Chapter 5

979 24 0
                                    

(A/N: Madi's picture above, siya yung nasa right)


Hindi ako pinapansin ni Austin sa bahay. Abot kamay ko lang siya, pero feeling ko ilusyon lang na malapit siya. Hindi niya ako kinakausap. Hindi niya rin ako sinasabayan sa pagkain. Wala akong kausap at walang ginagawa, lalo na't sembreak. Kung hindi naman niya ako kakausapin, minsan wala siya. Umaalis. He's making me depress. 

Isang araw, gumising ako dahil naramdaman kong humiga siya sa likod ko. Kakarating niya lang siguro at amoy alak siya. Nakatitig lang siya sa akin. 

"We need to talk." sabi niya nang mapansing gising ako.

Tumayo ako agad. I also want to talk. Finally, first time ko siyang makakausap ng maayos. Sana nga maayos... hay.

"Oo naman." kinusot ko yung mata ko. Saka nakangiting tumingin sa kanya.

Nag-iwas siya ng tingin.

"L-let's.." di niya matuloy. "I want an annulment."

Nanlaki ang mata ko. I thought magiging maganda ang maidudulot ng usapang 'to. Pero hindi pala.

Siya yung unang naggive up.

"Please..." I can't find any words to say. "..no, please."

I'm desperate.

"Lexie is pregnant." sagot niya. "Would you still want to be my wife? Na habang asawa kita sa papel, si Lexie at ang anak namin ang inaasikaso ko? Na while you're here, andito din sila? You can't expect me to love you as much as I love her." 

Tumulo yung luha ko. This is too fast. Hindi ko ni-ready ang sarili ko sa pangyayaring to. Lahat ng hopes ko, nawala lahat. 

"Ano b-bang meron sa kanya?" humikbi ako. "..N-na wala ako. At kaya mong i-give up ang lahat para sa kanya?" 

"You're plain and boring!"

Ang sakit. Galing pa sa kanya yung words na yun. 

"She's plain and boring too!" sagot ko. "Mas plain siya!"

"She's not boring, she's special!" sigaw niya. "Sa kanya ako natamaan at hindi sayo, yun yon! Wala tayong magagawa." 

Iyak na ako nang iyak. Wala na talaga akong pag-asa. Natamaan na siya kay Lexie. Ako,  epal lang, nakikisawsaw sa kanila. Sa kanila ng... anak nila.

Lumabas ako ng kwarto at humiga sa couch. Pinilit kong matulog, pero ayaw eh. Hindi ako makatulog talaga. Naramdaman ko ang pagbaba niya sa hagdan. He doesn't care about me. He doesn't love me and he doesn't care if I walk away. 

"Madison... I'm sorry." sabi niya sa likod ko kaya nanlaki yung mata ko. He's saying sorry? 

Nagpahid ako ng luha at humarap sa kanya at ngumiti. "No biggies."

"I mean... sorry, for.. uh.. shouting at you." 

"No.. it's okay." sagot ko at nagpilit ngumiti. "Mas okay na 'yung ganito kesa hindi mo 'ko kinakausap." pinilit kong tumawa pero siya, seryoso pa rin.

I'm gonna smile like nothing's wrong, pretend like everything's alright, act like it's all perfect, even though inside, it really hurts.

"K-kahit na... girls don't like being shouted at." sabi niya at hinilamos ang mukha niya. 

"Sanay na rin naman akong sigawan ng ate Crystal ko. So it's really okay." No I'm not. Hug me tight and tell me everything's gonna be okay.

 Tumabi siya sa akin, pero medyo malayo. Lumunok ako nang pareho kaming natahimik. 

"Just.. just... please, give me one more month." nahihiyang sabi ko. "..and after that, ako na mismo ang magsasabi sa kanila. Ako na mismo ang makikipaghiwalay." 

"One month..." nag isip siya.

"Please, I'm sorry... gusto ko lang maramdaman ng kahit matagal na asawa kita. Bago tayo magpa-annul." 

"Alright..." sagot niya. "I'm sorry, Madison.."

Tumawa ako at hinilamos yung mukha ko. "You don't have to! I'd do the same for the man I love." 

"Pagkatapos ng annulment, pwede ka nang mag asawa ng kahit sinong gusto mo. Yung walang pilit ng magulang o ng legacy." tumawa siya. Pero ako seryosong nakatitig sa kanya. He's so handsome when he laugh. 

Lexie is so damn lucky. She has the heart of this man. 

"Basta, don't forget to invite me when you marry Lexie." pilit na ngiti ang binigay ko sa kanya. 

Napahinto siya sa pagtawa at lumunok. 

"Tulog ka na." tumayo ako at sinundan niya lang ako ng tingin. Sabay hinampas ko siya ng puting unan sa ulo. 

"Aray!" sabi niya.

Tumawa siya at kumuha rin ng unan tapos binato ako. Naghampasan kami ng unan tapos naghabulan kami sa bahay. Ang saya palang makaganto si Austin. Lexie is really lucky..

"Carpe diem, Austin!" sabi ko habang hinahampas siya ng unan. "Isang buwan nalang, aalis na ako sa bahay na 'to. Susulitin ko na, haha!" 

Tumawa siya. 

"You're so immature, Madison!" tumawa siya habang sinabi yun.

Napahinto ako sa paghahampas sa kanya. 

"Why?" napahinto rin siya. 

"Immature." I chuckled. "I should change that." 

"No..." lumunok siya at tumitig sakin. "I didn't mean it that way. It wasn't serious. I was just being sarcastic..."

"I know." sagot ko at napaupo sa couch. "Kahit na joke yun, I know you still think I'm immature. After what happened..."

Umupo siya sa tabi ko. Tumingin ako sa kanya at tumawa pero siya seryoso parin.

Bumuntong hininga ako. "I mean.. you told me I was immature. Hindi ko alam kung sino ang nagpakalat ng picture na yun... at hindi ko pa nakikitang ang picture na yun the night before. Nakita ko lang yung picture niyo nang ipinakita sa akin ni Sav.. yun yung bago mo 'ko hilahin."

"I'm sorry.." titig na titig siya kaya nag iwas ako ng tingin. "..you don't have to explain. Okay na sa akin. Okay na si Lexie." 

Ngumiti ako. Although it still hurts na kahit okay na sa kanya ang nangyari, si Lexie pa rin pala yung dahilan kung bakit niya ginawa yun. 

"Gusto mo bang magpunta tayo ng resort namin sa Subic?" tanong niya. "Sembreak naman eh. And it's my way of saying sorry.." 

"Kasama si Lexie?" 

"Nasa probinsya siya ngayon eh.. pero baka makahabol siya." sagot niya.

"Uhm.. nasabi niyo na ba sa magulang niya na buntis siya?" tanong ko.

Yumuko siya. "No."

To be continued.


Queen Of Fake SmilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon