53: Howling

2.2K 99 42
                                        


"T*ngina! Anak sa labas si Nia?!"

Napangiwi si Blade ng marinig ang malakas na boses ni Bullet sa kabilang linya. Parang napuno na ang pagsigaw nito ang loob ng kotse. May pagkakataon talaga na gusto na niyang gilitan ng leeg ito dahil sa mga lumalabas sa bibig.

He turned the loud speaker off on his cell. Marami kailangang gawin at maigsi ang pasensya niya ngayon.

"Tol! P*tsa! Para san pa pala ang pagpipigil mo! Sana pala nung una pala palang, niratrat mo na agad!"

"D*mmit." He cursed. Napahawak siya sa sintido. Ang lakas parin talaga ng boses.

Pero tama naman. Kung alam niya ang lahat, di na sana umabot sa ganitong sitwasyon.

He cursed himself for loving Nia despite what he knew. Na akala niya ay kadugo niya ito. Na akala niya mali ang lahat. Kaya lahat na nang paraan ginawa niya para lang mawala ang ang nararamdamang yon. He failed though. Kaya minabuti niya itong pakawalan at hinayaang lumayo sa kanya. Iyon ang isa sa pinakamaling desisyong nagawa niya buong buhay niya.

"Where is Scar? Did you find her?" He asked. She must have known Angelique's secret, she was trying to tell her that on their last meeting. Kung bakit kasi hindi siya nakinig.

"Wala na, Tol. Sensya na di ko na nadala sa condo mo. MIA na ang status. Saka nag-uumpisa na naman daw magkaroon nang gulo. May iba na siyang inaasikaso."

Napailing siya. Alam na niya. Sinabi na sa kanya lahat nang kapatid niya. 

It was Yulia's, the mistress of the King, Nia's real mother. She wanted to steal Angelique's position as the Queen. She was the real mother of the heiress, sa batas nila may karapatan nga talaga ito.

Kasalanan lahat ito ng Haring yon. Bakit nga ba hinayaan niyang makuha nang taong yon ang posisyon na dapat sa kanya? Her sister would not be as unhappy as now. Ramdam niya ang sobrang lungkot nito bago siya umalis sa tabi nito kanina

Angelique devoted her whole life, even her whole existence to that bastard. Hindi niya alam kung anong nangyari at nagawa nitong lokohin nang ganoon ang kapatid niya.

"Tol, nakausap mo na yung Queen diba? Yung totoong kapatid mo? Full pledge bampira na ka uli? Prinsipe ka na uli? Kailangan ko nang gumalang sayo?"

"Tumigil ka, Bullet. Kailangan ko pang hanapin si Nia." Irritableng sagot niya.

Ang importante lang sa ngayon ay makita niya si Nia at masigurong ligtas ito. Her true mother wanted to use her in her own intent and he can't let that happen.

Nia was bounded to him, he marked her. Madali lang sana niya mararamdaman kung malapit lang ito. Pero wala. Mukhang ayaw din nitong magparamdam. 

She must have hated him that much. Kailangan niya talagang maayos ito.

"Makakatulong sina Van sayo, sigurado. Pumunta ka na muna sa shop. Sila lang naman ang tao doon ngayon. Papunta na rin ako," ani Bullet. "Panahon na rin sigurong malaman nila ang lahat. Ang tagal na nating sinisikreto to. Ako na bahala kay Tsong Biggie."

He sighed. Halos isang dekada na rin siyang nagpapanggap na kapatid siya talaga ni Bullet. Na tao siya, salamat sa gamot na ginagamit niya.

Hindi naman naghinala sina Van at Gina. Diego wanted to keep it that way, na walang alam ang dalawa sa pagkatao nila.

"Oo. Magkita nalang tayo don." Sagot niya bago matapos ang usap nila ni Bullet.

He really should tell them everything. All the secrets are out anyway. Lalo na ngayon na nagbabadya na naman ang gulo. Maaring madamay ang mga ito dahil sila ang nag-alaga noon kay Nia.

Requiem: Song of the FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon