I sighed.
What if I ask them directly instead?
Nope. Magtataka sila. May iba pang paraan.
Tulog pa si Van hanggang ngayon at si Mommy G na ang umasikaso sa shop kaya ako lang ang nasa opisina ngayon. Pagkakataon na sana kaso hindi ko alam kung saan ako magsisimula.
Nanatili lang akong nakatitig sa picture na nasa table. Nag-iisip ako kung paano ko sisimulan ang pag-iimbestiga ko. May deadline na, kailangan ko nang magmadali. Isang buwan lang oras ko.
I really need to know who that girl is. Why did she apear on my vision? Siguradong may kinalaman siya mga nakikita ko.
May napansin akong bakat sa picture. Parang sinulatan iyon sa likod. Marahan kong tinanggal iyon sa frame.
Rap-Rap Bunso, Poging Arn-Arn, Behbeh Banene, Sexy Veron, Diego Taba.
Those are names, I think. So Rap-Rap ang pangalan ng babaeng yon.
Not so helpful. I sighed again.
Ibinalik ko nalang ang picture sa frame. Tumingin ako sa paligid. May mga cabinets at isang safe doon. Kailangan ko din sigurong usisain ang laman noon.
"Nia," tawag ni Mommy G bago pa ako nakakilos. Ngumiti siya sakin nang pumasok na ng opisina.
Sa susunod bibilisan ko na ang kilos ko. Ngumiti nalang din ako pabalik kay Mommy G pero agad na nawala yon nang makita kong kasunod niya Blade.
What is he doing here?
He looked at me. And then he smirked.
Ngumuso ako. Ayan na naman. Ang aga-aga, tinablan nang kabaliwan.
"Ano yang tinitingnan mo?" Mommy G asked. Lumapit na siya sakin. "Oh. Ako yung kumuha ng picture na to. Ang taba dati ni Van diba?"
Tumango naman ako at ngumiti. Mukha siyang flower patch kid. Ang laki ng pisngi. I wonder kung yung taba niya sa pisngi, napunta sa boobs niya ngayon.
Madaya talaga. Alam ko, mataba din pisngi ko noong bata ako pero bakit wala.
"Mahilig sa bows at ribbons yan noon pa. Kung saan-saan niya tinatali. Kaya siguro nahilig din sa mga lolita dresses," tuloy ni Mommy. Napatingin siya sa suot ko.
Black sleeveless dress yon na hanggang tuhod. These came from Blade. Isa sa binigay niyang damit. Mas comportable ito kaya ito nalang isinuot ko.
"I prefer that though. Mas lalong tumingkad ang pagiging mestisa mo." Sabi uli ni Mommy G.
Napatingin ako kay Blade. Tumikhim lang naman siya saka bumaling sa mga papeles na nasa isang lamesa.
Iniwasan ko na siya nang tingin. Di ako mapakali sa presensya niya dahil sa mga pinagsasabi niya kagabi.
"Nakakamiss din sila. Sayang din si Bunso, ang bata pa niyang nawala, di man lang natupad ang mga pangarap niya."
Nadinig kong bumuntong-hininga si Mommy G habang nakatingin na uli sa picture. Ramdam ko ang lungkot niya. She must have been close to that girl.
"Gusto mong makita yung iba? Marami pa kaming naitago dito. Amatuer photographer yung tyuhin ni Van eh."
Tumango ako. Yes of course! Mukhang umaayon sa akin ang pagkakataon.
Umupo ako sa tabi ni Mommy G nang inilabas na niya ang malaki at makapal na photo album sa isang safe cabinet na nandoon. Ipinatong yon sa table. Si Blade naman ay naramdaman kong pumwesto sa likod namin. Usisero din pala siya.
