Sinigurado kong tulog na sina Van at Mommy G bago ako umalis. It's two in morning now, nakasakay na ako sa taxi. Dumaan nalang ako kanina sa fire exit para makalabas. I even wore a big black jacket with a hood para di nila talaga ako mapansin sa dilim.
I used my psych on the driver again, tulad noong una akong tumakas. Hindi naman kasi ako gaanong marunong magdrive at isa pa, ayokong gamitin ang mga sasakyan nila Van. May mga GPS ang kotse nila at baka malaman pa nila kung saan ako pupunta. It's better this way.
Medyo nasasanay na nga akong gamitin ang psych ko kahit may silver collar akong suot. Natitiis ko na ang sakit at na mas nako-control ko na nang maayos yon kaysa dati.
I sighed when I reached the place. Nakatayo lang ako tabi ng kalsada matapos kong bumaba ng taxi. Hindi na ako makahakbang pa papalapit sa lugar kung saan ako halos lumaki.
Our house. The Soliel's Nest.
It's a mansion surrounded by thick white walls, hindi mo makikita ang napakalaking bahay sa loob. May malaking gate para sa entrance at may mga nagbabantay na guards. Though kung iisipin, hindi halatang may kakaiba sa lugar na yon. Na doon tumutuloy ang pinaka-powerful na pamilya ng mga bampira.
It was big and luxurios though, sa preference ng mga karaniwang tao. Pero sa amin, kumpara sa mga tinutuluyan naming palasyo sa ibang bansa, karaniwan lang hitsura noon. Papa prefered that way, mas kaunti ang maghihinala.
"Mama.." I whispered. Alam kong nandito pa sila at hindi pa bumabalik ng Sanctuaire.
Nakatanaw lang ako. Nag-iisip kung itutuloy ko ba ang balak ko.
Huminga ako nang malalim. Humakbang na akong papalapit. I then felt the cameras attached to the gates and walls moved. They detected me, sinusundan na nila ang galaw ko.
The Nest was built inside a village kung saan marami ding taong nakatira. I acted normal, kunwaring napadaan lang. I just wanted to get close to my family.
I have to restrain myself on getting any further than that. Mababalewala ang lahat nang ginawa ko kung makikita nila ako ngayon. This is enough. I have to convince myself with that thought.
Pero hindi ko talaga kaya.
Nakarinig ako nang sasakyang paparating. Mukhang magdedeliver ng pizza sa Nest.
Naamoy ko ang laman nang box na nilabas ng delivery boy. Chesse. I squirmed.
Sa kapatid ko iyon malamang. Siya lang naman ang mahilig sa pizza sa amin. At sa cheese. Mabuti at di siya nagmukhang daga.
Inobserbahan ko ang mga nangyayari. The delivery boy stood in front of the gate habang kausap ang isang guard na naroon. Sumilip pa nga sa loob. Tss.
Papa's not here I guess. Wala ang mga elite bodyguards sa paligid. Hindi ko maramdaman. Kung nandoon sila, ilang hakbang palang nang delivery boy papalapit sa pinto, babagsak na. Masyado siyang usisero.
I wonder where's Papa now? Iniwan na naman ba niya si Mama dito?
Lumapit ako and I stood beside the delivery boy. Napansin niya iyon. I just smiled at him. I just have to be careful and conceal my face on the camera above me.
"Give me the box." I said. Sumakit ang leeg ko sa epekto ng pysch pero sandali lang yon. Wala sa loob ng delivery boy na ibinigay sakin ang dala niya. "Leave. Forget what you saw here."
And he did.
Nakita kong sumilip ang isang guard mula sa gate. He's a vampire, I know it from his smell.
Buti nalang at ibang damit ang suot ko at ibang amoy ang nakadikit sa katawan ko. Hindi nahahalata na isa dapat ako sa bampirang binabatayan niya sa loob ng mansion na iyon.
Nakakunot ang noo ng guard nang makita ako. Nagtataka siguro kung bakit ibang tao na ang nadatnan niya kaysa kanina.
"Let me in."
I heard the gate clank. He really opened it without hesitation. Napailing ako. Mahina.
Papa should have told some of his bodyguards to stay here instead. Yung iba sa kanila, kahit papano, kaya pang labanan ng effect ng pysch ko kahit ilang sandali lang. But this one, he didn't even flinch. Paano kung mapahamak sila Mama at ang kapatid ko kapag may ibang pumasok dito?
But then. Kailan ba inisip ni Papa yon?
I shook my head. Pumasok nalang ako sa gate at iniwan sa tabi ng guard na nagpapasok sakin ang box nang pizza. Tulala parin siya. He's a low class vampire I guess. Nakakainis talaga.
"Close the cameras for five minutes," I told him. "Don't tell anyone about what I did."
Dumiretso ako sa driveway na napapalibutan ng mga puno. And I sighed again.
I miss this place. Madalas kami noong magbakasyon dito noong bata pa ako kapag winter. Mainit parin kasi ang klima dito tuwing panahong iyon compare sa Sanctuaire. My sister and I would play around here, tapos i-inivite pa namin si Paeng kapag umuuwi din siya sa Pilipinas.
Pumunta ako sa may pool. We have ponds in Sanctuiare at doon sa tabi noon madalas maglagi si Mama. Malapit sa tubig. It made her calm kapag nagkakaproblema siya, she said.
Kaya din siguro nagpagawa ng malaking pool si Papa dito para sa kanya. Para kahit lagi siyang wala, may napaglilibangan si Mama.
I sighed again.
Humakbang ako papalapit doon nang may humila sa akin papapunta sa likod nang isang malaking puno. Agad na natakpan ang bibig ko bago ako nakasigaw.
Blade!
Dammit! How?!
"Are you out of your mind?!" He hissed. I squirmed.
"Are you? This is a vampire's nest!" I hissed back.
Siraulo talaga! Mapapahamak siya sa biglang pagsulpot niya dito. He's a hunter, he'll be killed automatically kapag nahuli siya.
Hindi ko alam kung paano niya nalaman kung nasaan ako pero mas nagtataka ako kung paano siya nakapasok.
The guard is stupid, I know. But he could at least felt a non-vampire's presence, hunter's none the less. Or at least someone here would.
Wala man lang nag-alarm?! Mga royalty ang binabantayan nila for goodness sake! Bakit walang nakahalata?!
Oh. Shoot. I told the stupid guard to close the cameras. Dammit!
"Stop it, Nia!" Saway naman niya. Hinila niya ako sa may mga halamanan. Naramdaman kong may paparating.
"Mama..."
I gasped as I saw her. Marahan siyang naglalakad malapit sa pool sa kabilang side nito. Umupo siya sa isa sa mga silya doon.
Napigilan ako ni Blade na lumapit. Sobrang higpit nang hawak niya sakin. Masakit na.
Napahikbi nalang tuloy ako habang tinitingnan si Mama.
She's so beautiful. Her fair skin stood out against that long black robe that she's wearing. Inaalon nang marahan ng hangin ang mahabang buhok niya.
That hair. It's the only thing that I got from her. Kaya nga hindi ako nagpapagupit nang maikli. I want the world to know na may namana naman ako sa kanya.
And then I saw her sigh. She looked tired and worried habang nakatingin sa tubig.
"My little girl." She whispered. Nakita ko pa ang pagpatak ng luha sa pisngi niya.
She's crying. It's my fault. I really don't want to see her like that. Nabibiyak ang puso ko.
Naramdaman ko na naman ang paghigpit nang kapit sakin ni Blade nang magtangka akong lumabas sa pinagtataguan namin.
"Don't, Nia." Bulong niya.
His heartbeat changed though. Parang ang lungkot-lungkot din nang tunog.
Why?
Napatingin ako sa kanya. Nakatitig din pala siya kay Mama na parang pinipigilan din niya ang sarili niya.
And then he whispered.
"Angelique."
