Bullet was true to his words. Walang nalaman sina Vanessa sa nangyari nang araw na yon. Napaayos niya rin agad ang glass panel na nabasag bago pa makauwi si Mommy G. Nabura din nya yung footage ng CCTV.
Parang walang nangyari. Parang walang naging gulo.
The bounty for for Blade's head is still up. One hundred fifty thousand for his whereabouts. Hindi ko akalaing maglalabas ng ganoong kalaking pera si Van para mahanap lang siya. I just sighed.
Matatapos na ang one week na binigay sakin ni Blade pero nandito parin ako. Kahit anong kumbinsi sakin ni Bullet na sabihin nalang lahat kina Van, di ko yon ginawa. Hindi ko kaya.
Ayoko mag-iba ang tingin nila sakin dahil paglilihim ko. Alam kong magagalit sila ng husto sakin.
But still...
"Tulala ka nanaman." Sabi ni Bullet sakin. Ngumiti lang ako sa kanya. Di ko na siya napansing pumasok dahil sa pag-iisip ko.
He looked tired. Mukhang puyat. Parang namayat din siya. Alam kong hinahanap din niya ang kapatid niya na hanggang ngayon ay nagtatago parin. Hindi daw niya matawagan at wala rin daw siyang balita kung nasaan na.
'Vanessa still in her office.' Sulat ko sa white board at pinakita ko yon sa kanya.
Ngumisi siya at kinuha ang whiteboard ko. "Kaya mo namang magsalita diba?"
Tumango ako. Napahawak ako sa collar.
"Ay oo nga pala, senysa naman. Masakit nga pala yan pag gumagamit ka ng pysch," sabi niya. Umupo siya sa katapat kong silya. Binalik niya sakin yung white board ko. "Ok ka lang?"
Agad akong nagsulat. 'Sorry.'
"Para san?"
Huminga ako malalim. 'Nagkakagulo kayo dahil sakin. I don't want to be a burden. I want to find Blade too.'
Tumawa siya.
"Hindi yon, Nia. Ok lang. Medyo sira ulo ang kapatid ko talaga. Pagpasenysahan mo na rin siya. Wag mo na ding alalahanin ang banta niya. Ako na bahala." Sabi niya.
"Nasa tabi-tabi lang yon. Baka may pinagkakaabalang iba. Lam mo na? Malibog din yon."
What's malibog? Tagalog is one of my first languages pero minsan di ako pamilyar sa mga sinasabi ni Bullet.
"Kamukha kaya noon yung poon kapag nakalugay yung buhok, balbas-sarado pa," tuloy pa niya. "Kaya ang daming babaeng lumuluhod doon, eh."
Poon? What's poon? Bakit luluhod?
Ang gulo talaga niya. Pero nakangiti naman siya habang sinasabi yon. Is that some sort of a joke?
Pero maya-maya umiling siya at bumuntong-hininga.
"Hindi ko lang talaga ma-gets ang hugot non. Laking gulo nang dinala niya. Si Van nga iwas na rin sakin dahil ginawa niya." Sabi niya.
Nalulungkot siya. Nararamdaman ko yon. I might not have my sister's psych pero madaling mabasa naman yon kay Bullet. Kapatid niya si Blade. Kadugo niya. Nahihirapan na siya, alam ko.
At ako ang dahilan.
Hinawakan ko ang kamay niya nang marahan. Mama used to do that. Then she'll assure me that everything is going to be ok. Na matatapos din ang gulo at magiging maayos na ang lahat. Gumagaan ang pakiramdam ko pagtapos noon.
"Salamat. Ok lang to." Aniya. Hinawakan niya rin ang kamay ko at ngumiti.
"Nia--" Lumapit si Van sa amin. Saglit siyang natigilan nang makita si Bullet.
