Ang maingay na tunog ng party music, ang mabahong amoy ng sigarilyo at ang mga taong nagsasayawan at nag iinuman ang bumabalot sa buong bar na iyon. Saturday night, kaya maraming tao. 11PM palang at mga madaling araw inaasahang dumami ang tao.
Maaga palang ay umalis na ako ng bahay at nagpunta sa bahay ng ate Eleanor ko. Isa siya sa tatlo kong ate. Sa kanya ako pinakaclose. At sa kanya ko rin kwinento ang mga nangyayari at ang saloobin ko. Siya rin ang nagpasya na pumunta kami rito. Halos every Saturday ata nagpupunta sa mga ganitong lugar. Naalala ko pa na gustong gusto ko sumama sa kanya dito noong hindi pa ako eighteen.
Ito pala ang buhay noon ni Austin noong hindi pa niya nakikilala si Lexie.
"Ayun yung mga friends ko." Turo ni ate Eleanor sa isang mahabang couch sa may gilid. "Halika, puntahan na natin."
Lumapit kami sa kanila. Hindi masyadong rinig ang malakas na tugtog sa pwestong iyon. Nakipagbeso si ate sa kanila. Ang iba sa kanila ay kilala ko na, pero ang iba ay mga bagong mukha para sa akin.
"Guys, sister ko." Pagpapakilala ni ate saakin.
"Hiiiii." Sabi nila.
Umupo ako sa tabi ni ate Eleanor at ate Gigi, ang best friend ni ate na ka-close ko na din noon pa. At nagsimula akong uminom. I was watching the people dancing on the dancefloor when I received a text message.
From Drew:
What are you doing here?Napalinga-linga ako. Nakita niya ako? Agad akong nagtype para magreply.
To Drew:
You're here? Where are you?"Look, JM, that hot guy is staring at you. Kanina pa." Sabi sa akin ni ate Gigi. JM ang tawag nila sa akin, short for Johannah Madison.
Napalingon ako sa kung saang tinuturo niya. At nagulat ako nang makita ko si Drew na nasa kabilang couch! Kasama niya ang iba pa nilang kaibigan ni Austin.
"Oh... Oh my God." Tumawa ako at napahawak sa noo ko.
"Why?" Tanong ni ate Gigi.
"Wait lang ate." Sabi ko saka tumayo at lumapit sa couch kung saan sila Drew nakaupo.
Ngumiti din at tumayo si Drew nang makita akong tumayo. Nang lumapit ako ay nilapitan niya ako, kaya naman napatingin ang isa niyang kasama.
Nahiya tuloy ako dahil pinasadahan nila ako ng mga tingin na parang hinuhubaran na ako sa isipan nila. Nakafit ako na dress at first time kong magsuot ng ganito, kaya bago iyon sa paningin nila. Dagdag pa na nilagyan ako ni ate Eleanor ng eye make up.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Drew.
"Naghahanap ng boyfriend!" Natatawang sagot ko. Medyo nakainom na rin kasi ako.
"Bakit ka pa naghahanap eh nandito lang ako..." Sagot nito.
Natawa nalang ako at hinila ko siya papunta sa dancefloor. He looked hotter tonight though. He's just wearing a black v neck shirt, black pants and his watch pero ang lakas ng dating niya.
Pero hinila niya muna ako sa bar, at nag order ng drinks. Hindi ko alam kung gaano kadami na ang nainom ko nang nagpunta kami sa dance floor.
Sumayaw sayaw kami. Hindi ko na realize na I was dancing wildly.
"You're hot." Bulong ni Drew sa likod ko. I smiled. "But they're all staring at you."
Napatingin ako sa mga lalaking nakatingin sa akin at chinicheer ako habang sumasayaw. Naramdaman ko ang kamay ni Drew na niyakap ang baywang ko mula sa likuran. Sinayawan ko siya, now that we're closer.
"You're drunk. Upo na tayo." Bulong niya sa akin.
"No, I'm just tipsy." Sagot ko.
"Come on, you're getting a lot of stares here." Sabi naman nito.
"So? Let them look, they can't touch." I laughed.
Bumuntong hininga siya. "Tara na." Hinila niya ako pabalik sa table kung nasaan sila ate Eleanor. They all looked at me.
"Oh my Gosh, Eleanor, your sister's really beatiful. Look, meron na siya kaagad na guy." Narinig kong sabi ng isang kaibigan ni ate, who was giving me confused looks.
"Drew?" Nakataas na kilay na tanong ni ate.
"Yes ate, it's Drew." Sagot ko.
"What are you doing here? Where's Tiff?" Tanong ni ate. Nagkatinginan lang kami and I just laughed.
"Uh, Eleanor. Iuuwi ko na sa kanila si Tiff. She's really drunk." Sabi ni Drew.
"What? But it's too early! We just got here! I'm planning to go home at 5AM." I laughed.
"Sige, Drew. Lasing na nga... Mag ingat kayo. Ihahatid ko nalang kayo sa labas." Sabi ni ate Eleanor.
"No, kami nalang." Sagot ni Drew.
"You sure?"
"Yeah..."
To be continued.
Soooo I'm thinking of making a facebook or twitter connected to this story. Should I or should I not?
BINABASA MO ANG
Queen Of Fake Smiles
RandomIt is a gossip among the society that Madison Johannah Young is living the best life. She was gifted with grace and beauty, and was raised by her elite family to be prim and proper... she is, without a doubt, the perfect woman for Austin William Vil...