44: Breaking Point

2.5K 117 31
                                    


Watching her walk away from him was the most painful thing he felt ever since his resurrection. And the weight of those words crushed him almost entirely.

"How can I unlove you?"

Love was the only reason for him to stay alive yet it was the death of him.

He closed his eyes. He can't remember how many times he prayed that it would be kept closed, shut forever. But fate is cruel and it demanded him to wake up to every agonizing day without her.

Until she came back. But his agony isn't over.

"Nia..."

Gusto na niyang sabihin dito ang lahat. Pero kung masasaktan lang ito nang husto, mas mabuti nang itago nalang niya ang lihim na yon habang-buhay. Handa niyang isakripisyo ang lahat para sa ikakatahimik nito.

"Forgive me."

Alam niyang hindi na siya nadidinig ni Nia. Hindi na ito lumapit uli sa kanya simula noong nag-usap sila. Nagpapahinga na ito sa kabilang kwarto. Alam niyang kailangan nito ng lakas para harapin uli ang pamilyang iniwan nito noon.

Bukas siguro. Naabutan na sila nang malakas na ulan dito sa bahay at mukhang hindi pa iyon titigil. Maski ang panahon, hindi nakikisama sa sitwasyon. Pinapatagal lang nito ag paghihirap niya.

Nagmulat siyang uli nang maramdaman ang mahinang paguga ng katabing lamesa. Umupo siya mula sa matigas na papag at agad na kinuha ang cellphone na nakapatong doon para sagutin ang tawag.

"Tol, nagawa ko na. Nasabihan ko na si Mike. Sigurado ka na ba sa desisyon mo?"

Lumunok muna siya bago sumagot kay Bullet. Sinabi na niya kanina pa ang plano niya, mabuti at maaasahan ito.

"Oo, ibabalik ko na si Nia." Her family probably know now where she is. Kailangan niyang makaalis sa lugar na yon bago sila dumating. Hindi siya dapat makita ng mga ito.

Dinig niya ang paghinga ni Bullet nang malalim sa kabilang linya. "Ang labo mo naman, Tol. Kahit di mo sabihin, alam kong mamatay-matay ka na sa sakit ngayon. Ang lapit na ng pangarap mo, di mo parin mahawakan," ani Bullet.

"May isa pang option ka pa naman diba. Kung babalik ka din baka--"

"Wala na akong babalikan." At kung babalik man siya, mas lalong lalaki ang gulo. He rather stay dead.

"P*tsa, kung sabagay, baka tuluyan ka ng Queen kapag nalaman niyang pinapagpantasyahan mo ang sariling anak niya," ani Bullet. Sabi nito sabay tawa. Sa ganitong sitwasyon, kaya parin nitong magbiro. "Karma na siguro no? Marami kang ginawang kalibugan dati, no?"

Alam na niya yon, kasalanan niya ang lahat nang nangayayari sa kanya ngayon, kaya ayaw na niyang mandamay pa.

"I'll be leaving soon too. Pakisabi nalang din kay Van."

"Anong drama yan? San ka ba naman pupunta?" Napalakas ang boses ni Bullet. Siguro, dahil na rin sa pagkabigla sa sinabi niya.

"Hindi ko alam. Mas mabuti na to, you know how the High Council works, kapag nalaman nila ang tungkol sakin, baka madamay pa kayo nila Van."

"Hoy walang ganyanan Bla--"

He ended the call. Pipigilan siya nito malamang. At least he let them know his decision. Masaya na si Bullet at si Vanessa. At matatahimik sila kung mawawala siya nang tuluyan sa buhay ng mga ito.

Napahawak siya sa dibdib, nararamdaman na naman niya ang biglang ang paninikip noon.

The last shot he had was the day he took Nia to the bunker. Matagal-tagal na rin. Ramdan na niya ang epekto ng widrawal noon.

Unti-unti na niyang nararamdaman ang init na kumakalat sa katawan. Kasabay noon ang panunuyo ng lalamunan, ang pagkauhaw. Kailangan niya nang gamot na yon pero wala na siyang pagkukunan pa.

He took a deep breath. He need to get a grip of his urges.

Nandito si Nia, malapit lang sa kanya. Ilang beses na muntik na niyang magawa dito ang hindi dapat noon. Kailangan niya nang mas matinding pagpipigil ngayon.

"My prince..."

He heard a soft moan. Galing lang iyon sa kabilang kwarto.

"Dammit, Nia." Napakuyom siya ng palad. Bakit ba nanunukso ito ngayon? Parang nananadya na.

Narinig niya uli. Sa pagkakataon iyon parang tinatawag na siya nang mahinang ungol na yon. Napakunot siya nang noo nang maaalala ang kondisyon nito.

Visions, she called it. But he knew that those were memories. She can remember what happened in the past. Most of it. Kasama na doon ang masasamang alaala.

Naalala pa niya kung gaano ito katakot kanina sa sasakyan bago magising. Muntik na nitong masaktan ang sarili, buti at napigilan niya. His wounds are all healed now, he was thankful she didn't noticed. Mas gugustuhin na niya niyang masugatan kysa dito.

Mabilis na siyang tumayo sa kama. Kailangan niya itong bantayan. Baka maulit na naman ang nangyari.

He found her still asleep on the floor. On the makeshift bed she made using some of the of sheets. Sira na ang kama kaya gumawa nalang ito siguro ng paraan para may matulugan. He sighed.

Not fit for a princess, he thought. She should be on a warm soft bed, covered in luxurious sheets, nake...d*mn. He should really control himself.

Pero mabuti nalang at maayos pa ang lagay ni Nia. Gumalaw ito nang bahagya kaya bumaba ang kumot na nakatabing dito. Huminga siya nang malalim bago tuluyang lumapit at ayusin yon.

Bahagya itong umungot. Mukhang nilalamig na. Manipis na damit lang suot at wala na siyang makuha pang kumot para ibigay dito. Agad niyang hinubad ang tshirt at pinatong dito. Kahit iyon nalang para masiguradong komportable itong matulog.

"Nia..." His hand hovered above her form. She's so beautiful. Like an angel. So delicate.

Napapikit siya nang mariin at agad na binawi ang kamay. Kailangan talaga niyang magpigil nang husto.

"Hmmm...why wont you touch me?" Mahinang ungol nito bago pa siya makatalikod. Marahan itong bumangon at naabot ang kamay niya. Hindi na niya magawang makalayo pa.

Her violet eyes looked at him hazily. And then she smiled.

Something's different about her.
Was she's still dreaming? Is she having her visions?

"N-Nia?"

Sandaling napawi ang ngiting yon. Marahan nitong hinaplos ang pisngi niya. "Ako ba ang gumawa nito sayo?"

And from his scar on his face her soft hand went down to his bare chest. His heart was beating so fast, he cant breathe.

"Sorry na..." she said.

"Hindi mo yon sinasadya." Sagot nan niya.

He closed his eyes and felt her warmth again. Heaven knows how much he wanted to feel this.

"Saan ka ba pupunta kanina?" tanong nito. "Sabi mo, di mo ako iiwan."

"I never left."

Alam niyang mali ito. Mali talaga. Kailangan na niyang lumayo dito pero hindi parin niya ginagawa.  Ilang saglit pa, mapuputol na talaga ang lahat nang pagtitimpi niya.

"Mahal na mahal kita...Pierre."

And that's it. That's all it takes for him to succumb to this madness.

"Elle."

Requiem: Song of the FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon