Chapter 25

473 12 2
                                    

"Well, I'm happy for you, though." Sabi ni Drew. Hindi ako nagkwento ng kahit na ano sa kanya. Nagkasabay kaming maglakad.

Hindi ko gustong magkwento sa kanya. He confessed na gusto niya ako. It would just hurt him na malaman na ganito kami ngayon ni Austin. But he saw us with his own eyes.

"Drew... Thank you.." Sabi ko.

Lumingon siya at ngumiti. "For what?"

"For being there with me noong hindi pa kami maayos ni Austin." Lumunok ako. "I caused you trouble. And... please don't think na ginamit lang kita noon kasi..."

"No, it's okay. Naiintindihan ko, baliw." Natatawang sagot niya.

Bumuntong hininga ako. "I kissed you that night... I'm sorry."

Tumawa itong muli. "It's really okay. Many drunken girls do that. So, it's not really new. Okay lang yun."

I smiled at him and bit my lip. "So, let's just keep that to ourselves, then?"

"Yes, Madi. Tayo lang ang nakakaalam." He smiled.

"Pinky promise?"

"Pinky promise."

Matapos nun ay nagpunta na ako sa klase ko. Balak ko pa sanang hindi na pumasok dahil sa sakit ng ulo ko, pero kailangan kon humabol kaya pumasok ako sa dalawa pang subjects ko sa hapong iyon.

Kahit na papano ay magaan ang loob ko ngayon. Okay kami ni Austin, okay kami ni Drew, I'm getting close to making everything okay. Kaya ko ito. For the sake of my love for Austin. I'll do everything.

"By three kayo na gagawa nun. Pumili na kayo ng kagrupo ninyo. Then, pwede na kayong magplano ng topic niyo. Pass it to me for my approval, pagkatapos ay pwede na kayong umalis." Hindi ko namalayan na may pinapagawa pala ang professor ko dahil sa mga iniisip ko.

"Madison, tayong tatlo nalang ni Iya..." Lumapit sa akin ang isa kong kaklase at si Iya. Tumango ako at ngumiti.

"Sige. Anong topic natin?" Lalaking lalaki ang tono ng boses ni Iya. Ngumiti ito sa akin. Lalaki din ito kung manamit. Kilala ko siya dahil isa siya sa kaibigan ni Austin na dumalo noong kasal namin.

"Dapat iyong mga kukunin natin para survey na ito ay yung madali lang hagilapin para hindi na tayo mahirapan maghanap." Sagot ko.

Nagplano kami kung ano ang gagawin.

"Ayieee..." Pag aasar ni Daniella kay Iya nang pabulong. Nakita kong nakatingin ito sa bintana. Maging ang iba naming kaklaseng babae.

Napalingon ako. Halos mapatalon ako nang makita ko si Austin dun. Natunaw naman ako nang makita ko ang pagtawa nito. Magkasama sila ni Russell at nagtatawanan. Natutuwa ako sa pagsingkit ng mata niya sa pagtawa niya. At ang pagngiti niyang nakakatunaw talaga.

"Tang ina, Daniella ah." Sabi ni Iya. Tumawa naman ng malakas si Daniella. Tumingin sa akin si Iya at ngumiti.

Kaya hindi agad natapos ang mga kaklase naming babae kasi nadistract sila kay Russell at Austin na nasa labas.

Nang matapos namin ito ay lumapit ako kaagad kay Austin. Hinalikan niya ako sa pisngi.

"Naks, pare! Love bird amputs!" Sabi ni Russell. Natawa ito.

"Hoy ano bang kailangan mong demonyo ka, bakit ka nanaman nandito?" Napatingin kaming tatlo sa kakalabas lang na si Iya.

"Nililigawan mo ba 'tong si Mario?" Natatawang tanong ni Austin. "Di kayo talo."

"Isa ka pa eh! Ang kulit kasi ng Russell na ito eh!" Sagot naman ni Iya. "Iniinit ang dugo ko eh."

"Iya, baka nakakalimutan mo..." Sabi ni Russell at bigla namang tinakpan ni Iya ang bibig nito. Agad ding natanggal ni Russell ang kamay nito dahil mas malakas at mas matangkad siya dito.

"Mauuna na kami ni Madi." Tumatawang sambit ni Austin, then he held my hand.

"Sige bro ingat."

Nagpunta kami sa sasakyan niya. Hindi ko siya maintindihan. Kung kanina ay nakikipagtawanan siya kay Russell, ngayon tahimik ito. Hindi na tuloy ako makahintay na makarating kami ng sasakyan niya. Mukha kasing may gusto siyang sabihin. Kinakabahan tuloy ako....

He opened the door for me. Inaantay ko siyang makasakay rin. Hindi man lang siya nagsasalita...

"Madi..." Tumitig siya sa akin. Mukhang galit ang titig niya sa akin kaya kinabahan ako.

I bit my lip.

"Naiirita ako." Sabi niya saka nag iwas ng tingin. Pagkatapos ay nilaro niya ang kanyang labi na para bang frustrated siya.

"H...h-ha? Bakit?" Tanong ko.

Ilang segundo siyang hindi sumagot. Lalo siyang mukang nainis at mas marahas niyang nilaro ang labi niya.

May kinuha siyang brown na envelope sa upuan sa likod. Pagkatapos ay iniabot niya sa akin. Tumingin ulit siya sa harap. Ang isang kamay niya ay nasa manibela at ang isang kamay naman niya ay marahas na nilalaro ang labi niya. Halata sa mukha nito ang pagkairita dahil sa pagkakunot ng noo niya.

"Someone left that thing on my locker." Iritang irita ang boses niya.

Napatingin ako sa kulay brown na envelope na iyon. May note pa iyon sa likod na Open the envelope, Austin... And by opening this, you'll probably open your eyes ;)

Kinakabahan ako sa kung ano mang nandun. I looked at him. Tumingin din siya sa akin. "Open it, Madi!"

Dahan dahan kong binuksan ang envelope. Kinuha ko ang pictures doon. Picture namin iyon ni Drew noong nagkita kami sa bar!

Malalabo ang kuha ng una. Noong nagsasayaw palang kami, hanggang doon sa nagpapaalam kami sa kapatid ko at sa mga kaibigan niya.

Halos mabitawan ko ang picture noong hinahalikan ko si Drew sa may sasakyan niya.

"L-love..." Yun lang ang nasabi ko.

Pumikit siya nang mariin at hindi kumibo. I bit my lip. Halos nagdugo na ito sa kakakagat ko.

"Noong... A-ano pa yan... N-nung ayaw mo sa akin..." Sabi ko. Napalunok ako. Shit...

"Yeah. You told me he was gentleman enough to bring you home! Fucking gentleman enough to kiss someone else's wife!" Napapikit ako sa pagsigaw niya.

"I'm sorry..." Iyon lang ang nasagot ko. I bit my lip. "Lasing ako nun..."

"The hell I care if you were drunk! You're my wife!" Sagot niya. Gusto kong sumagot ko. Gusto kong isumbat sa kanya ang lahat. He's also my husband! Pero may babae siya na pinapatira sa bahay namin. Mas grabe pa nga iyon diba? I wanna upbraid him for everything he did pero hindi ko kaya... I'd rather lose this argument than lose him.

Kahit madami akong gustong sabihin sa isip ko ay nanatili na lang akong tahimik. Marami siyang sinasabi pero hindi punasok lahat sa akin. Pumikit ako at pumatak ang luha ko. He looked at me and he bit his lip.

"Madi..." Kumalma ang boses niya. "Madi.."

Patuloy ang paghagulgol ko. Hinawakan niya ang kamay kong nakatakip sa mukha ko. "Love..."

"I'm sorry.." Sabi niya. Narinig ko ang malakas niyang buntong hininga.

"Naiinis ako sa sarili ko kasi hindi kita matiis..." Sabi ulit nito at hinalikan ang kamay ko. Pagkatapos ay pinisil pisil niya ito.

"Sorry..." Ang tanging nasabi ko.

"Wag ka nang umiyak.." Sabi nito. "Just promise me one thing, Madi."

"Anything..."

"Wag ka nang lalapit sa kanya o kahit kanino. Akin ka lang." Then he kissed my forehead.

(A/N: Sorry for the late update.. I was just doing a lot of school stuff this week.)

Queen Of Fake SmilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon