Chapter 1

1.6K 30 0
                                    

"You're getting married? Kanino?" bored na tanong ng best friend kong si Tiffany. "Joke time nanaman ba? Pwede ba mamaya nalang? Nagrereview ako, eh."

"I'm serious." sagot ko at tinitigan siya, kahit na hindi niya pa rin ako tinitignan.

"Blah blah. Wala ka pa ngang boyfriend eh." sabi niya habang nakatutok pa rin sa libro na binabasa niya kanina pa.

"Bakit ko namang i-joke sayo na ikakasal na nga talaga kasi ako?!" padabog kong tanong kaya napatingin sa akin yung mga estudyante na nagre-review rin.

Tinignan ako ng masama ni Tiff at hinarang niya yung binabasa niyang libro dahil sa mga titig ng mga tao sa amin. "Not now, please."

"Please, I'm not kidding." pasigaw na pabulong kong sabi.

"Alright. Ano ba kasi yang kabaliwan mo?" galit na bulong niya.

"I'm getting freaking married." nakangiti kong sabi sa kanya. Sumimangot nanaman siya at hinampas ako sa ulo ng libro.

"Ganyan ba ang epekto kapag walang boyfriend? Nagpapantasya nalang na ikakasal?"

"I'm not joking. Ask my mom about it." sagot ko at inirapan niya ako.

Nagpatuloy siya sa pagbabasa kaya tinitigan ko siya nang masama.

"Ano? Mag-review ka nalang dyan." masungit niyang sabi nang mapansin ang titig ko.

"Ask my mom."

Sinarado niya yung libro at tumingin sa akin. "Ano nga yun? I-kwento mo na bilis!"

"I'm getting married." sagot ko. Umirap naman siya. "Iyon ang dahilan kung bakit pinapahanap ng lola ko ang isang lalaki. Yung first love niya."

Kumunot ang noo niya at ngumuso. "First love?" she chuckled. "Anong kinalaman ng pagpapakasal mo sa first love ni Grandma?"

Bumuntong hininga ako. "Before my grandma met Mr. Antonio Villaverde, her first love, he was already engaged to someone else."

"Then?"

"Gusto man nilang tumakas at magmahalan, hindi pwede. Ayaw ng mga magulang niya sa lola ko dahil hindi siya mayaman, kinasal siya sa iba at ang lola ko naman ay nag aral." bulong ko. "My grandma thought she lost everything. Akala niya, hindi na siya magmamahal ulit, until she met my grandpa. Hindi kagaya ng pamilya ng first love niya, tinanggap ng pamilya ng lolo ko ang lola ko kahit hindi siya mayaman."

Tumawa siya. "How did you know that?"

"Tiff naman, di pa ako tapos!" Reklamo ko.

"Alright, sorry."

"After many years, nagkita sila ulit. Pinanganak na nun ni grandma si Uncle Enrique. At malaki na ang anak na lalaki nung Antonio." Pagpapatuloy ko. "The boy told my grandma he still loves her, but my grandma didn't feel the same anymore. She loves my grandpa."

"Gandang love story, ah! Pang wattpad!" sagot niya at madali kong tinakpan yung bibig niya bago pa siya muling magreklamo.

"Kaya napag usapan nila na ipagpapakasal ang magiging apo nila. Hindi naman pwedeng lalaki sa lalaki diba? Kaya pinapahanap ni lola yung Antonio bago siya namatay."

"Oh? Tapos? Yun lang?" sagot niya. "Ganda ng story, promise, pero magrereview muna ako."

"Di pa!" napasigaw ako kaya nagtinginan nanaman yung mga tao. "Gusto mo ba malaman kung nahanap na namin? Gusto mo malaman ang kasunod?"

"Hindi." sagot niya habang nakatingin pa rin sa libro.

"Damn it. Andito ka lang pala! I've been looking for you." napalingon kami sa lalaking nagsalita. Laglag ang panga ni Tiffany nang makita kung sino yon. Laglag din ang panga ng ibang estudyanteng andun. "Library? Seriously?"

"N-nagrereview kasi kami.." Nahihiyang sagot ko.

"I'll pick you up at 7PM tonight." hinilamos niya yung mukha niya gamit ang palad niya. "Damn why do I have to do this?" bulong niya sa sarili at umalis.

Ngumisi ako kay Tiffany na laglag pa rin ang panga.

"What the?" Nanlaki ang mata niya.

Nagkibit balikat ako at binuklat yung libro. Ako naman ngayon ang magbabasa. I didn't have to tell the whole story, dahil siguro ay may ideya na siya. 

"Hey. Ano yun! OMG. Don't tell me..." Sabi niya hindi ko siya pinapansin. Ako naman ngayon ang hindi pumapansin sa kanya. Niyugyog niya na ako pero hindi ko pa rin siya pinansin. "Hey!"

"Shhh Tiff.. I'm reviewing." sabi ko habang nakatingin pa rin sa libro.

"Mamaya na tayo sa inyo magreview! Tara sa cafeteria, dali naaaa." sabi niya at hinila ako patayo. Ewan ko kung saan nakaipon ng lakas ang babaeng 'to dahil nahila niya talaga ako. Buong buo.

"So, tell me, ano yung nangyari kanina? Austin William Villaverde just talked to you! Pinakagwapong nilalang sa buong mundo yung taong yun." tanong niya.

Nagkibit balikat ako at ngumisi habang tumingin ulit sa libro. Hinawakan niya yung mukha ko tapos niyugyog. Ito talagang si Tiffany, parang walang boyfriend!

"Aw! Stop it, Tiff." natatawang sabi ko.

"I'll stop when you tell me what scene was that?" sagot niya at hininaan ang pagyugyog sa mukha ko.

"Alright." sagot ko at pinakita sa kanya ang daliri ko. Andun ang engagement ring ko. "Tadaaaaah! I'm engaged!"

Nalaglag yung panga niya.

"We found Mr. Antonio Villaverde!" masiglang sagot ko.

Laglag pa rin ang panga niya. "AND YOU'RE MARRYING AUSTIN WILLIAM VILLAVERDE?"

"Yup." confident na sagot ko.

"Diba crush mo 'yun? Panong--"

"Coincidence." sagot ko. "Panganay na apo si Austin. At ako ang pinakamalapit sa age niya na apo ni grandma." ngumisi ako. "At feeling ko nga, alam na talaga ni lola na ako ang ipapakasal sa lahat ng apo niya eh. Sakin kasi siya nagbilin nung nasa hospital bed sya."

Crush ko talaga si Austin bago pa mangyari ang lahat. Pero hindi siya mahilig mamansin ng mga babae. Gusto niya yung mga model type and ready to bed. Kapag mga isip batang kagaya ko, hindi niya papansinin.

"No. You're kidding me." sabi niya.

"Nope." sabi ko habang nililinis linis kunware yung singsing ko sa harap niya.

4th year college si Austin, ako 2nd year college palang. But hey...... I'm engaged!

"Saan kayo pupunta mamaya? Bakit ka niya susunduin? OMG." tanong niya.

"Dinner. Pero kasama ang mga magulang namin. Didiretso na sila mommy galing sa trabaho dun sa restaurant at hindi na sila dadaan sa bahay kaya susunduin niya ako." kinikilig kilig pa ako.

"Ikaw na, Madi!"

"I know right."

I'm marrying him.

(A/N: Austin's picture on the right side.)

To be continued.

Queen Of Fake SmilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon