Chapter 24

517 11 0
                                    

Christmas break at kahit na hindi na kami madalas magkasama ni Austin dahil sa school lamang kami nagkakasama ay okay na okay lang. Patago siyang magtanong. Minsan nasa taas ako ay nagtitext siya o kaya iba pang mga bagay.

"Dito ka nalang. Baka di mo kayanin ang dami ng tao dun." Sabi ni Austin kay Lexie. Balak kasi naming bumili na ng regalo.

"Kakayanin ko, Austin! Sama ako, sige na." Sagot naman nito. Kanina pa nagpapasalit salit ang tingin ko sa dalawa. Nagpupumilit si Lexie sumama at kinukumbinsi naman io ni Austin na huwag na.

"Lexie, maraming tao. We don't know if we might see someone from my family there." Sagot ni Austin. Kinagat ni Lexie ang labi niya at hindi na kumibo.

Nang makasakay kami ni Austin nang sasakyan ay tumingin siya sa akin nang nakangiti. Hanggang sa makaandar na kami, tuwing traffic o kaya naman ay stop lights ay titingin ito sa akin at ngingiti.

"You know, this is my first time Christmas shopping." Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan yun saka tumingin ulit sa daan.

"Seriously?" Tanong ko.

"I let my mom do all of those." Sagot niya. "At kanino naman ako magreregalo?"

"Eh, paano ba 'yan, Austin.. Bakit ka sumama dito?" Tanong ko.

"Wala..." Hindi siya tumitingin sa akin. "Para maramdaman ko lang yung Christmss vibe na nararamdaman ng bagong kasal. You know, shopping together."

Namula ang pisngi ko nanaman.

"I wanna be alone with you, love.." Sabi niya. Gusto kong tumalon pero magmumukha akong tanga.

Tama nga ang sabi niya, marami ngang tao. Punong puno ang mall ng mga nagChri-Christmas shopping.

Hawak hawak niya ang kamay ko habang palakad lakad. Hihinto tuwing may makikita akong magandang pang regalo. Siya naman ay hindi man lang naghahanap ng pang regalo.

"Hindi ka ba nabobored?" Tanong ko. Kanina pa siya nakahawak sa kamay ko at sumusunod lang sa akin sa kung saan ako pumunta.

"Hindi." Nakangiti niyang sagot. Hawak niya ang isa kong kamay at ang isa naman ay nasa bulsa niya.

Pinagtitinginan siya ng mga babae doon. Ang lakas talaga ng dating niya, lalo na ngayong nakagreen siyang jacket at puting
V neck shirt sa loob. Kahit siguro basahan ang suot niya, kikiligin pa rin ang nga babae sa kanya.

He held my closer to him. At tumingin ako sa seryoso niyang mukha. I'm so lucky to be married to this man. He's going to be a father, but I still want him. Any girl would still want him.

"Bakit ka nakatingin?" Seryosong tanong niya. Nakababa ang tingin niya sa akin dahil matangkad siya.

Tumawa ako. "Wala lang. Pinagtitinginan ka kasi ng mga babae dito. Naks, gwapo."

Wala siyang reaksyon. "Ikaw nga ang pinagtitinginan kanina pa ng mga lalaki kahit na nakita na nilang may kasama ka."

I bit my lip at nagpatuloy sa paglalakad. Kinikilig ako. I smiled pero hindi ko pinahalata sa kanya.

Nang magutom ako ay niyaya ko siya sa isang fast food chain na pangbata. I'm pretty sure na hindi siya kumakain sa gantong lugar. But it's a happy place!

"Isip bata talaga...." Bulong ni Austin.

Habang nakaupo siya ay ako na ang nag order. Nakaupo siya dun at binabantayan ang mga pinamili namin. Pagbalik ko ay nakatingin siya sa kung saan at seryoso ang mukha niya.

Sinundan ko ng tingin. Nang mapansin niya ako ay tumingin siya sa akin at ngumiti then he bit his lip. He was looking at the kids playing at inaalalayan ito ng kanilang mga mommy.

Queen Of Fake SmilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon