42: Chasing Shadows

2.3K 102 12
                                        

"Kuya! Laro tayo!"

Pitong-taon siya. Kasama niya ang Kuya Kiel niya nang gabing iyon. Maraming lata at basyo ng bote sa paligid, inipon para may pambili sila ng pagkain kinabukasan.

Gutom sila pero masaya. Hindi na sila binubugbog ng tatay nila, di na rin naman nila ito nakita pa pagtapos sumama ng nanay nila sa ibang lalaki. Silang dalawa na lang ng Kuya niya at mahal nila ang isa't isa. Nangako silang na di magkakahiwalay kahit kailan.

"Matulog ka na Rap-Rap." Sabi ng Kuya niya habang inaayos ang mga karton sa gilid ng kalsada kung saan sila magpapalipas ng gabi.

Sampung taon.

Doon na sila sa maayos apartment tumutuloy ng kapatid niya. Binilhan na siya din nito ng mga bagong damit. Pati na rin sapatos. Mag-aaral na daw uli sila, di na daw sila matutulog pa uli sa bangketa. Bigla silang nagkapera, nakita niya itong nagbibilang minsan galing sa isang itim na bag. Baka nagnakaw na naman ang Kuya niya sa kalye. Nag-aalala na siya sa mga ginagawa nito.

"Kuya saan galing yan?"

"Di ito nakaw kaya wag ka nang maingay, Rap. Wag mo ring sasabihin kahit kanino to."

Trese.

Unang araw niya dapat sa highschool. May mga lalaking may tattoo na pumasok sa bahay nila. May kasama ang mga itong lalaking matangkad at maputi. Mukha itong anghel pero natatakot siya sa dito. May hinahanap ang mga ito, at sigurado siyang may kinalaman iyon sa nakuhang pera nang Kuya niya noon.

Tinanong nung lalaking maputi kung nasaan ang babaeng nagbigay dito ng pera, pero di nagsalita ang Kuya niya kahit nakagapos na ito. Di daw nito alam.

Binugbog ng mga natirang lalaki ang Kuya niya pagkaalis nung lalaking maputi. Wala naman daw makukuha sa kanila kaya paglalaruan nalang daw sila. 

At siya...hindi niya na alam..pero hinang-hina na siya matapos ang lahat ginawa nila.

Wala silang kasalanan sa kanila. Naniniwala siyang di kilala ng Kuya niya ang taong hinahanap ng mga iyon. Bakit ba kailangan mangyari sa kanila yon?

Nakaramdam siya ng init na bumalot sa hubad niyang katawan. Bumalik pala ang lalaking maputi at niyakap siya nito nang mahigpit. 

Bakit ba ito nandito? Kasalanan nito ang lahat.

"Forgive me...Hindi ko alam na mangyayari ito. Forgive me..please..."


I gasped. That image stood still. Parang isang scene sa movie na biglang nag-pause. 

Everything just flashed in front of me. Images that I haven't seen before.

Visions. Memories. Rafaella's memories. It's like I relived her life all over again.

Why did Rafaella loved him kung ganoon pala ang nangyari? Father's right, hindi dapat sila magkasama. Kaya ba ganoon nalang sila paghiwalayin?

At alam kong mangyayari uli ang eksenang iyon. I've seen the rest of it before. I wanted to stop it pero wala akong kakayahang pigilan ang mga nangyayari. Nangyari na ang lahat nang ito at hindi na mababago pa.

Biglang lumiwanag at nabago ang lahat nang nasa paligid. 

This was the day she turned twenty one. Diego took their picture with her Kuya. Remembrance daw. She remembered na wala nga pala silang picture ng kapatid niya simula noon pa. Hihingi siya nang maraming kopya noon kapag nadevelop na.

"Hunter ka na din, ayoko sana pero andyan na yan," bulong ng Kuya niya sa kanya. Alam niyang hindi ito pabor sa ginawa. Patakas lang siyang sumama sa training nang mga gustong maging hunters noong isang taon. Nagalit ito. Lagi nalang daw siyang tumatakas. "Anong gusto mong gawin ngayon, may papatayin ka na ba?"

Requiem: Song of the FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon