19: Heavy Shadows

2.8K 121 30
                                    

Tama si Bullet.

Hunter si Blade. A human. And I'm a vampire. Magkaiba ang mundo namin.

Pero mali siya sa isang bagay. We are not a thing. Not at all.

I may be attracted to Blade physically pero hanggang doon lang yon. Natural lang naman, he's hot and have this godsend looks. Kahit pa na di niya kilala ang razor.

And my hormones, oh the hormones, are to blame. Naalala ko na nasa edad ako na kailangan nang mag-mate kaya madali akong ma-turn on lalo na sa mga galaw niyang iyon sa akin.

Damn. Why do I have to be born this way? Bakit kasi mataas ang libido namin kaysa mga pangkaraniwang tao?

But me being inlove with Blade is next to impossible. We vampires fell only once in our lifetime and I really can't see myself falling for him.

Eh! Hindi talaga. I hate him! Ayokong siyang makasama forever. Mababaliw ako lalo.

"Nia." Napalingon ako nang tawagin ako ni Van. She's looking at me intently. Nasa rooftop kami. Unwind-unwind daw muna pag may time sabi niya. Sunday naman daw at sarado ang shop.

Medyo stressful ang nangyari nitong mga nakaraang linggo kaya sumama na ako. So we are here, eating merienda habang nakatanaw sa mga katabing buildings. Palubog na ang araw kaya di na mainit. Nakikita ko tuloy ang malaking kaibahan ng Sanctuaire dito.

Doon sa tower ko, malawak na forest ang nakapalibot. Green kapag spring and summer, red and yellow sa autumn at puting-puti naman kapag winter. Dito, puro gray buildings dahil sa alikabok at halos gray na din ang namumulang langit dahil sa air pollution.

Mga tao talaga, sila na mismo ang pumapatay sa sarili nila. Wala na dapat kaming pakialam doon kaso kapag naubos naman ang mga sila, mauubos din ang main source ng pagkain namin.

"May problema ka ba?" tanong uli ni Van sa akin.

Umiling ako. Wala akong problema. Bakit naman magkakaroon hindi ba? I can finally stay here na walang aberya, at marami na akong oras para mag-imbestiga.

Sa totoo lang sa kanya ako nag-aalala. One hundred eighty degree turn ang nangyari. She's mad at Blade pero sandali lang, nawala agad yon. Pi-null out na niya rin ang bounty para sa kanya. Hindi ko talaga maiisip kung paano nangyari yon, kinausap lang siya sandali. May magic ba siya?

"Nakaubos ka na ng limang slice. Tataba ka na niyan." Sabi niya sabay tawa.

Napatingin ako sa plato ko. Halos ubos na nga ang laman noon. Napatingin din ako sa tray ng strawberry cake na nasa harap ko. Two slices nalang ang natira, si Van isang slice lang ang kinain.

Ang takaw ko pala.

I wonder kung saan niya ito nabili. Masarap talaga. It was sweet pero lasang-lasa parin yung strawberries. Saka masarap din yung white chocolate na kasama noon. Napasubo tuloy uli ako ng isa pa.

"Dala ni Blade yan,"

What?! Muntik na akong mabulunan. Napatingin ako kay Van.

"He personally baked this cake." Tuloy niya.

He did?

Napakagat ako ng labi. Biglang nagflash sa utak ko si Blade na topless habang naghahalo-halo ng batter at napapaliguan nang powdered sugar ang balat. Tapos titikim siya ng strawberies covered in melted chocolates at mapapatakan ang eight packed abs niya.

Hotness overload.

No. No. No. Just no. Bakit ba siya ang nakikita ko?!

Umiling ako. Mas kaya ko pang matagalan yung mga visions na biglang lumalabas sa utak ko kaysa doon. Nakakataranta.

Requiem: Song of the FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon