Chapter 17

453 13 1
                                    

Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit ko pa pinipilit na mahalin ako ni Austin. He's going to have a child, at ang masakit pa dun, ay sobrang mahal niya talaga ang babaeng nagdadala ng anak niya. Siya lang talaga siguro ang gusto ni Austin na maging ina ng anak niya. Ako lang ang sagabal. I'm this wall between them.

Umuwi ako nang bahay galing sa school nang makita ko si manang sa nay front door at may hawak na mga bag.

"Oh, manang, saan ka ho pupunta?" Nagtatakang tanong ko.

"Jusko, iha, hindi ko na kaya dito. Hindi ko na kayang kasama dito ang kabit ni sir." Sagot naman nito. I clenched my fist.

"Bakit, ano ho bang ginawa?"

"Ang dami. Nako. Hindi ko na talaga kaya ang ugali niya." Sagot nito.

"Where's Austin? Alam na po ba niya na aalis kayo?" Tanong ko.

"Wala siya, nasa school eh. Pero di ko na talaga kaya. Ang sabi ko noong una eh baka buntis lang kaya ganyan ang ugali..." Naluluha na si manang kaya naawa ako.

"Hindi po kayo pwede umalis dito nang hindi alam ni Austin... Kung may aalis man dito, si Lexie iyon!" Nanggigil na ako aa babaeng yan. Hindi naman niya ito bahay pero ang lakas ng loob niya.

Hinila ko ang kamay ni manang. "Nako, Madison, huwag na..."

Pagpasok ko ay namataan ko si Lexie na nanunuod lamang ng TV. Nakataas pa ang paa nito sa lamesa na para bang wala siyang ginawang kasalanan. Ang kapal ng muka!

"Lexie!" Sigaw ko. Lumingon naman ito.
"Wala kang karapatang paalisin dito si manang."

"Eh siya eh, ang kulit niya. Hindi ko kasalanan na hindi niya maintindihan yung mga sinasabi ko." Sagot naman nito. Nawala ang pagiging mahinhin ni Lexie sa tono ng boses niya.

"Ikaw ba ang nagpapasweldo sa kanya, ha? At malakas ang loob mong magpalayas?"

"Hindi, pero si Austin ang nagbabayad sa kanya..." Nakataas ang kilay na sagot nito.

"Kung may lalayas man dito, ikaw yun, Lexie." Sagot ko.

Tumawa naman ito. "Sa tingin mo ba, papayag si Austin?"

"Sa tingin mo ba, makakatakas ka kapag pinakulong kita? Sa tingin mo ba papakinggan nila ang hindi pagpayag ni Austin?" That's it. I said it. Matagal ko nang gustong sabihin sa kanya yun pero wala naman akong dahilan kaya hindi ko nalang siya pinansin. Pero ngayon, lumagpas siya sa linya.

I only said those para tigilan na niya si Austin. Hindi ko kayang magpakulong. Dahil kung ikukulong siya ay damay si Austin...

Nagkagat lamang ng labi si Lexie at hindi nakaimik. Nag walk out ito at umakyat sa taas.

Bumaling ako kay manang na nasa gilid ko lang. "Manang, you can stay... Ibalik mo na sa kwarto mo iyang mga gamit mo. I'm pretty sure hindi rin papayag si Austin na umalis ka sa amin."

"Salamat... Naku, salamat." Halos maluha ito habang sinasambit ang salamat. I just smiled at her.

Umakyat ako sa kwarto ko at umidlip. Napuyat ako kagabi sa kakaisip. Kay Austin. Sa mga ginagawa niya. Kay Lexie... Sa anak nila. Nagtataka lang kasi ako, if he loves Lexie, bakit siya naghahanap pa ng iba? Ayokong umasa. Pero alam kong kaya ganun dahil ako ang nasa harapan niya. Kahit ayaw niya sakin, ako ang nakahain sa harap niya...

Nang magising ako nang alas singko ay kinabahan ako. Nakauwi na siguro si Austin. I shouted at Lexie. By now, nagsumbong na siguro ito. Kinagat ko ang labi ko at huminga nang malalim bago lumabas ng kwarto ko.

Pababa na ako ng hagdan nang makasalubong ko siya. Huminto siya at tunitignsa akin. Napatingin ako sa likuran niya. Nakalagay sa sala ang mga gamit ni manang at mukhang aalis ito! Sinasabi ko na nga ba!

"Bakit mo pinapaalis si manang???!!" Galit na tanong ko. "Nagsumbong nanaman ba sayo yung magaling mong girlfriend?!"

Nagtaas ito ng kilay. "Huh?"

"Bakit nakalabas mga gamit ni manang?"

"Aaahhh.." Napatingin ito kay manang.

"Manang, hindi ka aalis." Agad ako bumaba para pigilan si manang nang hawakan ni Austin ang siko ko.

"Hindi, Madison anak..." Sabi ni manang.

"Relax, I just gave her a week off.." Sabi ni Austin. What?? A week off?!

"Bakit? Dahil kay Lexie nanaman ba?" Tanong ko. Tinanggal ko ang pagkahawak niya sa siko ko.

"Um no." Sagot ni Austin. "Wala din si Lexie. I let her stay in an apartment for a week. Pupunta si mommy dito and we nees to convince her."

What? Nakagat ko ang labi ko. Pupunta dito ang mommy niya? And he's giving manang a week off, so it means isang linggo dito ang mommy niya?

"Papunta na siya dito, Madi.. Let's convince her, okay?" Sagot naman nito. I bit my lip again. Ayoko! Para sa kumpanya na ipapamana sa kanya kaya lang niya ginagawa ito. He's so selfish! Sa lahat ng bagay!

"Madi, ihahatid ako ng driver sa terminal ng bus. Aalis na ako. Babalik naman ako next week. Mag iingat kayo dito, ha. At wag kang magpapagutom." Sabi ni manang at niyakap ko siya.

"Madi, ilipat mo yung mga gamit mo sa kwarto." Uminit ang pisngi ko nang maisip na matutulog kami ulit sa iisang kwarto.

Nang binabalik ko ang mga gamit ko sa closet ay naramdaman ko ang pagyakap niya sa bewang ko. Hinalikan niya ang balikat ko. "I missed you."

Here he goea again. Messing with my head.

Queen Of Fake SmilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon