Chapter 43

442 16 5
                                    

Natapos ang araw na iyon nang hindi ko nakikitang muli si Austin. Mas gusto kong hindi siya nakikita dahil hindi ako komportable kapag andyan siya. Although I wanna talk to him about his plans on our annulment. Sana ay hindi niya sabihin kay Miss Wong dahil baka pag initan ko sa trabaho. Gusto ko malaman nilang laht iyon kapag tuluyan na kaming mahiwalay.


"Madison, buti andyan ka! Kailangan ng housekeeping sa penthouse ni Austin..." Iyon ang bungad ni Mrs. Peco nang makasalubong ko siya pagpasok ko. What?! Bakit ako? "Hindi ko alam... Pinag-leave niya ng one week yung mga nakaassign dun."


Si Claudette nalang. She would love it! Ayokong maiwan sa isang lugar kasama si Austin, tapos kaming dalawa lang. Hindi ako makahindi dahil si Mrs. Peco ang nag utos! Tumingin tingin ako sa likuran niya, naghahanap ng kapwa ko housekeeper. Pero wala. I had no choice but to do what was said. Sumakay ako ng elevator, sana wala siya! 


Nakakastress naman 'to! 


"Madi! Madi!" Napalingon ako kay Claudette na nagmamadaling hinahabol ako. Pasarado na sana ang elevator. Oh thank God! Siya nalang sasabihan ko, tutal wala namang sinabi si Mrs. Peco na ako mismo ang pumunta dito. She was looking for someone at ako ang una niyang nakita. 


"Oh, Claudette! Buti nalang andyan ka." Sagot ko. Alam kong GO na GO agad siya kapag sinabi kong siya ang maglilinis ng penthouse ni Austin. I know she'd be grateful. Two good things would happen kapag siya ang maglinis. Makakaiwas ako kay Austin. At magawa niya kung anong gusto niya dun. Kahit pagnasaan niya pa kung ano ano dun. "Ikaw nalang maglinis ng penthouse ni sir Austin." 


Nalaglag ang panga niya sa sinabi ko. 


I bit my lip. "Gusto mo siya masolo diba? Para magawa mo gusto mo dun, please." 


"Nahihiya ako...." 


"Sige na, please. O kaya mag tawag ka ng iba, may gagawin kasi talaga ako." Hindi ako mapakali. Sana mapapayag siya! "Malay mo andun si sir. Gapangin mo nalang siya."


"Gaga, osige na nga! Pero dun ka lang muna  sa floor na 'yon, tas sasabihin ko kung okay na, saka ka umalis..." sabi niya at humagikgik. May balak nga talaga siyang gapangin si Austin! 


Umakyat kami sa floor ni Austin. Kabadong kabado ako habang si Claudette naman ay halos tumalon sa sobrang excitement. Buti nalang at wala kaming kasabay ngayon sa elevator. Kinakabahan pa rin ako kasi baka lumabas siya. 


Nakarating kami ng floor na iyon at kumatok si Claudette. Ako naman ay nasa may gilid para hindi ako makita kung andyan man si Austin. Bumukas ang pinto. Austin's there! O baka may kasama siya? 



"Good morning, sir." Bati ni Claudette. Tumingin naman sa akin si Claudette at ngumiti. Sinenyasan ko siyang pumasok na at wag pahalata na may tao kung nasaan ako! 


Nakahinga ako nang maluwag nang magsarado ang pinto. 


Queen Of Fake SmilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon