16: Falling Apart

2.6K 124 31
                                        


 Malakas na sampal ni Van ang sumalubong sakin pagbalik ko sa shop. Nandoon na pala siya. Kanina pa ako hinihintay.

Gabing-gabii na na rin ako nakauwi. Naglakad na nga ako dahil ang bigat-bigat ng loob ko. Natatakot akong kapag gumamit pa ako ng pysch, hindi na maganda ang kakalabasan.

"What the hell, Nia!" Sigaw pa niya. Galit na galit siya sakin. I can can still feel the sting on my cheek. Dumugo din ang labi ko. Napahawak ako doon.

I deserve this. Umalis ako nang walang paalam. Hindi ko dapat ginawa yon. Kasalanan ko ito.

"Inalagaan ka namin! Binihisan! Tapos aalis ka lang para lumandi?! Ito ba ang igaganti mo samin?!"

Mas masakit pa sa sampal ang mga salita ni Van. Ganito pala ang pakiramdam noon. Never akong napagalitan sa tanang buhay ko. Nadidisappoint ko man sila minsan sa akin, kinakausap lang ako nila Mama at Papa pagkatapos. Siguro dahil na rin natatakot sila sa kapangyarihan ko. Natatakot silang magtampo ako o magalit.

Hinawakan ni Van ang balikat ko at marahas na inalog. "Ano ba?! Saan ba kayo naglampungan ni Bullet at pati damit niya, sinuot mo na!"

Hindi ako sumagot. Hinayaan ko lang siya sa gusto niya.

Kung pwede pa nga niyang lakasan pa. Para matabunan naman ang sakit na nararamdaman ko ngayon. I just want to be numb with all this pain.

Akmang sasampalin pa niya ako uli nang may humawak na sa kanya.

"Van! Ano ba?!

Si Bullet yon mukhang kakarating lang din ng shop. Agad niyang inilayo sakin si Van. "Bakit mo sinasaktan si Nia?! Ano bang problema mo?!"

"Isa ka pa! Ang kapal ng mukha mo!" Sinampal din siya ni Van. Napangiwi siya sa sakit. "Hindi ka na talaga nagbago! Pati ba naman si Nia?!"

Napayakap ako sa sarili habang nag-aaway sila. Ako nalang talaga lagi ang dahilan ng gulo.

Even within my family. Sakin lagi nagsisimula ang problema. Wala na talaga akong idinulot na maganda.

Siguro tama nga si Blade. Kailangan ko nang umalis. Magpakalayo-layo na para wala nang iba pang masaktan.

"Wala akong ginagawa kay Nia?! Ano ba yang iniisip mo?!"

"Itinatanggi mo pa talaga?!" sigaw ni Van. "Kilala kita Bullet! Simula noong--"

"Please, stop." Mahina kong sambit. Halos bulong nalang yon. Wala ring pysch na gumana dahil pagod na pagod na ako simula pa kanina.

"N-Nia.." 

Natigilan si Van. Lumapit siya sa akin para hawakan ako pero hindi na yon masakit. Marahan na kaysa kanina. Hinaplos pa niya ang pisngi kong nasampal niya. "Nia. Nagsalita ka.. Nadinig kita..."

Lumapit na rin si Bullet samin. Nakakunot ang noo niya. Siguro ay nagtataka kung bakit ako nagsalita sa harap niya Van. Panigurado magtatanong siya.

"Ano bang pinagsasabi mo kasi Van? Kakagaling ko lang sa byahe tapos ganito maabutan ko?" Napakamot siya ng ulo.

"Byahe?" Sumulyap siya kay Bullet tapos bumalik sakin. "H-Hindi kayo magkasama?"

"Yan ba ang pinagpuputok ng butsi mo? P*tsa. Kakauwi ko lang galing Laguna. May inutos ka don diba?"

Akala ba ni Van, si Bullet ang kasama ko?

"Nia, san ka ba talaga galing?" Tanong niya sakin. Nakakunot ang noo niya. Yumuko nalang ako at umiwas nang tingin.

"Ba't suot mo yan?" tanong din ni Bullet.

Oversize tee ang binigay sakin ni Blade. Malaki yon at mahaba kaya nagmukhang dress sa akin. Hindi ko na naisuot ang pants na binigay niya. Malaki. Hindi din kaysa.

Hindi ko na naaubutan si Blade paglabas ko nang kwarto. Wala na ang presenya niya. Hindi ko na rin alam kung saan siya pumunta kaya napilitan akong umuwi na mag-isa na ganoon ang suot.

I felt like a whore. Matapos niyang paglaruan, iiwan nalang ng basta-basta.

"Akin yan eh. Regalo pa ni Van yan noon," tuloy pa ni Bullet. Kaya siguro, akala ni Van magkasama kami. 

"Naiwan ko sa dating condo ni...Nia pumunta ka kay Blade?"

"Anong pumunta kay Blade?" sabat ni Van. Napabitaw siya sakin at hinarap na nang tuluyan si Bullet. "Nakita mo na ang kapatid mo?"

Di na siya nakasagot. Napailing nalang bago lumapit sakin. 

"Anong ginawa ng g*gong yon sayo?" 

Madiin ang tanong na yon. Nadidinig ko din ang puso niya. Lumalakas. Napupuno nang galit.

Ayan na naman. Kung sasabihin ko ang ginawa sakin ni Blade, panigurado, mag-aaway na naman sila. Last time, halos magpatayan na silang magkapatid. Ayoko na ng gulo.

"Nia. Magsalita ka. Wag mo siyang pagtakpan. May ginawa siya sayo?"

Ginawa. Sa akin.Napakagat ako ng labi.

"Nia..." nag-aalalang tawag ni Van. "...did he.."

Malakas akong umiling. Di ko na talaga kaya. Kusa nang tumulo ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

Tinalikuran ko na sila at nagtatakbo paakyat. Nadinig ko pa ang pagtawag nila pero di na ako lumingon. Pumasok na ako sa loob ng kwarto ko at sumubsob sa kama.

Blade didn't do anything. He didn't even touch me. Ako ang kusang bumigay sa init na yon. Nakakahiya ang ginawa ko.

Isinubsob ko ang mukha ko sa unan. Umiyak na ako nang umiyak. Ang sakit-sakit talaga.

Ano ba kasi ang dahilan niya? That he love his girlfriend kaya ayaw niyang may mangyari sa amin? 

But why did he asked me to strip, then? 

Gusto lang talaga niya siguro akong mapahiya nang husto para umalis na ako ng kusa. Deceitful bastard.

My father will kill him for sure for this. My mother will burn him alive. My sister will do worst probably, I've seen men beg for her mercy. Kahit na galit siya sakin, hindi iyon papayag na maapakan ang dignity namin.

And then si Rafael. 

Hindi ko alam ang sasabihin ko kay Paeng pagkatapos nito. Muntik ko nang ibigay ang sarili ko sa iba. HIndi ko alam kung paano siya haharapin pag nagkita na kami uli. 

Pero ako naman ang nag-umpisa talaga. I offered Blade a deal. He took it. Ako ang may kasalanan.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Paano kung bigla siyang magsalita. Paano kung sabihin niya kay Van ang lahat?

I must leave.

Kailangan na talaga. Sa paraan ding yon, hindi ko na siya makikita pa. Pero saan naman ako pupunta?

Kapag bumalik ako sa pamilya ko, babalik na uli sa dati ang lahat. Ayokong bumalik sa dati ang lahat.

Everyone in Sanctuaire is afraid of me because of my power. Mama is worried about my visions. Papa hated me for that.Tapos galit din sakin ang kapatid ko dahil kay Paeng.

Kailangan kong maayos ang sarili ko bago ako bumalik. Para ito sa ikatatahimik nang lahat.

Hindi ko alam kung ilang oras ako nag-iiyak bago makatulog. Ang sakit-sakit ng dibdib ko.

Hanggang sa madinig ko na naman ang boses.

Don't cry, mon amour...I'm here. I'll always be here.




Requiem: Song of the FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon