(A/N: Drew's picture on the right side. Sorry, dito ko nalang siningit :) :) :) xx )
"What?" inilayo ko yung phone sa tenga ko dahil sa lakas ng sigaw niya. "They were flirting in front of you? Tapos kinawawa ka sa harap ng kaibigan niya? Aba't ang kapal ng mukha ng asawa mo, ha! Pinagmamalaki niya bang hanggang sa asawa niya, nakukuha niya lahat?"
"Hindi naman sa ganun, Tiff---"
"No, Madi! Wag mo siyang sunudin! It's your house too! Kung pwedeng magdala ng ibang lalaki dyan, do it too!"
"That's not the point.." sagot ko. "Kahit magdala ako ng lalaki, wala pa rin siyang pakialam."
"Kung ako sayo, magpapa-annul na ako hangga't maaga pa." sabi niya. "Eh ngayon ngang kakaumpisa niyo palang, nasasaktan ka na. Paano pa kaya kapag nagtagal?"
"That's the point, Tiff. Maaga palang kami, at maraming magbabago. It's either good or bad." sabi ko. "Pero Tiff, kapag bad, hindi na ako magdadalawang isip na humingi ng annulment. I promise you."
Labag sa kalooban ko ang mangyari ang ganun. Pero I have to. I just love him too much.
"That's right. If you love someone, you should let them go. Kasi, kung kayo talaga, kahit na ni-let go mo siya, babalik at babalik pa rin siya sayo." sabi niya.
I don't know. I want Austin, he's all I want. Ayaw ko ng let go let go na yan. Gusto ko kami lang talaga. Wala nang let go let go.
Lumunok ako. "K-kapag hindi ko na kaya yung sakit.. I'll tell you. At ako na agad ang makikipaghiwalay sa kanya."
"Please lang, Madi, wag mo masyadong pahirapan ang sarili mo. Nagmumukha ka nang manang sa pagiging stress mo." sabi niya.
"Mukha na ba akong manang?" sabi ko sabay punas sa luha.
"Slight.." Bumuntong hininga ako.
"I'm still hoping he'll change, Tiff..." mahinahong sagot ko.
"No he won't. Sa sitwasyong ganto, you have to be the bad girl. Wag kang pa-good girl dahil may karapatan ka."
"Pero this marriage doesn't involve love. Kahit na ako ang asawa, mas malakas pa rin siya dahil siya yung mahal... of course Austin will support her." sagot ko.
"But it's still unforgiveable." sagot niya.
"I don't know, Tiff.." sabi ko. "Kahit hindi siya mag-sorry, I would still forgive him. Simply because I still want him in my life."
"Madison, hindi mo ba nakikitang ginagawa ka niyang tanga?" sabi niya. "I'm going to fucking kill them! The both of them!"
"N---" binaba niya yung phone.
Bumuntong hininga ako. Kahit anong gawin ko, nasasaktan ako. Walang tigil yung pagtulo ng luha ko. Am I stupid? Wala siyang pakialam kahit umiyak ako ng dugo. To him, I'm nothing. Tumayo ako at binasa yung mukha ko at lumabas ng banyo. I'm the type of person that will sit in the bathroom and cry, but walk out like nothing ever happened.
Pagbukas ko ng pinto, nasa gilid siya ng kama at nagtatanggal ng belt.
"Your attitude was stupid and immature." sabi niya.
BINABASA MO ANG
Queen Of Fake Smiles
RandomIt is a gossip among the society that Madison Johannah Young is living the best life. She was gifted with grace and beauty, and was raised by her elite family to be prim and proper... she is, without a doubt, the perfect woman for Austin William Vil...