23: A Mother's Love

2.6K 115 11
                                        



I sighed in front of the piles of paper on the desk. Kakatatapos lang iyong mai-print and I have to compile them on their folders. Marami na akong gagawin pero wala sa loob kong magtrabaho. 

Magulo ang utak ko. 

Lalo lang akong nalito sa mga nangyayari. Hanggang ngayon iniisip ko parin ang mga sinabi ni Blade sa akin.

He hold answers to my questions, he said.

Lalo tuloy akong naghinala sa kanya. Ano ba talagang alam niya?

Napahawak ako sa dibdib ko ng hindi sinasadya. Ano ba kasing ginawa niya sakin at nakakaramdam ako nang ganito kapag naiisip ko siya. Kinakabahan na hindi ko maintindihan.

Maybe it's just the effect of this collar that he gave me. Or maybe, dahil maliban kay Bullet, siya lang ang nakakausap ko nang hindi natatakot na lumabas ang sikreto ko.

Sayang at hindi ko na siya nakausap pa uli pagkatapos noon. Kailangang niya munang iuwi si Bullet dahil may tama ng baril ang kapatid. Hindi naman malala pero kinakailangan nilang ihiwalay muna siya kay Van. Baka kasi matuluyan na.

"Nakakainis talaga! Ang kapal nang mukha niya! Hindi ako naniniwalang walang nangyari, siraulo siya!"

There goes Van, again. Ibinagsak niya ang isang bungkos ng folders sa lamesa nang pagalit.

Dalawang araw na ang lumipas pero di parin siya maka-get over. Ang nangyari: nagising siyang magkatabi ni Bullet, nakayakap pa sa kanya. She then grab her gun tapos pinaulanan ng bala ang kakawang yon. Buti at nagising din agad kaya nadaplisan lang.

"Sinamantala na naman niya ang kalasingan ko!"

Na naman?

"Tapos tatawag siya ngayon tapos magsosorry. G*go talaga!"

Nagsimula akong magsulat sa whiteboard ko. Though it was originally Blade's fault, siya ang nagtabi kay Bullet ay Van, kasalanan ko din kasi di ko siya pinigilan.

'Did he'

Di pa ako natatapos magsulat nang pigilan ako ni Mommy. "Shh. Nia, hayaan mo na."

But I want to know. Bakit 'again'? Nangyari na ba ito kina Van dati?

Though hindi naman dapat ako makiaalam dahil di naman iyon kasama sa misyon ko, na-curious ako. Dati ko pa nararamdaman na may something sila noon pa, na may attachment na sila sa isa't-isa bago pa ako dumating dito.

Marahan akong hinila ni Mommy G papalabas ng opisina. Si Van, nakakunot ang noo sa harap ng laptop niya. Di na nga niya kami napansing lumabas.

Pumunta kami sa kitchen at inabutan niya ako ng juice. "Mag meryenda ka muna, Nia," sabi niya sakin.

Naupo ako sa isang silya na nandoon. Sunod niyang inabot ang isang plato ng chocolate strawberry cake galing ref. "Para talaga sayo yan."

I don't need to know who baked this. Si Blade na naman. Balak yata niyang patabain kaming nandito sa ginagawa niya. Lagi siyang nagpapadala ng cake.

Saka pano ba niya nalaman na strawberries ang favorite ko?

Sumubo ako nang kaunti. Hanggang sa naging sunod-sunod na. Masarap naman talaga ng mga cakes na ginagawa niya, di ko naman iyon itinatanggi. Nakakatakam talaga.

Pumasok tuloy uli sa utak ang image niya habang nagbabake. Topless again, but this time wala na yung apron. Aksidenteng matatapon ang icing sa dibdib tapos ikakalat niya sa abs niya. I would probably licked it down and--

Requiem: Song of the FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon