na ikaw at ang anak mo ang legal na pamilya ni Austin, kaya dapat lang na panagutan niya ang bata!" Sabi ni ate Crystal while holding my hand. "Please stop blaming your child. Dalawang beses ka nang hinimatay and this time, nahulog ka sa hagdan but you're lucky the baby's still there. It's like it really wants to live."
Napahinto ako and I bit my lip.
"Wag mo siyang kamuhian dahil sa anak siya ni Austin. Anak mo yan, at isipin mong binigay siya sayo ng Diyos para may makapitan ka at may magbigay sayo ng kasiyahan sa mga oras na 'to." Dugtong pa niya.
I looked down my tummy and caressed it. Tumulo nanaman ang luha ko. Ate's right. I have to love the baby kahit na si Austin ang ama. I bit my lip at huminga nang malalim.
I'm sorry, baby... Nabigla lang si mommy. Gusto ko na kasing makalimutan yung magaling mong daddy, eh. Pero wag ka mag alala, kakayanin nating dalawa 'to kahit wala siya ah... He doesn't have to know about you.
Nahimasmasan ako. Gumaan ang pakiramdam ko nang makausap ko ito. I know it's still a fetus pero nabuhayan ako nang loob. He/she will be my strength.
Hindi pa rin ako makapaniwala na may bata sa loob ng sinapupunan ko. From now on, siya na ang buhay ko. Hindi ko na kakailanganin si Austin...
Makalipas ang dalawang buwan ay lalong lumaki ang tiyan ko. Hindi naman ganun kalaki, but you can already see the baby bump.
Aalis kami ni Marie at Dani ngayon para kumain sa labas. Weekend kasi ngayon at walang pasok si Dani sa school.
Palabas na sana kami nang front door nang bumungad sa akin si Drew. He was wearing his snapback backwards. Halatang pagod pa ito kahit na nakangiti siya sa akin.
Lumapit si Dani. "Auntie Madison, is he baby's daddy?" Sabay turo sa tiyan ko, dahilan para mapatingin si Drew dito. I bit my lip.
"I-uh..." Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Of course Drew's not my baby's dad pero ang iniisip ko ay kung anong sasabihin ko kay Drew. He looked at me. "Drew, gusto mo bang sumama?"
He nodded. Pero parang natahimik pa rin ito habang naglalakad kami papunta sa sasakyan ni ate Crystal. He volunteered to drive, at ako ang nasa passenger seat.
Tumitingin tingin ito sa akin paminsan minsan. Pero nang kumain kami ay bumalik ang pagiging madaldal nito. Maya maya ay nagkikwento na ito nang kung ano ano.
Nang maiwan kaming dalawa ni Drew sa sala habang inaakyat ni Marie si Dani ay nginitian ako nito at pinisil ang kamay ko.
"Kaya mo ba, Madison?" Tanong nito.
Kumunot ang noo ko at tinignan siya. "Oi naman... Kaya ko 'to."
"But you're just 18. Magna-nineteen ka palang." Sagot nito. Nag iwas ako sa kanya ng tingin pero hinawakan nito ang pisngi ko para patingining muli sa kanya. "Madi, kahit try lang, sige na. This is my last chance para magustuhan mo 'ko. Subukan lang natin, Madison. The baby needs a father figure. Kung ayaw mong ipaalam kay Austin, then ako nalang. Buburahin natin sa buhay niya si Austin. Sige na, Madi..."
Huminga ako nang malalim. "Nahihirapan pa ako sa sitwasyon ko, Drew. Tsaka ayaw kitang saktan."
He bit his lip at nilaro laro ang snapback na suot niya kanina. "But if you change your mind... Handa ako sa lahat ng posibleng mangyari."
BINABASA MO ANG
Queen Of Fake Smiles
RandomIt is a gossip among the society that Madison Johannah Young is living the best life. She was gifted with grace and beauty, and was raised by her elite family to be prim and proper... she is, without a doubt, the perfect woman for Austin William Vil...