"You'll like it there, mon amour."
                              I can hear him again. Yung pamilyar boses na lagi kong naririnig sa panaginip ko. Like he's here. Na malapit lang siya sa tabi ko.
                              "I have a house near the beach. We'll live there. We can stroll after sundown together. Watch the waves... We can even catch some fishes if you like."
                              Napangiti ako. Parang ang saya-saya ng boses niya. Tunog excited din. Saan namang kayang lugar yon? Saan niya ako dadalhin?
                              "We'll build our own world where no one can you away from me."
                              I sighed. That was sweet.
                              Really sweet.
                              Nakaamoy ako nang mabango sa paligid. Amoy matamis talaga.
                              Strawberries?
                              I slowly opened my eyes. It was just a dream I guess. Katulad ng dati. I sighed.
                              Gabi na. Madilim na sa labas. Matagal yata akong nakatulog simula pa kanina noong nahilo ako.
                              I sat up. Tumingin ako sa paligid para hanapin kung saan galing ang amoy.
                              May ilang basket dito sa kwarto. Dalawa ang nasa study table ko tapos tatlo naman ang nasa bandang ibaba ng kama. Punong-puno nang mapupulang strawberries.
                              Baka naman binigay ni Van dahil masama ang pakiramdam ko kanina.
                              Marahan akong tumayo. Kumuha ako ng isa at inamoy iyon nang malapitan. Fresh pa, parang kapipitas lang. I then took a bite.
                              Ang tamis. Ang sarap, sobra. I took one basket at inilagay iyon sa kama ko. Kumain pa ako ng ilan.
                              Van won't mind siguro na di muna ako bumaba. Where are they, anyway? Hindi ko maramdaman ang presence nila sa building na ito. Maski si Mommy G.
                              I shrugged. They are probably just busy. I'll indulge myself in this happiness first.
                              Nakadinig ako nang marahang pagkatok. Dahan-dahan ding bumukas ang pinto.
                              "Nia. Gising ka na pala!" Bungad ni Bullet sakin. 
                              Mukha siyang nagulat. May hawak pa siyang kung ano sa isang kamay, mukhang maliit na glass container. Agad naman niya iyong nilagay sa bulsa ng pantalon niya nang humakbang na siya papasok ng kwarto ko.
                              "Pasok ako ha." Paalam pa niya. Tumango naman ako.
                              Nakauwi na pala siya. Pero siya lang ba?
                              "Pina-check ka ni Mommy. Umalis sila kanina para bumili ng aircon, isasama ka nga sana kaso tulog ka pa daw."
                              I see, kaya pala. Kumagat uli ako ng isang strawberries. Napataas naman ang kilay ni Bullet habang nakatingin sakin.
                              Oh how rude of me. Tuloy-tuloy akong kumakain, di ko man lang siya niyaya. 
                              I held the half empty basket and offered some to him.
                              "Sarap niyan ah," sabi naman niya at ngumiti. Kumuha siya ang isa at sumubo din. "Matamis talaga. Alagang-alaga ang tanim eh."
                              Huh?
                              "Nauna na pala dito ang lokong yon," sabi niya. "Sabi na nga ba, kaya di dumiretsong umuwi."
                              Kumunot ang noo ko. Hindi galing kay Van itong kinakain ko? 
                              "Hindi kayo nagkita?"
                              Napatitig lang ako. Sino?
                              "Si Blade, pasalubong niya to sayo. Ako pa nga ang nagkarga kanina sa sasakyan niya."
                                      
                                   
                                              
                                           
                                               
                                                  