26: Whispers of the Past

2.7K 127 57
                                        

Napakagat ako ng labi habang nakatunganga sa harap ng display stand. I'm back on my old routine, boring uli dahil wala na naman akong ginagawa. Nakakaantok.

Idagdag pa na sira ang aircon ngayon sa shop. Naka-fan lang kami kaya maalinsangan. And it's noontime, tirik na tirik ang araw sa labas. Parang nasa oven na. Iba talaga ang nagagawa ng global warming.

Ang sabi pa ni Van, mamaya pa daw dadating ang mag-aayos kaya kailangan munang maghintay.

Three days has passed pero stagnant parin ang investigation ko. Ang nalaman ko lang na bago ay ang info na may kapatid pala si Rap-rap na lalaki. Mas matanda sa kanya. Hunter din.

Mommy G didn't have any pictures of him though. Nawala daw sa album. Di rin alam ni Van kung nasaan na. I can't ask for more kasi baka maghinala na sila.

I'm running out time, three weeks nalang. Nakaka-stress na naman.

Bumuntong-hininga ako. If only nandito si Bullet.

Or si Blade.

He said he know the answers to my questions. Hindi kapanipaniwala noong una pero mukhang marami nga siyang alam. He even knew Mama.

Kaso magulo siyang kausap. Pabago-bago ang ugali niya. Para siyang may ibang katauhan. Nahihiwagaan na ako.

"Hindi pa umuuwi ang dalawa, My?" Van asked Mommy G. "Tatlong araw na sila sa Baguio."

Nag-aayos na naman sila ng papers ngayon. Nasa isang table sa bandang likuran ko. Taxes and stuff. Meron din nga palang ganoong sistema ang mga tao.

The High Council usually handles the treasury. Each Covens is required to give away twenty percent of their resources to the Throne every three years. Ginagamit iyon para mairehabilitate ang mga nasira ng mga nagdaang gera, at funds na rin para masigurado na lihim parin ang existence namin.

A bribe here and there is all we need to do. Isama pa ang mga bayarang hunters na naghu-hunt ng mga rogues, yung mga bampira na nawala na sa katinunan. May iba kasi sa kanila na nakakawala sa mundo ng mga tao tapos gagawa ng gulo. Kailangan naman ng mga tagalinis.

"Bakit miss mo na?" Tanong naman ni Mommy G kay Van. Narinig ko pa ang paghagikgik niya.

Nandoon daw sina Blade and Bullet sa Baguio dahil may inaasikasong negosyo. I wonder what that is. May kinalaman kaya ang pagiging hunters nila?

Kahit di ako lumingon alam kong napangiwi si Van. "Mommy naman. Kainis to. Badtrip parin ako kay Bullet. Forever na to!"

"I've heard that a million times, Van. Pero pinapalapit mo parin sayo."

"Because I need him. May pakinabang pa ako sa kanya lalo na sa negosyong to."

Napabuntong-hininga ako uli. Same as my parents relationship.

They are mated though, but the love between them, if not completely gone, has been tarnished by things they have no control off.

Politics. Court intrigues. Broken promises. They're still together because they just need each other. Para din lang masabing buo parin ang royal family.

Pero wala nang nakakakita sa kanilang magkasama pa na masaya. Maski kaming mga anak nila.

Pero alam ko paring may pag-asa pa. They can still save their marriage. Kung hindi na ako intindihin ni Mama, magkakaroon na siya ng oras para kay Papa. Naniniwala din ako sa laging sinasabi ng kapatid ko:

Once mated, nothing, not even death can break them apart.

Alam ko ring may kinalaman ang mga nakikita kong mga visions sa estado nila ngayon. Kung malalaman ko lahat ang punot dulo noon.

Requiem: Song of the FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon