Chapter 18

462 14 1
                                    

Magkatabi kaming kumakain ni Austin at nasa harap naman ang mommy niya. Tahimik lang kami. Tinitigan ko ang mommy niya. Nasa 40s na ito pero halata pa rin sa kanya ang pagiging maganda. Ang katawan niya ay hindi man lang nagbago. Mukha pa rin siyang dalaga.

"Pag nakagraduate ka na, Austin, you need to buy a new house..." Sabi ng mommy niya.

"Why mom? Okay lang naman ang bahay namin ni Madi. Okay kami dito..." Sagot ni Austin.

"No, I mean, you can still keep this house or stay in here or whatnot. But I'm expecting you to have a child.."

Muntik na akong mabilaukan sa sinabi niyang iyon. Napatingin ako kay Austin na kalmado lamang ang mukha.

"Syempre, you're not going to be young forever. Kailangan may magmana ng kumpanya pag tumanda ka.." Dugtong ng mommy niya. Nakagat ko ang labi ko. Hindi niya alam na magkakaron na siya ng apo. Pero hindi sa akin... "So, I'm expecting more than one grandchild. But don't worry, wag tayong nagmadali, I know you are too young."

Hinawakan ni Austin ang kamay ko na nakapatong lamang sa table. Pinisil niya iyon saka hinalikan ako sa noo. "Yes, ma. Gusto ko nga mga lima eh..."

Pinalo ko ang braso niya. "Ang dami..

Tumawa ang mommy niya at tumawa din si Austin. "Syempre gusto ko marami tayong anak para malaman ng iba na walang pwedeng umagaw sayo."

Uminit ang pisngi ko. Great! We're acting like real couples. I know it's just an act pero deep inside me, natutuwa ako. I also want a child with him. Gusto kong magkaroon ng bunga ang pagmamahal ko sa kanya. But how? Hindi niya ako mahal...

"I knew you were going to be great together. Bagay na bagay kayo." Sagot ni tita Amanda, ang mommy niya. "Ang ganda siguro ng anak niyo... Look at you two. Magandang combination."

Matapos naming kumain ay tinulungan ko si tita Amanda na ligpitin ang pinagkainan. Binilin pala nito na bigyan ng week off ang katulong dahil daw tuturuan akong magluto.

Paglabas ko ng kusina ay nakasandal si Austin sa couch at nanunuod ng TV. Mukha siyang pagod. Nang makita niya ako ay tumingin siya sa akin. Samantalang nag iwas ako sa kanya ng tingin.

"Halika..." Sabi niya. Sumunod naman ako at lumapit din. Hindi pa ako umuupo nang hilahin niya ako paupo sa tabi niya.

Sinandal niya ang ulo ko sa dibdib niya at niyakap ako, iniyakap niya rin ako sa kanya. Ang sarap sa feeling ng ganto. Kung ganito pala ang nararamdamang yakap ni Lexie palagi ay sobrang swerte niya. I want to hug him tight pero nahihiya ako..

He kissed my forehead five times. Nagulat ako sa sweet gesture niya na iyon. Kaya lang, nang makita kong lumabas ng kusina ang mommy niya, naalala kong kailangan lang pala namin magkunwari.

Umakyat sa taas ang mommy niya kaya kahit labag sa kalooban ko ay bumitiw ako sa pagkayakap at tumayo. Nakakunot ang noo niyang tumingin sa akin.

"Aakyat na ako.." Sabi ko.

Pero nagulat ako nang hilajin niya ulit ang kamay ko at niyakap akong muli. "Mamaya na, sabay na tayo..."

"Austin, umakyat na ang mommy mo..."

"So?" Seryosong sagot nito kaya hindi nalang ako kumibo. Kumportable ako sa pagkayakap sa kanya. Ganito pala ang feeling kapag kayakap mo ang mahal mo. Akala ko noon ang boring kapag ang dalawang couples ay walang ginawa kundi magyakapan.

He was watching tv while I stared at his face. His thick eyebrows, pointed nose, pink lips and his gray eyes. Sobrang perfect. Kaya lahat ng babae ay baliw na baliw sa kanya. He's smart, too. It's like he's good at everything.

Napansin niya atang nakatitig ako sa kanya kaya tumingin siya sa akin. Ang bilis ng tibok ng puso ko sa ginawa niyang iyon. Binalik ko ang ulo ko sa pagsandal sa dibdib niya. Napangiti ako sa kilig.

"Sinasabi ko na nga ba crush mo ako, eh." Sabi nito. Nakagat ko ang labi ko at hindi pa rin tumitingin sa kanya. "Tago tago ka pa dyan. Alam kong gwapo ako..."

Tumingin ako sa kanya dahil natawa ako. "Ang kapal mo..." Napatingin siya sa labi ko kaya napahinto ako sa pagtawa. Napatingin din ako sa nakaawang niyang labi. Nang tumingin siya sa mata ko ay nag iwas ako nang tingin. But he grabbed my chin and stared at me for three seconds before brushing his lips onto mine.

Then he kissed me softly...Lalong lumakas ang tibok ng puso ko. I feel like it could burst any minute now... We've done this before, but never gentle and soft and romantic like this.

Nang bumitiw siya sa halik ay ngumiti siya. His dimples are very visible. Then he kissed my forehead at hiniga ako ulit sa dibdib niya.

What the hell was that? That was something new. I know we have to pretend pero wala na dito ang mommy niya! Para saan iyon? He's messing with my head. I hope my plan is working... Sana. Lexie's gone for a week, I hope this is my chance.

Kaya lang naisip ko. She's gone for a week... And I'm the substitute for her absence.

Queen Of Fake SmilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon