Chapter 34

498 15 2
                                    

"...Ok. Be a good girl, anak, ha." Sabi ko kay Fizzy nang marating namin ang gate sa school niya. Nakataas ang tingin niya sa akin kahit na lumuhod ako.

"Mommy..." Malungkot ang boses niya at may halong takot.

"Sige na, baby. Diba you want to go to school? Sige na... Teacher Gena is waiting for you." Sabi ko. Tumingin siya sa teacher na nasa likuran niya at inaantay siya.

"Tara na, Felicity..." Nakangiting sabi ni Mrs. Reyes. Nahiya naman si Fizzy kaya sumama na siya dito. Kumaway ito sa akin bago lumayo. I smiled.

Pagtalikod ko ay saktong paglagpas ng isang babaeng pamilyar sa akin. May kasama itong yaya sa tabi niya. Pingbuksan ito ng driver sa sasakyan at pumasok na ito sa loob.

Different hairstyle, expensive clothes, high heels....

But it still won't change the fact that she is Lexie Guevara!

At galing din siya sa school na 'to. Does that mean dito nag aaral ang anak nila ni Austin? Is the kid alive? Kinabahan ako bigla. What if we see each other here at makita ni Austin ang anak! No. It won't happen.

Pagbalik ko sa kotse ay agad akong nagretouch. Babalik pa ako ng school para asikasuhin ang iba kong kailangan. Anyways, I already enrolled the myself two weeks ago para sa natitira kong subject which is my OJT. Ito nalang ang kailangan ko para makagraduate.

"How's first day of school, babygirl?" I asked her nang nasa sasakyan na kami.

"I have fwiends, mama!" Masiglang sabi nito at nagbilang pa sa kamay. "Jayed, Tanya, Fleyur, Ingyid, Yenzo and Monmon. Theye's more mommy but I foygot theye names."

"Wow. Ang dami naman kaagad. Very good, anak." Sabi ko. She smiled.

"How about you, mummy? How's uni? Weye eveyone nice?" Nakangiti siya. I don't know why sometimes she acts as if she's a grown lady. She's smart at kung ano ano ang lumalabas sa bibig minsan na ikinakagulat ko. Well, she must have gotten it from her dad.

"Well, yes, baby... They're all nice." Ngiti ko.

Tomorrow I'm going to the hotel of the Villaverdes para sa interview ko. I'm kind of nervous, though. My last practice for job interview was five years ago. I might have forgotten some of the things I should take note while on an interview.

"Uncle Doo!" Sigaw ni Felicity nang makitang nasa sala ito kasama si mommy. Yinakap niya naman agad ito.

"How's my favorite princess?" Binuhat niya ito.

"You know what, Drew, marami na kaagad yang friends sa school."

"Yes! Jayed, Tanya, Ingyid, Monmon, Fleyur..." Masigla pang sabi ni Fizzy.

"Wow. Miss Congeniality!" Sabi ni Drew sabay kiliti dito.

Tumawa naman si mama. "Osya, mamaya nang magkulitan. Kain na muna tayo."

"Bukas ka na pupuntang Anemone for your interview, hindi ba?" Tanong ni mommy habang kumakain kami.

"Yup." Sagot ko.

"Aren't you nervous or anything?" Tanong niya ulit gamit ang mukha niyang nag aalala.

"Kind of, mom. Baka kasi hindi ko na maalala yung ibang tips para sa job interviews, eh."

"Hindi iyon." Sabi niya at tumingin kay Fizzy na sinusubuan ni yaya ng pagkain. "I'm worried about that man. Paano kung di mo kaya?"

I laughed. "Please, ma."

"Tita, if you want, I'll bring her there and I'll fetch her afterwards." Biglang nagpresenta si Drew. I looked at him and he gave me a smile.

"Nako, may trabaho ka pa bukas, diba? Nakakahiya..." Sabi ni mama.

"Okay lang po, I'm sure my dad would understand... Tsaka alam niyo naman po kung gano kaespesyal sa akin ang anak niyo..." Sagot nito. Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya.

Kinabukasan ay maga akong nagising. 10:00 ang interview para sa mga mago-OJT. I wore  decent clothes, of course. At nag ayos ng buhok. I put light make up at agad na pumasok sa sasakyan ni Drew. 9:15 na at hindi ko alam kung traffic dahil 30 minutes away ang Anemone sa bahay!

Nang marating namin ang lugar ay namangha ako. It looked good on pictures pero hindi ko akalain na ganito pala kaganda sa personal. Sa taas nito ay may malaking nakasulat na Anemone Hotel. I wonder how Austin got this name? Dahil ang alam ko, Anemone symbolizes bad luck. Sabi naman ng iba it's a protection from evil. Pero ang alam ko, it symbolizes forgotten love or love that is diminishing. But whatever it is, nasakanya na 'yon.

"Good luck, Madi." Sabi ni Drew. "I'll be around this area, i-text mo nalang ako."

"Okay. Thanks Drew!" Sabi ko saka sinarado ang pintuan ng sasakyan niya. Huminga ako nang malalim. This is it.

Binati ako ng guard. Nginitian ko ito at tinanong kung saan ang interviewhan ng mga mag oOJT. Pagkaturo nito ay naglakad na papasok. I've been planning this for five years pero ngayon lang ako tinablahan ng kaba na baka nakita ko siya dito. It's not impossible...

'Tibi magno cum amor'

Kapansin-pansin ang malaking sign na iyon sa taas ng elevator. Tibi magno cum amor means For you, with great love. At saan naman nakuha ni Austin ang ganoong pakulo? Since when did he start being romantic? Natawa ako. Probably from Lexie. I know she likes to read books, sakanya siguro galing.

Ang ibig sabihin siguro nito ay 'Welcome' in a very maharot way. Tss. Playboy talaga.

Nang matapos ang interview ay kampanteng kampante ako na makakapasok. Paano ba naman, si Mr. Deehun ang nag interview sa akin. He told me he'd let me get in the company. Kaya hindi niya na tinignan ang resume ko... So hindi na question ang huling pangalan ko at ang status kong married. Mr. Deehun is the husband of my professor noong first year college. Naging kaclose na rin namin siya dahil madalas siyang sumasama sa mga outings, field trips, pilgrimage, etc. namin.

"Ang laki yata ng ngiti mo, ha..." Sabi sa akin ni Drew nang makapasok ako ng sasakyan niya.

"Wala lang. I guess it's just my lucky day..." Sagot ko. Mr. Deehun doesn't know I'm married. Married to their boss! Their big boss, actually. But I am grateful na siya ang nag interview sa akin. It would have been harder kung iba iyon dahil tatanungin  ng kung ano ano. Good thing I excelled at Mrs. Deehun's class kaya siguro may tiwala sa akin si Mr. Deehun.

"Talaga ba? Then let's go fetch Fizzy sa school and eat lunch!" Nakangiting sabi nito.

"Are you sure, Drew?" Tanong ko. "Hindi ba magagalit yung babaeng dini-date mo?"

Queen Of Fake SmilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon