11: Beneath the veil

2.5K 110 11
                                        



Nanatili lang akong nakatitig sa kay Blade matapos niyang bangitin ang buong pangalan ko. Hindi ko na yon matatago pa.

Yes. I'm a princess, a real one. I'm one of the heirs of the Soliel's, the reigning vampire Coven.

Pero kung di ko tinago ang katauhan ko at kung hindi ako nagpanggap, malamang matagal na nila akong binalik. Malamang matagal na akong wala dito. Hindi ko na magagawa pa ang misyon ko.

"T*ngna..." sambit ni Bullet. Binitiwan na nito ang pagkakahawak sa kapatid. "Alam mo na pala."

"At alam kong tinutulungan mo siyang itago yon." Sagot naman ni Blade. Bumaling siya sakin. "Bakit hindi mo sinasabi kina Vanessa na nakakapagsalita ka? Na natatandaan mo kung sino kang talaga?"

Hindi na ako makapagsalita pa. Di na rin ako makagalaw.

Kung alam na pala niya, bakit pa niya ako nilagyan ng collar na to at binalik ako dito? He could have taken me back to my father's liar after that incident. Nandito na sa Pilipinas ang pamilya ko. Nawalan na ako ng malay noon. I'm helpless too. Di ko na magamit ang pysch ko.

Ano bang balak niya?

"Ano bang problema mo don? Wag mong sabihin na interesado ka sa reward ng mga magulang niya? Barya nalang yon para satin ah. Masyado ka na yatang gahaman."

Tinapunan lang ni Blade nang masamang tingin ang kapatid. "You're betraying Vanessa because of her?"

"Anak ka ng p*ta. Wag mo akong maingles-ingles ngayon. Walang masama sa ginagawa ko. Hindi ko din trinatraydor sina Van."

"Bampira siya, Bullet."

"Ano ngayon?" tanong naman nito kay Blade. "Nakikita mo ba siya? Sa tingin mo, kaya kang lapain niyan? Tarantado ka lang. Akala mo, lahat ng bampirang gaya niya, mananakit na! Hindi siya katulad nang gum--"

"Damn you!" Napahigpit ang hawak ni Blade sa dagger niya. Papasugod na sana ito pero naglabas na ng baril si Bullet.

"Tss. Walang magagawa ang yabang mo."

This is bad. Nag-aaway sila dahil sakin. Baka magpatayan pa. Saka oo nga, anong laban ni Blade sa baril?

"Please stop," I said softly without using my psych. Nagagawa ko naman. Wala akong maramdamang sakit sa leeg ngayon. Tumayo ako ng dahan-dahan.

"Wala akong masamang intensyon."

"Then why are you here? You should go back to that tower where you belong," sabi ni Blade.

Oh, he knew that too. Napakagat ako ng labi. Ano pa bang alam niya?

"You can fool everybody but not me, Nia. Una palang, alam ko na kung sino ka." Tuloy pa niya. He even smirked. 

Oh d*mn, he smirked! Ganoon pala ang histura niya!

Gusto kong sabunutan ang sarili ko. Yun pa talaga ang napansin ko!

"Tanga ka ba talaga, Blade? Alam mo naman ang epekto ng psych niya diba? Hindi siya nagsasalita dahil ayaw niyang masaktan sina Van. Ayaw niyang masaktan kahit sino satin." Sabat naman ni Bullet.

Hindi siya pinansin ni Blade. Nakatingin parin siya sa akin. Parang binabasa niya ako. Ang buong pagkatao ko. Those piercing eyes can melt me pero di ko magawang umiwas nang tingin. 

"Why are you here?"

Napalunok lang ako. Hindi ako makasagot. Kung kay Bullet, madali kong nasabi yon, sa kanya hindi. Hindi ko maintindihan kung anong naramdaman ko, pero ayokong malaman niya.

"May--"

"Stop." Napigilan kong magsalita si Bullet. Naramdaman ko na namang sumikip ang collar dahil sa pagamit ko ng psych. Hindi naman ganoon kasakit dahil hindi naman ganoong kalakas ang ginamit ko. Tiniis ko nalang ang epekto noon.

"I have no intention of hurting anybody." Sabi ko.

"Then why would you hide it then if you're telling the truth?" Lalong tumalim ang tingin niya sakin. Nakaramdam na ako nang takot kaya napaatras ako. 

Lumapit naman sakin si Bullet at hinawakan niya ang balikat ko. Siguro para hindi ako mag-alala. Para malaman kong kakampi ko siya.

"Nia, nandito ako." Bulong niya.

Nakita kong nagtiim ang bagang ni Blade nang makita yon. Parang may pinipigilang gawing kung ano. Siguro hindi niya matanggap na mas kinakampihan ako ni Bullet. 

"Tama na. Binalik kita dito para ikaw na mismo ang magsabi kina Van. I gave you a chance but you missed it."

"Ano ba ta--"

"Bullet.." Saway ko. 

"I'm giving you a week, Nia. Aalis ka nang kusa o ako mismo ang magsasabi sa kanila?" Sabi sakin ni Blade. 

"What will they feel if they found out about this?" Sabi niya. "Or worst. What will they do to you?"

Napatikom ako ng bibig. Natatakot na talaga ako sa banta niya.

Binalik ni Blade ang dagger niya sa likod. "It's your decision, Nia."

Tiningnan lang niya ng matalim ang kapatid bago lumabas ng shop. Napaupo ako nang tuluyan sa silya. Nakakapanghina ang nangyari.

What will I do now?

"Nia, wag mong pansinin yun," ani Bullet na nagpahid na ng dugo sa gilid ng labi. Hindi ko napansin yon kanina. Gawa yata iyon ng pagsuntok ni Blade.

Napangiwi nalang ako sa amoy ng dugo. Idagdag pa yung sugat na nasa leeg nito. 

"May topak siguro. Baka may mens." Tuloy pa niya.

Napatawa naman ako. Nagagawa pa niyang talagang magbiro, nagkaaway na silang magkapatid dahil sakin.

"Ako na bahala magsabi kay Van sa nangyari dito. Ilulusot kita, wag kang mag-alala. Di ka magagalaw nung taong balbas na yon," sabi niya. 

Pinunasan na rin niya ang dugong nasa leeg. Hindi naman yon gaanong malalim pero hindi ko akalaing magagawang saktan ni Blade nang ganoon ang sariling kapatid. He could have killed him. Dahil lang yon sa pagkampi sakin ni Bullet.

Nag-aaway din kami nang kapatid ko pero di naman ganoong kalala. Hindi naman kami nagpapatayan nang katulad kanina.

"Saka isa pa, kahit malaman nila Van, di yon magagalit. Magtatampo lang siguro. Legit naman ang dahilan mo. Wag mong masyadong alalahanin yon."

Huminga ako nang malalim. Hindi lang naman yon ang inaalala ko.

Paano nalang kapag nalaman din ng ibang hunters ang tungkol sa pagkatao ko? Baka mapahamak sina Van dahil sakin. May reward nang nakalabas para lang maibalik ako sa pamilya ko. Kung si Bullet at Blade walang interest sa reward na yon, alam kong yung ibang hunters gusto.

"Nia, hindi mo ba parin ba sasabihin? Sa tingin okay lang naman. Matutulungan ka rin naman nila," sabi saki ni Bullet. 

"Ako narin ang bahalang bu-mack up sayo. Maiintindihan ka nila, maniwala ka."

Umiling ako. Mas mabuti na to. 

Requiem: Song of the FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon