"Madi!" narinig ko ang boses ni Drew na tinawag ako kaya lumingon ako.
"Oh bakit, Drew?" tanong ko nang makalapit siya. Ngumiti siya sa akin.
"Sorry sa nangyari nung sembreak ah..." nahihiyang sabi niya. "Ano ang sinabi sayo ni Austin pagkatapos nun? N-nagalit ba siya?"
Napalunok ako. Naalala ko. No, hindi nagalit si Austin, dahil mayroon kaming ginawa.. shit! Ilang beses naming ginawa yun...... pero ugh.
"H-hin---" Di pa ako natapos magsalita nang may humablot sa kamay ko.
"Aray!"
Hinawakan ako ni Austin sa magkabilang balikat nang makapunta kami sa lugar na konti lang yung tao. Tinitigan niya ako.
"Austin, ano bang problema mo?" tanong ko.
"Ikaw!" Titig na titig siya sa mata ko.
"Ako? Anong ako?" tanong ko habang pilit na tinatanggal ang pagkahawak niya sa magkabilang balikat ko. Naaawkward ako sa titig niya. Kakainis namin si Austin!
Umiwas siya ng tingin at inayos yung buhok niya."Bakit mo pa rin kinakausap si Drew?" naiiritang tanong niya.
Tumaas ang isang kilay ko. "Bakit? Bawal ko ba siyang kausapin? Wala naman tayong usapan ah!"
"Myghad!" iritadong sigaw niya. "Paano kung gawin niyo ulit yung ginawa niyo nung mahuli ko kayo? For pete's sake Madi, I'm your goddamn husband!"
Napahinto ako sa pagpupumiglas sa hawak niya sa akin. Naramdaman ko namang kusa niyang tinanggal ang dalawa niyang kamay. Nang mahimasmasan ako, saka ko lang napansing naglalakad na siya palayo.
Ayokong mag assume. Sinabi niya lang yun for his own reputation. Walang ibang meaning yun.
"Girls don't cheat on me. I cheat on them." Yun ang sabi niya sa akin. Kilala siya sa ganoong paraan. Kaya ba okay lang sumama siya sa ibang babae?"Madison!" napansin ko ang pagtawag sa akin ni Drew kaya binilisan ko ang paglalakad.
Pero naabutan pa rin niya ako.
"Madi!" hinawakan niya yung isang braso ko at tumawa. "Hindi mo pa nasasagot yung tanong ko. Pero siguro, nagalit nga talaga si Austin, hinila ka nalang bigla eh."
"A-ano... hindi. Uhm.. iba yung pinag usapan namin." tumingin ako sa paligid. Maraming tao ang nakatingin sa aming dalawa pero wala si Austin kaya nakahinga ako ng malalim.
Hinawakan niya ang kamay ko at tumitig sa akin.
"Sorry talaga sa nangyari ah." tinignan ko siya. Ayokong isipin na hindi sincere yung sorry niya. Nakangisi pa rin kasi siya.
"Oo.. a-ayos lang." Tumingin ako ulit sa paligid.
At nakita ko siya dun sa may isang pintuan na nakahalukipkip at nakasandal sa pader habang titig na titig sa aming dalawa ni Drew. Kinabahan ako bigla. Hindi ko alam kung bakit? Bakit ganun? Bakit natatakot akong magalit siya sa akin? Bakit gusto ko gawin lahat ng gusto niya? Napatingin ako sa kamay naming dalawa ni Drew kaya agad kong tinanggal yun.
"S-sige, Drei... uhm.. mau-mauuna na ako.." sabi ko.
Naglakad na ako palayo pero hinawakan niya ulit yung isang balikat ko.
"Wait..." tumawa siya. "Drei?"
"Ah-ano.. uhhh.. sorry Drew." Hindi ako huminto at nagpatuloy sa paglalakad.
"Bakit parang umiiwas ka?" Hindi niya ako tinantanan, sinasabayan pa niya ang mabilis kong paglalakad palayo sa kanya. I need help. How can I get rid of him? Magagalit sa akin si Austin nito!
"I thought you wanted to give it a try? Bakit umiiwas ka ngayon?" dugtong niya.
Huminto ako. Naiirita na ako sa kanya. This is so not like Drew!
"WANTED. Pero hindi lahat ng wants ng tao ay nakukuha niya. So please stop, Drew. Layuan mo na ako." sagot ko.
"I want it too. Makukuha mo yung want mo na yun, kasi gusto ko rin! At bakit mo ako papalayuin sayo? Dahil sa nangyari? Ghad Madi!"
"A-ayoko na, Drew. Mali yung ginawa natin. It's over! Lumayo ka na sa akin, please."
"Pinapalayo mo ako dahil sa nangyari? That's not an acceptable reason, Madi. Hindi ako lalayo sayo and it's my choice to make." matigas na sabi niya.
Kumukulo na ang dugo ko. Feeling ko nga highblood ako eh, namana ko siguro sa papa ko ang pagiging highblood niya. Ayaw na ayaw kong pinipilit ako, lalong lalo na yung pinakikiusapan mo na, ayaw pa rin sumunod.
"I don't want you! Hindi mo ba ako na-gets? English na yun para maintindihan mo!" sigaw ko.
Pero imbis na tumahimik nalang, he chuckled. "Alam ko na kung bakit ayaw mo na sa akin..."
"...it's because nagkamabutihan na kayo ni Austin, ano?"
"It's no longer in any of your motherf*cking business!" sabi ko saka tinalikuran siya.
"Your words won't stop me, Madi." sigaw ni Drew sa may likuran ko. Napatingin tuloy sa akin yung mga taong nakakasalubong ko.
Nakakainis talaga yang Drew na yan! Ano bang problema nya?
Nang makalayo ako, naramdaman kong may humablot nanaman sa braso ko at buong lakas na iniharap ako sa kanya.
"Ano ba Dre--!" Pero napahinto ako nang makitang hindi si Drew iyon, kundi si Austin.
Namumula siya at mukang galit habang titig na titig sa akin.
"A-Austin!" sigaw ko nang hilahin niya yung kamay ko. Ang higpit ng pagkahawak niya sa akin, feeling ko tatagos yung kamay niya.
Dinala niya ako sa parking lot. Binuksan niya yung pintuan ng passenger seat.
"Sakay!" sigaw niya.
Wala akong nagawa kundi pumasok sa loob. Kinakabahan ako. Ngayon ko lang nakitang ganyan ka-galit si Austin. Umikot siya at sumakay na rin.
Pinaandar niya yung sasakyan. Sa sobrang bilis ng pagpapatakbo niya, feeling ko mababangga na kami. Gusto ko siyang sabihan, pero natatakot ako. Alam kong galit siya ngayon at hindi ko alam kung paano siya magalit.
Pagdating ng bahay, agad agad niyang binuksan ang pintuan at hinila ako pababa. Hawak hawak niya ulit yung kamay ko ng mahigpit hanggang sa pumasok kami sa loob ng bahay at umakyat sa kwarto.
Pinaupo niya ako sa kama. Pumikit ako dahil alam kong sisigawan niya ako. Ready na ako sa mga sigaw at galit niya o kung ano man yun sa reputasyon niya.
"Damn, Madi. Hindi ka talaga nagtatanda." sabi niya. Napalunok ako. "Diba't ang sabi ko sayo wag mo nang kakausapin yung gagong yun?!"
"S-siya naman yung u-unang k-kumausap eh.." sagot ko. Kinakabahan talaga ako, hindi ko alam kung bakit. Nasigawan naman na niya ako.
"Fcksht Madi!" naramdaman kong palapit siya sa akin.
To be continued.
BINABASA MO ANG
Queen Of Fake Smiles
RandomIt is a gossip among the society that Madison Johannah Young is living the best life. She was gifted with grace and beauty, and was raised by her elite family to be prim and proper... she is, without a doubt, the perfect woman for Austin William Vil...