"What is he doing?"
Napailing si Blade sa tanong na yon ni Rafael. Nakahalukipkip sa tabi niya at nanonood sa nangyayari.
Hindi na niya ito pinansin, nakatuon parin ang atensyon niya kay Bullet. His foster brother emptied another load of bullets on a tree again. Pangatlong magazine na yon. He sighed.
Tumigil lang sila panandalian sa lugar na yon nang maramdaman na niyang nagkakaroon na ito ng malay. Alam niyang magwawala na naman ito kapag nagising na. And he was right.
Mabuti at liblib ang lugar. Walang ibang taong makakarinig sa sunod-sunod nitong pagpapaputok ng baril.
"What are we doing here anyway?" Tanong uli ni Rafael. He shrugged. Hinintay lang niya kumalma si Bullet pero mukhang imposible pa sa ngayon. Hindi na niya mapigilan dahil baka sila na ang mapagbuntungan ng galit.
"What a waste of silver bullets." Rafael commented again.
"Let him." He finally told him. Napakarami nitong tanong at nakukulitan na siya. Isa pa, marami pa naman silang bala.
Tumalikod muna siya at tiningnan ang compartment ng kotse. Nadala niya doon ang ilang mga armas. Some bullets, and that sword that Diego specialy made for him. A kampilan sword, as he called it.
He sighed. Marahan niyang hinawakan ang hawakan noon. Pinadaan ang mga daliri sa simbolong nakaukit. Pinapaalala noon kung ano talaga siya. Kung ano talaga ang pagkatao niya.
The sun. Their Coven's symbol.
Malamang sa mga oras na yon naipaalam na ni Angelique sa Hari at sa High Council na buhay pa siya. Dahil doon hindi na siya pwedeng bumalik pa sa pagpapanggap bilang tao. He must take the responsibility again as the heir and prince. Pero sa ngayon kailangan niya munang makita si Nia.
Natigilan siya sa pag-iisip nang marinig ang pagreload ng baril ni Bullet.
Another one huh? He thought. Pero naalarma siya nang hindi na nito pinuntiya ang punong nasa harap, sa sariling sintido na iyon itinutok. Mabilis siyang kumilos at naagaw iyon bago pa man pumutok.
"Enough." He told him.
"T*ngina." Pagdabog na lumupasay si Bullet sa lupa. Napasubsob ang mga kamay sa mukha at nag-umpisa na namang pumalahaw.
He can really see himself in him. The day he lost Elle.
Ilang beses nang nababanggit sa kanya ni Bullet na si Van ang buhay nito. He can always leave and retire as a hunter whenever he wanted, he had enough money to do so, pero di nito magawang iwan Van. Kahit ilang beses pa nga itong tinataboy. Sinasaktan pa minsan.
Bullet's body was ridden with bullet scars. Doon nga nanggaling ang palayaw nito. At halos lahat, gawa ni Vanessa kapag nagagalit ito. He must be a masochist fool, he thought.
Hell, he's been there. He's been a fool too. But he can't let him die like this. Humans are complicated creatures. Hindi ito katulad nila. Their hearts can heal. Eventually the pain will ease and they can continue living. No matter how hard it is, naniniwala siyang makakaya iyong lahat ni Bullet.
"This is not the end of it. Believe me."
"Eh p*tangina mo pala! Maswerte ka dahil nabuhay uli yang babaeng mahal mo. Tao ako gago! Tao! Hindi ako katulad nyo! Hindi ko na siya makakasama pa uli!" He growled. And then he sighed. "H-hinayaan mo nalang sana ko, p*ta ka."
"Do you think Van will be happy seeing you like this?"
Hindi na ito sumagot. Tumitig lang ang mga mata sa puno na pinaulanan nito ng bala kanina.
