Chapter 42

403 12 0
                                    

Ngayon ang balik ni Ms. Wong sa hotel. Pero ngayon ko nadecide na mag half day. I'm planning to fetch Felicity at her school. Ieenroll ko siya sa school na may voice lesson. I searched a few on the internet. Pupuntahan ko ang school na iyon kasi titignan daw nila kung pwede na si Felicity, she's only four. 


Hindi ko nakita si Austin buong umaga. What do I expect? Hindi naman kami kagaya ng dati na sa lahat ng oras ay alam ko kung nasaan siya. I bit my lip when I remembered college. Kabisado ko pa ang schedule niya.


"Mommyyyy!" Sigaw ni Felicity nang makita ako. Tumakbo siya palapit sa akin. Kasama pa niya ang isang kaibigan niya. "Mommy, this is Bubbays!"


"Hi Bubbles! I'm Felicity's mom." Bati ko sa batang iyon. I laughed at the fact that Felicity still cant't pronounce the letter l. Nahihiyang ngumiti sa akin ang bata na may twin tail na buhok.


"Mommy, can we wait for her mommy?" Tanong sakin ni Felicity. 


"Sure! Para may kasama si Bubbles." Sagot ko. 


"Hala, wag na. Nakakahiya. Wag na po." Nahihiyang sabi nito sa akin. Umupo kami sa may bench doon. Maraming kakilala ang dalawa na kinakawayan nila. Felicity is really an outgoing kid. She can be with anyone. 


Ilang minuto lang ay may dumating na matandang babae. Siguro mga nasa 50s at lumapit sa amin. Siya siguro ang mommy ni Bubbles. Ngumiti ito.


"Mama!" Bati ni Bubbles. Lumapit ang babae at niyakap siya. 


"Good afternoon po." Bati ko. 


Ngumiti ito. "Good afternoon, rin. Salamat at inantay niyo ako. Nag-aalala kasi ako kanina baka siya nalang naiwan dito sa school."


"Okay lang po." Sagot ko. 


Matapos nun ay umalis na ang dalawa. Nagyaya naman si Felicity na kumain muna bago kami magpunta dun. It was lunch time, anyway. 


Hindi pa raw pwede si Felicity. Iyon ang sabi. The instructor I talked to told me to go back after a year at titignan ulit kung kaya na ni Fizzy. Masyado pa raw kasing bata. It's too early for her to learn it kaya okay lang. She has a nice voice and I only wanted to enhance it. 


It was another normal day. Maaga ako pumasok kinabukasan. Claudette told me to wait for her during lunch break, sabay na daw kami kumain. Pero maglalabing limang minuto na akong nakahintay sa receiving area pero wala pa rin siya. Time is running... So I decided to go to the hotel's restaurant. Kung nasaan siya. 


Nakita ko siyang kausap ang babaeng hindi mapakali.


Nakasalubong ko naman si Jay habang palapit sana ako kay Claudette. Hinawakan ko ang braso ni Jay nang lagpasan niya ako. Hindi niya ata ako nakita.

Queen Of Fake SmilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon