20: Limits

2.6K 107 10
                                    

"Si Nia,"

Hindi ako mapakali nang tinawag ako ni Mommy G. Hindi ko alam ang gagawin ko. I can't use my pysch in front of them to make him leave, lalong lalala ang sitwasyon.

"Mike, siya yung sinasabi ko sayo."

Micheal was one of my father's best soldiers. One of the elites. Matagal na siyang nagsisilbi sa amin. Though he's not trueblood, his loyalty to our house is uncontested. Ilang beses na niyang niligtas ang mga member ng pamilya namin.

Hindi ako nagulat na nasa Pilipinas din siya. Lagi naman siyang kasama nila Papa. Pero yung magkakakilala sila nila Mommy G, yun ang di ko maintindihan.

Pero wala na akong magagawa pa. Nandito na siya at nakita na niya ako. So I just stood there. Trying my best not to make a mess of myself.

"I see. Nice to meet you Nia." Sambit niya. He grinned at me.

Marahan nalang akong tumango. Alam kong nakilala niya ako pero hindi pa niya ako nire-reveal. Anong balak niya?

"So, hindi mo siya namumukaan?" tanong ni Mommy G. "I was hoping you might know her. Nakita namin siya sa loob ng isang shipment noon na galing sa Sanctuiare. Sabi mo may mga kakilala kang ilang mga trueblood."

So Mommy G didn't know that Mike is working under my father. What now?

He shrugged. "No. Though she looks familiar. Are you sure she's one of them?"

"She's not awakened yet. She can't speak and she lost her memories," sabat naman ni Van. "Parang na trauma siya or something. Mukhang matagal din siyang nakulong."

"Kawawa naman pala," he said in tagalog. May halo nang accent yon. Halata talagang matagal na niyang di ginamit. "Pwede akong magtanong-tanong sa mga kakilala ko."

Napanguso ako. I will not fall with that kind of rouse. May balak siya kaya siya nagsisinungaling.

"Where is your brother, Bullet?" tanong ni Mike.

Ngumiwi lang si Bullet at napakamot ng ulo. "Ewan ko don, di siya imbitado dito."

"Babae na naman ba ang problema niyo?" Tumawa si Mike saka tinapik ang balikat ni Bullet. "Stop harrasing women, for Pete's sake! Lumagay ka na sa tahimik."

"Hayaan mo na muna yan," sambit naman ni Van. Nagkibit-balikat siya. "Kukuha ako ng maiinom ha. Will you stay for the night Tito?"

Tito?

"Hindi, Van. Sumaglit lang ako," sagot naman ni Mike. "Gusto ko lang makita talaga si Babe." Hinigit pa niya si Mommy G papalapit at hinalikan sa pisngi.

Babe?

"Ano ba, nakakahiya, sweetie."

Sweetie?

I pushed myself not to laugh. They are not supposed to be laughable pero ang hirap pigilan. Mommy G looked years older than Mike. Kahit na pa alam kong halos magka-edad lang sila sa totoong buhay. Mukha tuloy silang mag-ina.

And it's very unusual. Humans often choose their mates close to their age. How did they happen?

I stayed on the corner, malayo habang nagkakasiyahan sila. Nagmamasid ako pero di ako mapakali. Pag umalis naman ako nang tuluyan, baka makahalata sila iniiwasan ko si Mike.

"Nia, tulala ka na naman?" Bati sakin ni Bullet nang lumapit siya.

Nakatingin parin ako kina Mommy habang nag-babarbeque sila. She and Van were laughing na parang magkakapamilya talaga sila.

Nakaka-homesick din.

"Ah, si Mike ba?" Ani Bullet. Tuluyan na siyang tumabi sa akin. Tumango naman ako.

Requiem: Song of the FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon