7: A Nightmare That Never Ends

2.7K 131 39
                                        



Naglakadlakad kami ni Bullet sa paligid ng lumang hotel. Napapulutan na yon nang sira-sirang baging at mga sanga ng kahoy. May malaking puno pa ngang tumubo sa tabi at binalot na ng ugat ng mga pader. Wala nang mapasukan dahil nasakop na rin ng mga ugat at sanga nito ang pinto at mga bintana sa baba. 

It was awful. Sanctuiare is almost a thousand years old pero hindi naman pinabayaan ng ganito. Parang sinadyang kalimutan talaga at hayaang masira.

I was sure it was beautiful back then. Art nouveau ang facade ng building, halata pa iyon kahit bitak-bitak na ang mga pader. Dito tumutuloy ang mga Valerius noon kapag nasa Pilipinas sila sa pagkakaalam ko.

I wonder what memories this place holds. Kung nailipat na ito sa family namin, bakit di pa nila pinapaayos? Nakakapanghinayang naman.

"Nia, iikot ako. Baka may entrance doon sa likod." Sabi ni Bullet sakin. Tumango nalang ako. 

Hindi din niya alam ang pasikot-sikot dito. First time niya ding makita ang lugar na ito. Sa mga forums lang daw niya ito nababasa. Wala naman daw nagagawi ditong hunters dahil wala naman daw silang mahihita. Isa, sabi-sabi ng mga yon na may nagmumulto daw dito.

Gusto kong matawa nang marinig yon kay Bullet. Imagine, hunters, takot sa multo? Mga bampira ngang katulad ko ang hina-hunt nila.

And I don't believe in ghosts. Or demons. Those things inside my head are the worst anyway. Mas dapat ko silang katakutan.

Naglakad pa ako ng kaunti. May space sa tabi noon na puro lumang kotse ang nakapark. Ang iba, kinakain na ng kalawang. Yung iba naman, pirapiraso na talaga.

Napayakap ako sa sarili. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nalungkot. Parang may masakit na nakatarak sa dibdib ko ng umapak ako sa lugar na yon.

Is this a sign na may kinalaman ito sa alaala ko? Tama na kaya si Bullet?

Pumikit ako at huminga nang malalim. 

I need a proof.

Ilang sandali lang nakaramdam ako ng lamig. The sun is still up, medyo maiinit pa nga pero parang ginaw na ginaw ako.

Don't leave me. Please don't..

Pamilyar ang boses. Pamilyar talaga. All my life, nadidinig ko siya.

Please. Please..stay with me...

Nakikiusap. Nanginginig na para bang hirap na hirap.

"Find me.."

Agad akong nagbukas ng mata at napatingin sa paligid. Napatakip ako ng bibig.

Mabuti at walang tao. Walang nakarinig sa sinabi ko.

Huminga ako nang malalim. Kaya maraming napapahamak sa mga bulong na yon. Di ko napipigil ang lumalabas sa bibig ko.

Pero hindi ako alam kung sasaya ba ako ngayon o ano. Lalo lang nadagdagan ang tanong sa utak ko.

He's asking me to stay, why? And what is this 'find me'? Bakit bigla ko yong nasabi? Ano bang ibig sabihin non?

Bumalik ako sa building. Wala doon si Bullet, baka naghahanap parin. May nakita akong isang basag na bintana sa bandang itaas. Mga ilang floors ang taas noon. Walang sangang nakaharang at sigurado akong kasya ako doon pag pumasok.

Napangiti ako. Susubukan ko.

Kumapit ako sa isang ugat ng puno at nagsimulang umakyat. I used to climb trees this big before. Kami ni Paeng at ng kapatid ko. Maraming nagkalat na puno sa Sanctuiare. Iyon ang madalas na play ground namin. That's before my psych awakened. And those visions and voices started flooding my head.

I first heard it when I was thirteen. I was playing chess with my sister. 'Come with me' it said.

I looked at her and ask her why but she denied that it was her. I thought she was playing pranks on me so I told her to leave me alone. And she did.

Pagtapos noon lahat na ng mga nasa paligid ko, sinusunod lahat ng inuutos ko. Nagtaka ako noong una pero nagustuhan ko din. I was a child I didn't know the complications of my power. I just felt like a queen.

Until someone died.

Kumapit ako sa sangang malapit sa bintana. Umapak naman ako sa bukana noon. I was lucky I wasn't wearing a dress today. Mapupunit iyon sa pinaggagawa ko malamang. Magagalit pa si Van.

Another step and I was in. Napangiti ako sa achievement ko.

Madilim sa loob pero nakikita ko lahat. Madumi at puro lumot na. The doors were rotten. And it smells like piss and poop. Pinasok na din ng mga sanga ang hallways kaya mahirap maglakad. Kailangan ko pang humakbang ng maayos at umiwas sa mga yon.

Nakakarinig pa ako ng huni ng mga paniki. Pati na rin ng mga ahas.

D*mmit. This isn't a good idea. Dapat tinawag ko muna si Bullet.

But something caught my eye. It was a big rusty metal door. It smells like blood.

Napangiwi ako. Matagal nang abandonado ang lugar na ito pero malakas parin ang amoy na yon.

Alam ko na nga delikado pero may humahatak parin papalapit doon. Napalunok ako nang maglakad papasok.

It was dark. Almost pitch black. Mas malakas ang amoy sa loob. Napadikit ako sa pader at nakaramdaman ang paghapdi ng balat na nadampi doon.

Silver. The whole room was made of silver.

Napansin ko din ang dalawang chain na nakasabit sa kisame. May pulley yon at nakakabit naman sa isang lever malapit sa pinto. What is this for? Gawa din sa silver ang mga yon alam ko.

D*mn. Naalala ko na. 

It was a torture room. Maraming ganito sa Sanctuiare. Walang laban ang bampirang makukulong dito. Kahit makawala pa sa chain, hindi makakalabas dahil nakakasunog madait lang ng kaunti sa pader.

Kaya pala amoy dugo.

Agad akong humakbang papaatras. Natapilok pa ako sa naapakan ko. Napaupo ako sa lapag.

 Sabi na nga ba, di dapat ako pumunta dito!

It was a skull. A human skull! May mga piraso pa ng mga buto sa paligid. I was scared! D*mmit!

Napapikit ako. I bit my lower lip para mapigilan kong sumigaw.

Ano ba tong lugar na ito?! Bakit ganito?! Kailangan ko nang umalis! Baka totoong may multo dito! 

I opened my eyes. Napakunot ang noo ko sa tumambad sakin.

It was still in that same room. Pero mas malinis na. Walang mantsa ng dugo. Walang mga bungo ng mga tao sa paligid. Pero nandoon parin ang amoy ng dugo.

What just happened?

I found myself chained, sa gitna ng kwarto. Doon sa mga kadenang nakita ko kanina. Hinila ko ang kamay ko. Mahigpit yon, hindi ako makawala. I even felt the sting of the silver against my skin.

Is this...the real life now? Not a vision?

Pero bakit ako biglang nakakadena ng ganito? Ang bilis! Sinong may gawa?

Bullet?!

I want to scream but nothing came out. Oh damn.

I am really, really scared right now. Kung sino mang naglagay sakin dito, wala akong laban. Di ako makapagsalita. Di ako makasigaw.

Bullet!

Bullet, help me!

Help!

Please!

Blade...

'Sweet little one'

Nanginig ako sa takot. Iba siya sa boses na naririnig ko. It was the most wretched voice I've ever heard.

I heard footsteps. I saw him in the shadows. A man with a silver hair. Papalapit na sakin.

'Shall we start?'

Requiem: Song of the FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon