Dahan-dahang naglakad si Blade sa loob ng bakuran ng mga Soliel. Sinigurado niyang walang makakarinig o makakadama sa kany na kahit sa sino man. Years of training as a hunter made him even more undetectable.
He've done it before. Ilang beses na siyang nakapasok sa loob ng bahay na yon at alam na niya ang pasiko-sikot. Wala pang nakakahuli sa kanya.
Pero noon pa yon. Noong nagbabakasakali siyang makikita niya ang kapatid niya pagkatapos bumalik ang lahat ng ala-ala niya. Ilang taon din siyang nagpabalik-balik bago niya nalamang wala na siyang babalikan pa. Nasa Sanctuaire na pala ito at doon na nakatira.
It was Scarlet that told him that he was he was forgotten, wala nang nakakakilala o nakakaalala pa sa kanya sa mundo nila. He was erased from everything, like he never existed.
Noong una ay halos di niya ito matanggap. Iyon ang pinakamatas na parusa na pwede ibigay sa mga tulad nila. Hindi rin niya matanggap na ang sariling kapatid pa ang isa sa mga nagpasya.
Pero naisip niya parin ang kapakanan nito. Kakatatapos palang ng gera at halos hindi pa nakakabangon ang lahi nila. Isang malaking gulo kung bigla nalang siya magpapakita kaya pinili nalang niyang magtago.
Pinakiramdaman pa niya ang paligid. Alam niyang hindi lang ang Soliel Coven ang naroon. Nakakaramdam siya ng presensya ng iba pang mas malalakas na mga bampira. Mukhang nag-imbita sila ng iba pang mga bisita.
Wala naman siyang balak magpakita pa ngayon. Kahit paniguradong sa mga oras na yon, alam na nang lahat na buhay pa siya. That must be the reason why those powerful vampires are here. Nia might have revealed it to the High Council. He didn't really care.
Gusto lang niyang makasigurong ligtas si ito dito. At para malaman na niya ang totoo.
But where is she? He can't feel her presence.
Nakadama siya ng pag-aalala. Nanalangin siya na sana tama ang hinala niya pero sana ay nandito si Nia. Na maayos na naihatid ng mga bampirang nagsundo dito sa Manor. Kung hindi, hindi na niya alam ang gagawin niya.
Nakadinig siya nang mga mabibilis na yabag. Parang nagtatakbukhan. Kasabay noon ang isang matinis na pagtawa.
"Nia..." Naamoy niya agad ang pabango nito na humalo sa hanging nasa paligid niya. Agad siyang nagtago sa isang poste. Malapit na siya sa veranda. Gusto na sana niya itong lapitan pero naramdaman pa niya ang isa pang presenya na papalapit dito.
"Rafael, come here love..." Dinig niya ang malambing pag-aya nito. Natanaw niya ang mga bulto nitong sumandal sa railings habang hinihintay na lumapit ang lalaking kaharap. Napakuyom siya ng palad pero hindi muna siya lumabas.
"Cara mia, what do you want me to do now?" Lumapit si Rafael nang nakangiti. Humaplos ang mga kamay nito sa bewang ni Nia at nilapit pa ang katawan.
Napakuyom pa siya nang mahigpit. How can she let him do that!
Damn it! Dapat siya. Siya lang.
"Your mother will be furious. You need to be there, Cara Mia."
"I hate old people. That Council Meeting sucks anyway, nakakabagot. Ayoko nang sumama sa meeting nila," Dinig naman niyang sagot ni Nia. Nakita pa niya kung paano nito hinila ang necktie ng lalaki papalapit. Dikit na dikit na sila. "Play with me a little more bit more, Rafael..."
"He--"
Di na niya napigilan ang ang sarili. Mabilis siyang lumabas sa pinagtataguan at lumapit sa mga ito. Kinapitan niya ang leeg ni Rafael at hinila ito papalayo kay Nia. Malakas niyang binalibag ang lalaki. Nagkadurogdurog ang mga marmol na sahig sa pagbagsak.
"Son of a--" Mabilis niyang hinila ang kwelyo nito bago pa makapanlaban o makapagsalita.
This Rafael does look like his father. Lalong uminit ang dugo niya.
Inangat niya at marahas na sinandal sa pader. Rinig niya ang pagbali ng mga buto nito dahil sa pwersa. Agad niyang binunot ang dagger sa loob ng coat niya.
"Sandali!" Pumailanlang ang sigaw ni Nia bago pa niya magilitan sa leeg ang Rafael na yon. Natigilan siya.
She wasn't using her pysch. He can feel it when she's doing it, malakas lang siya kaya kayang-kaya niya iyong labanan. Iba ang nangyayari ngayon.
Nia?
Agad niyang binitawan ang lalaki at hinayaan itong bumagsak sa sahig. Humarap siya unti-unti dito.
Hindi ito si Nia.
Nakatayo sa harap niya ang isang babae. She was about Nia's age. Same hair color and length. Same features, halos mukha silang magkakambal dahil sa pagkakahawig.
But her eyes. It was the same color as his. Hindi nga ito si Nia.
Mabilis na lumapit ito sa kanya. Kumapit ang mga kamay sa batok niya at tumingkayad. Agad na lumapat ang labi nito at hindi na siya nakaiwas pa. May kakaiba siyang naramdamang dumaloy sa buong katawan niya.
Her lips was soft and warm. Just like hers...
Nia...
Parang dinuduyan ang pakiramdam niya. All he can think of now was her. His mind were clouded by her image. Her warmth. Her scent. Her soft moans as he claimed her.
Tuluyan na siyang nawala sa huwisyo. Hindi na niya maintindihan ang nangyayari. "Nia.."
Marahang humiwalay ang labi nito. Hindi na siya makagalaw pa habang unti-unti itong lumalayo sa kanya.
"Nia..." Gusto man niyang abutin ito pero lumayo na ang pagitan nila. Hindi na siya makahakabang pa papalapit dito. Nabitawan na niya ang dagger na hawak. Para siyang nawalan nang lakas.
Hindi na rin niya maproseso ang nangyayari. Like his mind were hi-jacked by some sort of spell.
A love spell?
Isang ngisi lang ang binigay sa kanya ng babaeng nagpapanggap na Nia.
May matigas na bagay ang biglang tumama sa ulunan niya. Malakas. Napaluhod siya.
"Filthy hunter!" Isa pang malakas tadyak sa tagiligiran ang nakapagpatumba sa kanya. Napaigik siya sa sakit. Ramdam niya ang malamig na sahig habang kinakain na ng dilim ang paningin niya.
"Nia..." And all he can do now is moan out her name. Pathethic.
He's a prince. A vampire prince. He was powerful at kinakatakutan dati nang lahat. Pero hindi na niya talaga kaya pang manlaban pa ngayon.
What kind of pysch is that?
"Stop that!"
Naaninag niya ang imahe ng lalaki sa harap niya bago siya tuluyang mapapikit. Hawak na nito ang dagger na nahulog niya kanina. Malapit na sa puso niya ang talim noon.
"This bastard kissed you back, Helena!" He hissed. "I saw it!"
"I said stop! Rafael! Stop it! He's good as dead anyway."
"Helena..."
Helena?
Damn. Helena Victoire. Angelique's other child, Nia's sister.
And he kissed her. Sinusumpa na talaga siya ng mundo.
"Dahil sa pysch ko yon, sira-ulo ka talaga! Bitawan mo na yan, lagot tayo pag nalaman nilang magkasama tayo dito!" She hissed.
"Hel--"
"And don't call me Helena, may makarinig pa sayo. Nawawala parin ang kapatid ko."
"Dammit..." Huminga siya nang malalim. Tuluyan na siyang binalot ng dilim.
She's not here.
