21: Words Without Voice

2.6K 129 27
                                    

Walang ingay akong pumanhik sa rooftop. Nandoon parin si Van, kasama ni Bullet. Pareho nang tulog. May mga kumot pang nakabalot sa kanila.

I sighed.

Mabuti pa sila. Kaya nilang magpakalunod sa kalasingan na tulad nito. They are free to lose themselves and be happy.

Kapag ako, nawala lang saglit sa sarili, malaking gulo na ang epekto.

I don't even know if I can find out what causing all these things in my head within a month. Gusto ko lang maintindihan ang lahat nang sa ganoon di na ako madadala pa ng takot tuwing nakikita ko sila sa utak ko.

I just hope Mother won't see through my sister's disguise. Nagawa na naman namin ni Helena na magpalit ng pwesto habang naglalaro noong mga bata pa kami. Sana lang talaga, walang makahalata ngayon.

Lumingon ako sa paligid. Wala na si Mommy G sa rooftop. Wala na din ang mga kalat ng bote sa lapag.

I tried to pull Van up off the seat kaso ang bigat niya. She's slim and all, napunta ba sa breast part niya lahat ng weight? Siguro kaya di na rin binuhat ni Mommy ang dalawa dahil di na rin niya kaya. Iniwan nalang dito at kinumutan.

Kaso delikado sa kalusugan nila ang polusyon dito. Kailangan ko silang dalhin sa baba. Doon sa kwarto.

I tried to pull Van again. Umungot lang siya pero di gumalaw. Si Bullet naman ang sinubukan ko pero ganun din ang reaksyon.

"Need help?"

It was Blade. Nakatayo siya malapit lang sakin, hindi ko man lang napansin. Di ko rin siya naramdamang pumanhik.

Anong ginagawa niya dito?

I was about to ask him pero lumapit na siya at binuhat si Van.

"Ako na," sabi niya. "Try waking my brother."

I nodded.

Ang bilis lang niyang nabuhat si Van. Para lang siyang bouquet ng flowers na magaan. I sighed.

Ano kayang pakiramdam kapag binuhat niya din ako tulad non? His arms around me while I recline against his chest--

Dammit. No. Not again.

I have to clear my head on the thoughts of him. Nakakailan na ako ngayong araw. Hindi na maganda ito. Mali na pagpantasyahan ko siya.

Tinapik ko si Bullet nang makakababa na si Blade at Van. Wala talagang effect. Inalog ko siya ng marahan. Wala parin. He's knocked out. Totally.

Then I saw something on hanging on his neck. A dog tag.

Lumapit ako sa leeg niya at tiningnan. Marahan kong inusyoso yung nakasulat doon.

Brent Uriel Llanes

So that's his real name.

"Ayaw gumising?"

Halos napatalon ako sa gulat ng dumating si Blade. Napalayo ako kay Bullet.

Ba't bigla nalang siyang sumusulpot nang di ko nararamdaman?

Yes he was suppose to be a hunter. Magaling siyang magconceal ng presence niya sa mga tulad namin pero grabe naman ito!

"Van's in her room." Sabi pa niya. Nakakunot ang noo niya. He looked displeased or something. Ang hirap talaga niyang basahin.

Lumapit na siya at siya na mismo ang nagtayo kay Bullet. Inakay na niya ang kapatid pababa. Pinulot ko naman ang mga naiwang kumot at sumunod na din.

"Brent Uriel." Marahang sambit ko. Doon yata kinuha ang ginagamit na pangalan ni Bullet ngayon.

B-U-L-L--

Requiem: Song of the FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon