Chapter 22

475 16 8
                                    

"So tomorrow, uuwi na ako..." Sabi ni tita Amanda habang kumakain kami ng dinner. "Miss na daw ako ng dad mo, Austin."

Tumawa si Austin. "Cheesy."

"Mga what time po, tita Amanda? Baka po nasa school pa kami nun."

"Yes, iha.. Don't miss me too much, you can always visit the mansion naman. Sana by the time I go back, may apo na ako, ha?" Tumawa ito. Uminit ang pisngi ko. Naalala ko ang sinabi ni Austin pagkatapos naming gawin iyon.

Natapos ang dinner at umakyat na kamj sa taas. Humiga ako sa kama at sumunod naman si Austin. I was about to sleep nang maramdaman kong niyakap niya ako galing sa likuran.

Hanggang sa paggising ko ay ganun pa rin. I woke him up for school. Pagkalabas ko ng banyo pagtapos kong magbihis doon ay nakatingin siya sa phone niya.

"Ikaw ba ang nagsabi kay Lexie na aalis na si mommy ngayon?" Tanong niya.

Ako? Why the hell would I do that? Kung pwede lang, wag na siyang bumalik dito eh!

"Of course not." Sagot ko.

"Tsk.." Naiinis ito. Hindi ko siya pinansin at inaayos ko ang lipstick kong hindi ko pantay na nailagay. "Ayaw mo ba akong kasama nang tayo lang, ha, Madi?!"

Humarap ako sa kanya. "What? Hindi ka ba naniniwala sa akin na hindi nga ako ang nagsabi niyan?"

"Who did? She texted me na babalik na raw siya dito mamayang hapon!" Sigaw ni Austin.

He wants to be alone with me. That's why he's mad. He wants to be alone with me..

"Austin, kung alam mo lang! Kung nagagalit kang may nagsabi sa kanyang aalis na ang mommy mo, e di 'wag mo na siyang pabalikin dito!" Sagot ko nang pasigaw. Although deep inside natutuwa ako that he's mad na nalaman iyon ni Lexie. He wants to be alone with me... That's it.

Huminahon ang boses niya. "I can't, Madi." Pumikit siya. "She's pregnant... I can't leave her."

Lahat ng tuwang naipon ko kanina ay biglang nawala. This is what I get from assuming things. Ang tanga mo Madi! Of course he won't let go of her that easy. May responsibilidad na ito sa kanya.

I bit my lip. "Okay then, Austin."

I stormed out of the house. Nagmadali ako sa guard house para hindi niya ako mahabol. Although what was I thinking? Hindi niya ako hahabulin... That's some sick imagination.

I went to school by myself. The day went by.

"OMG... Ang gwapo." Narinig kong bulong ng isa kong kaklase. Hindi ko sila pinansin, huling subject ko na to ngayong araw at major pa. I need to pass.

"Girls, focus here. Five minutes nalang at dismissal na. Makinig muna kayi sa akin, this is for your upcoming midterm exam." Sabi ng prof ko. Then she looked at me. "Mrs. Villaverde, can you tell these girls to back off your husband?"

Napatingin ako sa glass na bintana. Paano niya nalaman ang schedule ko at ang room ko? Austin was there at nakasandal siya sa pader. He has no idea that all my classmates are looking at him, dahil nagti-text siya sa phone niya. I bit my lip... Ang gwapo niya.

Nang matapos ang klase ay hindi ko siya nilapitan. Dire-diretso akong maglakad at nilagpasan ko siya. Then he held my hand.

"Sorry na, love..." Sabi niya. Ang mga kaklase ko ay kinikilig sa kanya.

"Mr. Villaverde, next time sa ibang lugar mo hintayin si misis, nadidistract ang nga estudyante ko." Pabirong sabi ng professor ko na tinapik sa balikat si Austin.

"I'm sorry po." Ngumiti ito. "Next time po magtatago na ako."

"Biro lang, iho. Sige mauuna na ako. May klase pa ako."

"Sige po."

"Love, naniniwala na ako sayo. Si kuya driver pala ang nagsabi." Sabi nito. "Sabi ko kay Lexie na huwag muna kasi mag eextend si mommy ng dalawang araw sa bahay."

I don't know why he's explaining these to me, but I'm happy he's like this. Parang may nabubuo na. Kahit sa imagination ko man lang..

"Okay." Sabi ko. I smiled at him. Huge smile. Hindi ko alam kung bakit sobrang saya ko sa nangyayari. Pakiramdam ko ay may something na...

He smiled, too. Pagkatapos ay hinalikan niya ako sa noo. Hiyang hiya na ako sa kanya dahil ilang beses nang namumula ang pisngi ko dahil sa kanya. Napatingin ako sa mga tao sa likod niya na nanunuod pala sa amin. Lalo akong nahiya sa pamumula ng pisngi ko dahil may narinig pa akong sumigaw nang "Namumula si Madi."

Napatingin si Austin sa kanila kaya bumalik sila sa mga ginagawa nila. Austin looked at me again. Nakakunot ang noo niya at nagtataka, but he smiled after.

He held my hands and intertwined his fingers to mine. Naglalakad kami palabas ng school. People were looking at us.

I love this feeling. Yung hawak mo ang kamay niya at naglalakad lang kayo. No words needed. Pakiramdam palang ay super saya ko na... Sana ganito nalang palagi. I love him so much.

Napatingin ako kay Austin nang higpitan niya ang pagkahawak sa kamay ko. Pagtingin ko sa harap ay nakita ko si Drew. Yumuko siya nang makita ako.

I bit my lip. Naalala ko tuloy ang sinabi ni Tiffany. Sinabi rin sa akin yun ni Drew pero iba pa rin nung narinig ko mismo sa girlfriend niya. He was always there for me, kahit nung sila pa ni Tiff.

Hinalikan ni Austin ulit ang noo ko. This time, sa harap ni Drew nang malapit na namin siyang makasalubong. Shit.

"Akin ka lang." Sabi niya nang malagpasan namin si Drew. What does he mean by that?

But.. Carpe diem, Madison. Two days. Two freaking days, babalik na si Lexie. Make the most out of those two days.

Queen Of Fake SmilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon