5: Hide and Seek

2.8K 138 12
                                        

That wasn't easy. Yung magtiwala sa isang tao ganoong kabilis. Pero walang akong choice kundi hingin ang tulong ni Bullet. He wasn't my real enemy after all. Mas mabuti na rin siguro yung may isang nakakaalam ng tungkol sa misyon ko.

He did promise to help me. We made a deal. At pagkatapos nang deal na yon, uuwi na ako samin at di na ako magpapakita pa uli. Wag ko lang daw hahayaang mapahamak sina Vanessa.

Kahit alam kong napakadali para sa isang tao na bumali ng pangako, susugal ako para matapos na ang lahat ng ito. Nawili na ako sa kalayaan ko dito sa labas at napabayaan ko na talaga ang totoong sadya ko.

"Ang tatanga niyo kahit kailan! Ba't niyo hinayaang malusutan kayo?! May alam na ba kung kaninong grupo ang mga yon?! Hindi niyo alam?! Ang bobobo niyo!"

Dinig ko ang sigaw ni Vanessa mula sa kabilang kwarto. Doon sa meeting room nila. Ka-meeting niya ang ilang supervisors at ilan pang mga tauhan niya. Galit na galit dahil nalaman niyang na hijack ang isang delivery van nila na may lamang pinupusilit na mga bala papunta sa warehouse nila sa Baguio. Apparently, mga hunters ang may gawa ng mga yon. Ibang grupo.

Bumuntong-hininga ako. Pati pala ang mga hunters may ganitong problema. Sila-sila rin ang naglalamangan sa isa't-isa.

Ramdam ko ang takot ng mga kaharap ni Van. Kahit may pader na pagitan, rinig na rinig ko ang kabog ng dibdib nila. Maski yung kay Van din, yung puso niya, nanggagalaiiti yun sa inis.

"Huy Nia,"

Napalingon ako nang tinawag ako ni Bullet. Nag-yosi lang siya kanina tapos bumalik uli dito sa loob ng shop. Nandito na siya kanina pang umaga, hinihintay matapos ang meeting ni Van. Pero nag-lunch na lahat-lahat. di parin sila tapos.

Naglakad si Bullet papunta sa table ko kung saan ako nakaupo. Nakangisi na naman na may di gagawing maganda. Medyo nasasanay na ako, di na ako naasiwa. Siguro, natural na talagang manyak ang dating niya.

He looks good, actually. Pareho sila ng kapatid niya. Di lang naman kapansin-pansin dahil nauuna yung pagbuka ng bibig niya na tonong mayabang at medyo bastos. Crew-cut hair and clean-shaven. Ibang-iba kay Blade.

"Mag-isa ka dito, saan ang nanay mo?" Tanong niya.

Nanay? Sino? Si Mommy G? Nagsulat ako sa whiteboard ko.

'Nasa warehouse si Mommy, check niya kung ilan ang nanakaw.'

Yun ang sabi niya sakin kanina. Personal na daw niyang titingnan ang problema. Kung si Vanessa daw ang haharap, malamang magamit nito ang mga nakatagong baril doon sa warehouse at ubusin ang mga bala doon sa mga pasaway na tauhan nila.

Pero may napapansin ako kay Mommy. Nitong mga nakaraang araw, lagi siyang nag-aayos. Minsan nakalipstick-up pa. Though maganda naman talaga siya, iba lang talaga siya ngayon.

Lagi rin nakatingin sa labas ng shop na para bang may hinihintay. Tapos kung may pagkakataong lumabas nang shop, siya na ang gagawa. Nagkikibit-balikat lang naman si Vanessa doon. Hayaan nalang daw.

"Si Vanessa," sabi ni Bullet sakin. Tumawa siya at umiling. Siya pala yung tinatanong niya. Pano ko naging nanay si Vanessa? Ilang taon lang naman ang tanda niya sakin.

"Normal yung suot mo ngayon, wala kang ribbon sa ulo. Di ka mukhang cake."

Napatingin naman ako sa suot ko. Di ako nakalolita clothes ngayon. Naka pink blouse lang ako at denim shorts. Di kasi ako naistorbo ni Van sa kwarto ko kanina kaya nakapagbihis ako ng sarili ko. Diresto kasi sya dito sa office niya at kameeting na yung tauhan niya.

"Mga inutil kayo! Ang laki ng sweldo niyo, nagpapalaki lang kayo ng bayag!"

Napangiwi ako. Masyadong intense talaga ang sigaw ni Van. May nadinig pa akong nabasag na bagay. Baka baso o kung ano. And what is bayag?

Napangiwi si Bullet, mukhang nadinig din niya ang pagsigaw ni Van doon sa loob. Kahit close door meeting ang nagaganap, wala rin dahil malakas ang sigaw niya.

"Beastmode," komento pa ni Bullet. Umupo siya sa silya sa harap ko. "Daming loko-loko ngayon. Nanlalamang para makaungos sa iba. Palibasa nasa Pilipinas ang yung mga Soliel. Yung buong pamilya."

Napaangat ako ng tingin sa kanya. Nandito sila?

"Nia, di mo ba talaga namimiss?" tanong pa niya. "Ilang buwan ka na nandito. Malamang kaya nasa Pinas ang mga yon dahil hinahanap ka."

Hindi ko alam. Sa ngayon mas iniisip ko na matutunton na nila ko.

"Hindi ka rin ba nag-aalala?"

Humigpit ang hawak ko sa whiteboard. Hindi ko alam ang gagawin ko. Panigurado magagalit sila. They will be disappointed too. Malaking gulo ang ginawa ko sa paglayas ko.

Isa pa inaalala ko yung mga hunters. Umalis sila sa Sanctuaire. They were risking their lives because of me. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyayari sa kanila. Mahal na mahal ko sila. Isa rin yong dahilan kaya ko ito ginagawa.

"Hunting season malamang ang labas niyan, nandito sila. Kaya ang daming humahapit sa mga armas eh. Mga silver bullets yata yung nawala kay Van ngayon. Buti andito si-- Oy Nia, wag kang umiyak!"

Hinawakan ako ni Bullet sa magkabilang balikat at bahagyang niyugyog. Napigil tuloy yung luha ko pati na ang paghikbi. Tapos ay bigla siyang lumayo at umiling.

"Wag ka ngang iiyak nang ganyan. Kaya siguro lumambot agad ang puso nila Van sayo. Para kang kuting kung umiyak eh. Ay--p*tsa. Kaya ka siguro nilapa ni Blade. May pagka-aso talaga yon."

Anong nilapa? Nagsulat naman ako sa whiteboard. 'Wala kang balak i-hunt sila?'

Wala naman siguro diba? Kung oo, mapapatay ko siya on the spot.

"Wala no, wala namang akong kikitain doon," tanggi niya tapos ngumisi siya sa akin. "Yung iba kasi, trophy ang tingin sa mga yon. Porket makakapatay sila ng royalty, feeling nila sikat na sila. Wala namang ginagawang masama ang mga yon para pagdiskitahan nila."

Tumayo si Bullet at nag-inat. "Isa pa kung naghahanap ako ng royal blood na bampira, di na ako magpapagod pa."

Ngumuso na naman ako at humikbi pakunwari.

"Ano ba, Nia!" Saway niya. Hinawakan na naman ako sa balikat Mukhang nalilito na siya kung anong gagawin niya sakin. "Wag kang umiyak!"

Napayuko nalang ako.

"Takteng yan! Teka anong gusto mo, icecream?! Lobo? Cotton candy?"

As if naman madadala ako sa ganoon. Ano ako bata?

"Milkshake? Buko Pie? Wag kang umiyak! Mabe-beastmode naman sakin si Van niyan eh."

Hinawi ko ang kamay niya at nagsulat sa whiteboard ko.

"Strawberry Cake."

Huminga si Bullet ng malalim at tumawa. "T*ngina yun lang pala."

Ngumiti naman ako. Uto-uto siya.

"Tara libre kita. Isara muna natin yung shop. Matatagalan pa si Van diyan."

Yes! Uto-uto talaga.

Tumango ako at sumunod. Siniguro ko munang maayos ang lahat bago iwan ang shop. Pati na yung mga alarms mga locks. Nag-iwan ako nang note kay Van na lalabas muna ako. Kasama ko naman si Bullet, di naman siguro siya mag-aalala.

Naabutan ko si Bullet na nag-text sa celphone niya. Siyang-siya pa siya habang binabasa yon. Halos di na nga niya napansin ng lumapit ako. Nasilip kong si Van ang ka text niya.

"Pumayag ang nanay mo. Bumalik lang daw tayo agad," sabi niya.

Ngumiti ako. Sa tagal ng inilagi ko dito, ngayon lang yata ako makakalabas sa shop. Nakaka-excite lang.

"Pagkakataon na rin to. Baka makita na rin natin yang hinananap mo." Tuloy ni Bullet. Pinagbuksan pa niya ako ng pinto ng kotse.

Tumango naman ako. Tama siya. Pagkakataon na nga ito.

Pero bago pa ako tuluyang pumasok, may naramdaman akong nakatingin.

Blade?

Wala naman siya paglingon ko. Mukhang di naman din siya nakita ni Bullet. Pero sigurado ako nandito lang siya sa paligid.

Pinapanood niya ba kami?





Requiem: Song of the FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon