"Nakanaman! Akala ko ba ok lang sayo na ilabas ko si Nia? May bantay naman sa labas yung shop, andyan sina Caloy."
Napakagat ako ng labi. Kasalanan ko yata.
Kausap ni Bullet si Van sa cellphone niya. Naka loud speaker pa habang nasa byahe kami kaya dinig na dinig ko lahat. Ilang oras na din at mukhang di ko alam kung saan na kami pupunta. Basta sabi niya, baka maging clue iyon sa hinahanap ko.
"Ibalik mo si Nia! Wag mong kakaintin kahit dulo ng daliri niya kundi puputulin ko yang iyo!" Sigaw ni Van. Ang lakas. Galit na galit talaga.
Mukhang hindi magandang ideya ang pagsama ko ngayon kay Bullet. Mainit pa ulo niya dahil sa nangyari kanina.
Bahala si Bullet.
Kumagat nalang ako sa buko pie na binili namin. Matapos kaming mag cake, nagyaya siya papuntang Laguna. Kaya din kami natagalan. Sa kakakain ko. I probably gained an inch around the waist, but who cares? I can't eat these stuff at Sanctuaire. Susulitin ko na dito.
"Banene naman, wag. Sayang diba." Malambing na sambit ni Bullet sabay ngisi. Siraulo talaga. Nagawa pang biruin.
Pero ibang klase din. Sa lahat ng nakakasalamuha ni Van, si Bullet lang ang nakakagawa. Yung mga employees ni Van, takot sa kaniya. Maski si Blade, ilag magbiro kay Van.
Ugh, hindi naman nag-jo-joke yun. Isa lang naman ang lagi ang facial expression noon. Blanko. Pero kapag malapit ako, nagmumukhang constipated. Parang may pipigilang kung ano.
Except when--
"Saka nalawayan na--"
Tinitigan ko si Bullet ng masama. Para siyang na choke at di na makapagsalita. Hindi na rin halos makahinga.
"Bullet! Papaulanan kita ng bala! Anong nalawayan?!"
Bumaling ako ng tingin. Muntik na. Buti malakas ang epekto ng pysch ko.
"Bullet!" Sigaw parin ni Van sa kabilang linya.
Siniko ko na si Bullet. Nahimasmasan naman siya. Mabuti na yon, nagdridrive parin siya. Ayokong maaksidente.
"N-na--Nalawayan na niya yung buko pie--" aniya. Napatingin pa siya sakin at napalunok. "Kumakain siya. Binilhan ko."
Nadinig ko ang paghinga ng malalim ni Van. "Umuwi na nga kayo. Baka kung ano pang gawin mo sa alaga ko."
"Wala ka bang tiwala sakin?" Tanong naman ni Bullet.
"Anak ng p*ta! Ikaw katiwa-tiwala?! Malibog ka! Lahat naman ng babaeng dinadala mo sa ibang lugar, mina--"
"Oo na nga, sandali nalang, uuwi na. Babye na luvs, low bat na ko."
Luvs?
He ended that call habang nakanganga ako sa kanya.
"Sakit naman noon. Di na talaga magbabago tingin niya sakin eh," umling si Bullet at tumingin sa akin. "O bakit?"
Kinuha ko yung white board ko na nakapatong sa dashboard niya. Nagdrawing ako at pinakita sa kanya. Agad naman siyang humalagapak ng tawa.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.