"Ano bang nangyari Bullet?! Ba't mo pinabayaan si Nia?!"
Sigaw ni Van ang naririnig ko sa di kalayuan. Kumislot ako nang bahagya at naramdaman ko ang pagbaba ng kumot sa katawan ko.
Nakahiga na ako sa malambot na kama sa kwarto ko. Ganoon parin ang suot ko katulad kanina maliban lang doon sa nakahubad na sneakers. Wala ring masakit sa katawan ko. Mukhang maayos naman akong nakauwi.
Hindi ko maalala kung paano ako napunta dito matapos akong mawalan ng malay habang kasama ko si Blade.
Si Blade!
Napabalikwas ako nang upo. Napahawak ako sa leeg.
It's still there, yung collar na nilagay niya sakin. Napangiwi ako nang hinila ko yon. Masakit talaga pag pinilit kong inaalis.
Bumukas ang pinto ng kwarto at nakita kong pumasok si Van. "T*ngina naman, Bullet. Uuwi ka dito tapos ibabalita mo yan sa--Nia, baby! Gising ka na!"
Agad naman siyang lumapit. Sinuklay pa ang buhok at hinaplos-haplos ang pisngi ko. Mukhang alalang-alala talaga siya.
"Ok ka lang? May masakit ba sayo? Inano ka ng manyak na to?"
Napatingin naman ako kay Bullet. Kumamot lang siya ng ulo at umiling habang humahakbang papunta samin.
"Oh, ayan na. Gising na, tanungin na natin kung--"
"Wag ka ngang lumapit sa kanya!" Sigaw ni Van. Yumakap pa siya sakin. She looked like a mother hen protecting her baby chick.
Seriously? Di naman ako aanuhin ni Bullet. Siya kaya yung gusto niya.
"Van naman, itatanong nga natin kung paano siya nakauwi eh. Bigla nalang siyang nawala kanina tapos pagtawag ko, nandito na pala. Tapos ako pagbibintangan mo?" asik ni Bullet.
"Wag naman ganun. You're hurting me. Ang sakit sa heart." Tinuro pa nito ang puso. Napangiwi naman kami ni Van. Ang OA lang.
Pero nakauwi ako dito? Hindi siya ang nagadala sakin?
Bumukas uli ang pinto at pumasok naman si Mommy G. Nakalugay ang buhok niya ngayon at naka-lipstick.
"Sabi nila Caloy, si Blade daw ang naghatid kay Nia. Pero umalis din daw agad, hanggang ngayon di ko siya ma-contact. Wala din may alam kung nasan siya." Sabi ni Mommy.
Napahawak ako sa leeg ko. Si Blade pala ang nag-uwi sakin dito. Ano ba talagang gusto niyang mangyari. Hindi ko talaga siya maintindihan.
"Nia?" Lumapit si Mommy G sakin at tiningnan ang nasa leeg ko. Yung silver collar. "Sino ang naglagay niyan?"
"Oo nga, ano to? Sino nagbigay sayo? Hindi bagay!" Sabi naman ni Van. Sinubukan niyang hilahin sakin. Napangiwi na naman ako sa sakit. Those needles again.
"Stop that, Vanessa!" Saway ni Mommy. "Alam ko yan. Silver collar, ginagamit sa mga nahuhuling vampire na malakas ang psych. May lamang silver nitrate yan. Naiinject yan sa leeg kapag humagamit ng psych o nagtangkang tanggalin. See that marks?"
Marks? What marks?
"Oo nga, may mga black lines ka sa leeg, Nia," sabi sakin ni Van.
Napakagat ako ng labi. Black outlines ng veins. Indication yon ng silver poisoning sa mga katulad namin.
Gusto talaga akong patayin ni Blade. Bad talaga siya.
"Pero bakit naman isusuot ito sa kanya? Wala naman pa siya naman noon psych? She's still not awakened, nakakain pa nga siya ng solid food saka di pa naman siya nag cra-crave sa dugo."
