Tick tock tick tock.
I stared idly at the shop's glass door. Habang binibilang ang ilang tao ang dumadaan sa harap ng gun shop.
Maghapon. Natakatanga. Yung tunog nalang nang orasan ang naririnig ko.
Mas nakakamatay pa ang boredom na ito kaysa maghapon kong pagbabasa sa library. Kaysa sa pagkukulong ko sa kwarto ko noon.
Seriously? Ganto ba ang buhay ng tao? Ganito ka boring?
I was expecting better than this. Yung exciting. Yung tulad sa mga nababasa kong adventures nila. O kaya tulad nang kinukwento ni Papa noong bata pa ako.
Nakakadisapoint lang. Para san pa ang paglalayas ko kung pareho rin pala ng buhay na tinakasan ko ang buhay ko ngayon? Stagnant. Walang nangyayari.
I've spent almost half of my life living inside an old castle. Sa Sanctuaire. Sa France. Malayong malayo dito. Para lang akong prinsesang nakakulong sa isang tower noon at naghihintay ng prinsipeng magliligtas sa kanya.
Well, literally. Nakakulong nga ako. Hindi ako pwede lumabas doon nang walang paalam galing sa mga namumuno ng lugar na yon.
I was really expecting to be rescued by a prince. Yung katulad sa mga fairytales. Kukunin niya ako sa tower tapos sasakay kami sa white horse niya papuntang forever.
I waited. And waited. And waited. Pero wala siya, walang dumating.
Nakakapagod maghintay. Nakakasawang umasa. Kaya ako nalang ang nagligtas sa sarili ko noong nakakita ako nang pagkakataon.
Papa will be furious, alam ko. Magwawala iyon dahil sa paglalayas ko pero sigurado naman, kalaunan, matatanggap niya ang desisyon ko.
Si Mama ang mas inaalala ko. She's always been protective of me. Takot na takot na mawala ako sa paningin niya. She even installed a camera in my own room para makita ang galaw ko 24/7. Mabuti nalang at nagawa kong ma-disable yon noong gabing papaalis na ko.
Naiintindihan ko ang point niya. Natatakot lang siyang may mangyari sa akin. Na mahal na mahal niya ako. But then, hindi naman pwedeng habang-buhay ay proprotektahan niya ako. Kailangan kong matuto na ipagtanggol ang sarili ko. Kailangan kong mahanap ng destiny ko. At hindi ko magagawa yon kung nasa poder nila ako.
So now, I am here. Free. Almost.
May misyon pa akong dapat gawin bago ako tuluyang makalaya.
"Nia, ok ka lang ba hija?" Tanong sakin ni Mommy G. Hinawakan niya ang balikat ko ng kaliwang kamay at ngumiti. Ngumiti ako pabalik.
She's on her fifties but she still looks no more than forty. Maganda parin at healthy ang pangangatawan. And those beautiful tattoos on her chest and shoulders, bagay parin. Makinis parin ang skin.
She lost her right arm and her left leg twenty-five years ago. Kaya maiintimidate ang sinumang makakakita sa kanya. Lalo na kapag nakalabas ang hook sa kamay. Pero maalaga siya at maalahanin. Parang nakikikita tuloy si Mommy sa kanya. Without the paranoia and sh*ts.
Tumango ako sa tanong niya. Kinuha ko ang maliit na whiteboard sa harap ko at sinimulang magsulat.
'I'm ok'
Ngumiti siya uli. "Nami-miss mo no?"
Ngumiti ako. Yup, I miss my family. Pero agad ding nawala ang ngiting yon noong malaman kong iba ang tinutukoy niya.
"Traffic lang. Babalik na sina Van kasama na yung magkapatid. Alam mo naman sa EDSA." Ngumisi siya sakin at hinaplos ang buhok ko.
Ngumuso ako. Lagi nalang niya akong inaasar doon sa magkapatid. Palibasa, yung dalawa lang ang nakakasalamuha kong male specie dito.
