Chapter 13

469 13 0
                                    

Sabado kinabukasan ay gumising ako nang maaga. I don't have classes today, si Austin meron. I am going to cook for him. Yun nalang ang tanging paraan ko. If all my plans don't work after a week, I am going to give up.


Nanghihina ako. I can't make him beg me to stay kung isang linggo ko lang siyang papaibigin. And how the hell am I going to cook when I can't even fry an egg! Nanuod ako ng ibat ibang tutorial sa youtube.


Saktong 6AM ko natapos. 6AM din kasi ang gising niya nang ganitong araw.

"Tulungan na kita naghain sa mesa..." Napalingon ako kay Lexie na bagong gising. Oh great. Kung minamalas ka nga naman... Siya pa unang nagising.

"Huwag na.." Sabi ko. Nginitian ko siya nang matipid. Hinawakan ko ang plato pero inagaw niya iyon sa akin.

"Are you trying to impress him?" Tanong niya. Nagulat ako sa tanong niya. Nagtataray siya...

Calm down, Madison... Buntis siya. Natural lang sa kanya na magsungit. Wag mo nang papatulan... Madison, please.

"Don't have to." Sagot ko. Lalo niya namang inagaw yung plato na hawak ko.

"Ako na nga sabi, eh! Ako ang dapat na gunagawa nito dahil ako ang dapat niyang pakasalan." Sigaw nito.

"I don't care! Ako ang nagluto nito!" Sagot ko. Nag agawan kami dito hanggang bumagsak ang plato. Sinubukan ko pang kuhain iyon ngunit nasugatan lang ang kamay ko. Dugo nang dugo.


"Anong nangyayari dito?" Napalingon kami pareho nang biglang pumasok sa loob ng kusina si Austin.

Hindi kumibo si Lexie.

"I cooked this breakfast. Tapos inaagaw niya sa akin." I said while holding my bleeding hands. Para akong batang nagsusumbong.


Tumingin muna ito kay Lexie na kinagat lamang ang kanyang labi. Hindi ito nagsasalita na parang nagpapaawa.


"My God, Madison!" Sabi niya. "Alam mo namang buntis yung tao, bakit hindi mo pinagbibigyan?"


Nagulat ako. Bakit ako nanaman ngayon ang masama? Ako nalang ba palagi ang kontrabida? Paano naman ang nararamdaman ko?


"What? You're tolerating her? Kaya lumalaki ang ulo eh!" Sigaw ko.


Mariing pumikit si Austin. "Leave."


"Why don't you ask your girlfriend to leave instead?" Sagot ko. Naiiyak na ako pero ayaw kong ipakita sa kanya na mahina ako. I may be stupid but I still know what I'm doing.

"I said leave." Pag uulit niya.

Kinagat ko ang labi ko at umalis. Umakyat ako sa kwarto at naglock ng pinto. Ni hindi ko na ginamot ang sugat ko kahit na sobrang sakit na nito.


My plan started out fine. I cooked for him. Pero everything went wrong. I think it's not meant to be... We're not meant to be.


"Iha?" Narinig ko ang boses ni manang na kunakatok sa pintuan ko. Pinahid ko ang luha ko at pinagbuksan ko siya. "Anong nangyari? Ang sabi ni Austin, nagdudugo daw ang kamay mo. Halika gamutin natin..."

"Pasensya na, namalengke kasi ako. 'Wag ka nang umiyak, ito naman. Malayo naman sa bituka." Sabi niya habang nilalagyan niya ng alcohol ang kamay ko. Naiiyak ako sa sakit. But this is nothing compared to what I'm feeling mentally.

"S-sorry po..." Sabi ko.

"Alam mo, ayaw ko namang makialam sa inyo ni Austin, ah. Pero bakit hindi mo pa siya iniiwan? Ang ibig kong sabihin, eh... Dinala na niya yung babae niyang ubod ng sungit dito sa bahay niyo pero andiyan ka pa rin. Alam mo, ikaw lang ang kilala kong babaeng ganyan. Masyado kang mabait."


Napalunok ako and I bit my lip. Kung alam niya lang sana... "That's our rules, manang. He does his thing, I'll do mine."


"Jusko, eh bakit pa kayo nagpakasal?"

Tipid ko siyang nginitian. "We didn't marry out of love. We married to continue our grandparents' promises."


"Hala, naku, bunga lang pala kayo ng fixed marriage? Eh diba luma na yung mga ganon? Kapanuhan ko pa ata yun." Tumawa ito. Tumawa din ako. "Pero iha, kung may rule pala kayong ganyan eh bakit di ka gumagawa ng mga bagay na para sa sarili mo? Siya ginagawa niya kung anong gusto niya, ikaw, andito ka lang sa bahay."


Napaisip ako. Wala na nga akong oras sa sarili ko. School, bahay. Minsan lang ako lumabas.


"Tsaka iha, di naman ako magaling mag - Ingles, pero yung kasabihan na... The pain of letting go is better than the pain of staying..."


I want to make everything work. Nawawalan na ako ng oras para sa sarili just to make all this bullshits work. I've wasted a lot of time and effort. Kailan kaya mauubos ang pasensya ko? Kasi ngayon ayaw ko siyang iwab at pursigido pa rin ako na maging akin siya.


I'm still wishing for that 'someday'. And I feel stupid. But I don't realy care. I'm a wreck, a piece of shit, and a loser. No one can tell me I'm not because that's how I feel.


Queen Of Fake SmilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon