Araw araw akong sinusundo ni Austin sa huling klase ko. Minsan naman ay naghihintay ako sa kanya sa malapit na cafe kapag late pa ang uwian niya. He doesn't let me out of his sight as much as he can.
"Ang laki na ng tiyan mo, Lexie... Kailan ka manganganak?" Tanong ko habang nakaupo siya sa high chair sa kusina at kumakain.
"Sa April." Sagot nito. "Bakit mo gustong malaman?"
"Wala lang..." Sagot ko. Lumapit ako sa kanya at naglagay ng cereal sa lamesa.
"What are you eati--" Hindi ko pa natapos ang sasabihin ko dahil maduwal duwal ako sa kinakain niya. Hindi ako mahilig sa hot dog noon pa man. Mas lalo tuloy akong nasuka nang nilagay niya iyon sa gatas!
"Huy. Anong nangyare sayo?" Tanong ni Lexie nang makita niyang tumayo ako at takpan ko ang bibig ko.
"Kadiri naman kasi yang kinakain mo!" Sagot ko. Alam kong madalas weird ang gusto ng mga buntis pero hindi ko alam na ganito kaweird ang sa kanya!
"Sus. Ano ba yan. Yun lang pala.." Sabi nito at bumalik sa upuan niya para kumain ulit.
"Sa sala nalang ako kakain..." Sabi ko sabay kuha sa cereal ko. Muntik pa akong masuka ulit sa amoy nang dumaan ako!
Habang nasa sala ako ay dumating si Austin galing sa school. Nakangiti ito sa akin at lalapit sana nang biglang lumabas si Lexie sa kusina at niyakap ito.
"Austin..." Nakangiting bati nito. She cupped his face and kissed him on his lips. Nag iwas ako nang tingin. "Mukang pagod ka, ah.."
Bahagyang itinulak ni Austin si Lexie at nakita ko yun.
"Lex... Matutulog muna ako, pagod ako eh." Sabi ni Austin at hinalikan ito sa pisngi.
"Sige.. Magpapaalam din sana ako." Sabi ni Lexie.
"Bakit?"
"P..pupunta l-l..lang ako kila A-alth..ea. Nasa Manila siya ngayon. Magkachat kami kaninang umaga." Sagot ni Lexie. Lexie bit her lip at mukhang naghihintay ng sagot ni Austin.
Austin had a hesitation on his face na parang nagdadalawang isip siya sa kung anong isasagot niya.
"Mag isa ka?" Tanong ni Austin na para bang may gusto siyang idugtong pero parang nag aalinlangan siya.
"Oo... K-kaya ko naman, eh." Lumunok ito. "Tsaka susunduin naman daw nila ako sa may Savemore malapit dito satin."
"Sila?" Kumunot ang noo ni Austin.
"Sila ni Rhea. Magkasama silang tatlo..." Sagot ni Lexie.
"Ihahatid na kita sa savemore..." Sagot ni Austin at tumingin sa akin pagkatpos ay tumingin ulit kay Lexie.
"Sige Austin.." Sagot nito. "Mag uusap lang kami, I promise."
Ilang oras ang dumaan at nanuod na lamang ako ng TV. Wala rin naman akong lakad ngayon at tinatamad pa akong tumayo.
Pagbalik ni Austin ay tinignan ko siya. Ngumiti ito sa akin nang nakakaloko. Umakyat ito ng hagdan at tumitingin pa rin sa akin with that smile. I bit my lip...
Nakahiga kami pareho sa kama. I was hugging him and he kissed my forehead.
"I wanted you to hug me pagkauwi ko from a tiring day." Sambit nito.
"Bakit? Nandun naman si Lexie.." Sagot ko. Hindi siya umimik at bumuntong hininga.
Hindi ko nanaman tuloy siya maintindihan. He wants me to hug him kahit na ginawa naman iyon ni Lexie. What does it mean, really? Akala ko ba mahal niya si Lexie kaya ganito ang situation namin. Kasi pwede namang wala na siya.. At kami nalang. But I guess, kahit na ako ang mahalin ni Austin, wala na siyang kawala dahil may pananagutan na ito kay Lexie.
Nawala ang iniisip ko nang halikan niya ako sa noo nang matagal. I love him so much. Ilang minuto kaming magkayakap at gustong gusto ko iyon. But Lexie has to go back. Pagbalik niya ay babalik nanaman ako sa riyalidad.
"Austin, mamaya mahuli tayo ni Lexie nang ganito. Magbibihis na ako..." Tatayo na sana ako nang pigilan niya ang kamay ko.
"I locked the door just like the last time." Sagot nito. I bit my lip. Namula ako nang maalala ko yung nakaraan. Lexie was just knocking on the door and we were doing it.
"You're blushing..." Sabi ni Austin. "Bakit?" Nakanguso ito. "Crush mo nanaman ako."
"Austin, ilang beses na natin ginawa itong bagay na to. Pero you still think na crush lang nararamdaman ko?"
Natahimik kami pareho. Humiga ako sa dibdib niya at hinaplos niya ang buhok ko, then kissed my head. Naririnig at nararamdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso niya. I think this is a sign.. Wala siyang sinagot but I felt his heart beating fast.
"Ang laki ng abs mo....." Pag iiba ko sa usapan. "Kaya lang may kaagaw ako sa hot na lalaking to." Hindi ko mapigilan ang sarili ko na sabihin yun.
"Let's talk about other things..." Sabi nito.
Natahimik ulit kami. I didn't mind because I cherish every moment, every hug, every kisses from him.
Pagkabihis ko ay agad akong bumaba para manood muli ng TV. Nang may kumatok ay agad binuksan ni Austin iyon dahil naglalaba si manang.
Pagbukas ng pinto ay si Lexie at agad niyang niyakap si Austin. She had a big smile on her face... Bigla tuloy akong na guilty sa ginawa namin ni Austin kanina. She had a big smile on her face na parang ang saya saya niya. A smile that even made myself smile. Nag iwas nalang ako ng tingin nang paulanan niya ng halik si Austin.
"Why so happy?" Kahit hindi ako nakatingin, ramdam kong napangiti rin si Austin kay Lexie. Hindi ko alam kung bakit may parte sa akin ang nadudurog...
"Wala..." Sagot nito. "Wow, bagong ligo. Ang bango bango mo..."
Tumawa lamang si Austin. Si Lexie naman ay umupo sa kabilang dulo ng couch na inuupuan ko. Hindi ko na lamang siya pinansin. Si Austin ay pumasok ng kusina.
But I felt her staring at me. Pero pagtingin ko naman ay nag iwas ito ng tingin so I continued watching TV.
BINABASA MO ANG
Queen Of Fake Smiles
RandomIt is a gossip among the society that Madison Johannah Young is living the best life. She was gifted with grace and beauty, and was raised by her elite family to be prim and proper... she is, without a doubt, the perfect woman for Austin William Vil...