28: Fallen

2.5K 132 40
                                        

I squirmed. Ano bang ginagawa ni Bullet?

"Shh, Nia," saway niya. "Nangako ka diba?"

I did. Pero hindi ko naman akalaing ganito ang balak niya. Akala ko ba si Van ang gusto niya? Sadyang manyak ba siya katulad mga nadidinig ko?

"Ayan na.." bulong niya. "Five, four.."

Natigilan ako nang mag-umpisa siyang magbilang. Hindi na ako gumalaw kagawa ng gusto niya. What is he up to now?

"Three..two..."

I gasped. Bigla nalang siyang siyang tumalsik. I heard a loud thud and there goes Bullet on the wall. Malakas din ang pagbagsak niya sa sahig. May dugo akong naaamoy.

"Wha--"

"Nia!" May kamay na biglang humatak sakin papatayo. Nauntog pa ako sa matigas na dibdib nang bigla din akong niyakap nang mahigpit. Halos di nga nga ako makahinga.

"Blade?"

It is him. Dinig na dinig ko ang mabilis na tibok ng puso niya.

Umangat ako nang tingin. Namumula na siya sa galit. Magulo pa ang ang pagkakatali ng buhok niya at medyo nakakatakas na ang ilang hibla noon.

Pero hindi iyon ang mas nakakuha ng atensyon ko. Nakikita ko ang mga mata niya. His irises are almost pitch black now dahil fully dilated ang pupils niya. But there's the hint color, para nga yong nag-aapoy.

Ganito ba siya kapag galit na galit?

I feel my cheeks flushed.

"What did he do to you!?"

Agad akong umiling. Wala. Hindi ko naman iniexpect na ganoon ang gagawin ni Bullet.

"Dammit!" Susugurin na naman niya ang kapatid na unti-unti nang tumatayo.

"Blade wait!" Pigil ko.

Kinilabutan ako nang makita ko ang dala niya. He's holding a long sharp sword. He can kill anyone with that.

Oh no. He will kill Bullet for sure!

Para na siyang di nakakakilala. Magkapatid sila, hindi pwede ito.

"It's not what you think! Please! Calm down!" I begged him. I even used my psych. Pero wala talagang epekto yon sa kanya. Nasaktan lang ako. Napahawak ako sa leeg at napaubo.

"N-Nia?!" Napunta naman ang atensyon niya sa akin. Puno ang boses niya nang pag-aalala nang iiupo niya ako uli sa kama. He even cupped my face. "Nia?"

"T*ngina..." Napatingin ako kay Bullet nang bigla siyang tumawa.

"Buti at nasaksakan kita kaninang umaga. Baka mas matindi pa tama ko kung hindi." Aniya.

Anong nasaksakan?

Tumayo siya na hawak ang balikat. Dumudugo iyon. I remembered na nabaril nga pala siya ni Van. Hindi pa iyon gumagaling. Naghahanap lang talaga nang sakit ng katawan ang isang to.

"Ayos ba, Nia? Sabi ko sayo ipapakita ko diba? Tiwala lang." Ngisi pa niya sakin.

Tss. Ano bang gusto niyang palabasin ngayon?

Napahawak ako kay Blade nang mahigpit nang nag-ambang lalapitan na niya uli ang kapatid.

"Huli ka na balbon, bro. Alam ko na ang paninilip mo kay Nia. Tapos ako ang madalas na sabihang manyak, asan ang hustisya," tuloy ni Bullet. "Kaya pala di ka na umuuwi satin, Nag-e-enjoy ka na dito."

"You idiot.."

"Sabi ko, gaganti ako diba?" ani Bullet. Kahit na duguan, mukha siyang siyang-siya sa nangyayari.

Requiem: Song of the FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon