3: Unexpected

3.3K 134 51
                                    

D*mmit! D*mmit!

Anong lumabas sa bibig ko?!

Pero huli na. Wala na akong nagawa pa. Sinubukan ko pang itulak si Blade pero pinigilan niya ang mga kamay ko. Lalo pa niya akong pinasandal sa pader. 

"No--"

Naramdaman ko agad ang pagbaba ng labi niya sa akin. Ang pagdampi noon. Di na ako nakapagsalita pa.

Mainit. Malambot.

There goes my first kiss. Bakit naman kasi sa lahat ng salita, iyon pa ang nasambit ko? Kiss talaga? Bakit ba ako nanhingi ng kiss?

But then, his lips.

His taste, his warmth.

It feels...heavenly.

Wala na akong maisip na salita para dahil para talagang lumulutang ang pakiramdam ko. Na kahit na alam kong mali, tama parin ang nararamdaman ko.

Dapat ay itulak ko na siyang papalayo. Dapat ay sinasabihan ko na siyang tumigil. Pero hindi ko talaga magawa.

Gumalaw pa ang mga labi niya dahilan para mapipikit ako. Hindi ko na nagawa pang pumiglas. Tuluyan na akong nagpatangay sa ginagawa niya.

I gasped when I felt his tongue dart against my lips. And then he claimed my mouth fully. In all intensity.

Napayakap na ako nang tuluyan sa kanya. Lalo pa niyang nilaliman ang halik. His facial hair tickles me, pero lalo lang iyon nakapagpainit sa akin.

How could a kiss feel so divine? Hindi ko akalaing ganito pala ang pakiramdam noon. Iba sa mga nababasa ko, iba sa mga napapanood ko.

Sinubukan kong sagutin ang ginagawa niya. I played my tongue with his. My lips against his and--

"Tol, ang tagal--Ay, p*tangina nyo! Bashtus! Sus ginoo!" Sigaw ni Bullet pagbukas nito ng pinto.

Agad kong naitulak si Blade papalayo. Napahawak nalang ako sa bibig ko at napatingin sa kanya. He seemed more shocked than I am. Titig na titig siya sa akin at kunot ang noo. Parang di makapaniwalang nagawa niyang halikan ang isang tulad ko.

"Nakikipagtanggalan ka na pala ng tinga, bro. Di mo ako in-inform. Sana kumatok pala ako." Ani ni Bullet na palipat-lipat ang tingin sa amin. Nasa may pinto ng stockroom parin siya at nakatanaw lang.

Hindi na ako nakapag-react pa nang agad na umalis si Blade. Nabangga pa nito ang kapatid habang papalabas. Sinundan ko siya hanggang doon pero mabilis na siyang naglakad papalayo. Ni hindi man lang lumingon. Pero kitang-kita ko ang pagpunas ng bibig niya na para bang nandidiri sa ginawa niya. Sa ginawa namin.

Hindi na ako nakagalaw pa. May masakit na bagay ang tumama sa dibdib ko. Direkta sa puso. I was never rejected by anyone my entire life, ngayon lang. Sa isang tao pa.

Kinagat ko ang labi ko. Alam kong malaking gulo ang magiging epekto ng nangyari. Mabubuko na nila ako ngayon.

"Huys, Nia. Kayo na ba ni Blade? Alam na ba ni Van to?" Sambit ni Bullet sa likuran ko.

"Shut it."

Napangiwi ako. Ayan na naman. Lumabas na naman ang boses ko nang di sinasadya. Nagpadalos-dalos na naman ako. Dalawa na tuloy silang problema ko.

Huminga ako nang malalim at humarap kay Bullet. Kitang-kita ko ang gulat niya pero di siya makapagsalita dahil sa inutos ko. Hindi muna dapat lumabas kina Van at Mommy G ang nangyari. Kaya ko pa itong gawan ng paraan.

Hinila ko na siya papalapit at napayuko siya. Bumulong ako sa tenga niya.

"You will not tell anyone about what happened here."

Binitawan ko siya at agad na tumalikod. Iniwan ko siya sa stockroom na tulala, hindi parin makapagsalita. Bumalik nalang ako sa kwarto ko at sinara ang pinto.

Wala akong problema kay Bullet sa ngayon. Wala pang makakaalam nangyari. 

Si Blade nalang. 

Dapat talaga ay hinabol ko siya at sinundan kanina. Ginamitan ko rin ng psych katulad nang ginawa ko sa kapatid niya.

Napahawak ako sa labi ko. Naalala ko pa talaga ang halik na yon. Why did I even asked him to kiss me?  Bakit nga ba talaga?

Pero wala na akong magagawa pa. Wala rin namang nakakalaban kapag nakapaglabas ako ng psych.

This is my ability. My power. I can command anyone's actions by my voice. Order anyone to do anything that I wanted. Iyon din ang dahilan kung bakit hindi ako makapagsalita. Hindi ako pwedeng magsalita ng basta-basta.

Though, kung iisipin. Mas mapapadali ang buhay ko kung nakukuha ko agad ang gusto ko. Nagagawa ng ibang tao ang lahat ng sasabihin ko.

Pero hindi iyon ganoon kasimple.

May consequence na kasama ang kakayahan ko. I might control someone by accident. I can even cause them their death, lalo kapag hindi ako nag-iingat. Kapag hindi ko iniisip ang mga lumalabas sa bibig ko. 

And I don't want that to happen. Not again. Kaya mas minabuti ko nalang na manahimik at itago ang boses ko. 

Yun din ang dahilan ng mga magulang ko kaya nila ako itinag sa tutok ng tower sa Sanctuaire. Kung saan pili lang ang pwedeng pumasok. Kung saan pili lang ang pwedeng kumausap sa sakin. Hindi lang yon para sa kaligtasan ko, kundi pati na rin sa kaligtasan ng lahat nang nandoon.

And now this.

Kinagat ko ang labi ko nang mariin.

It was a mistake. That kiss was a mistake. 

And wait...napaawang ang bibig ko sa biglang naiisip.

He knew what I am? Sinabi niya iyon sakin.

Di kaya sinadya ni Blade yon, yung kanina? Na alam niyang kaya kong magsalita? Na nagpapanggap lang ako kina Van at kina Mommy G?

And needed to proved it that why he taunted me to speak. Hindi niya lang siguro inii-expect na ganoon ang lalabas sa bibig ko. Maski ako din, hindi ko rin naman inii-expect yon.

Naman kasi. He's dangerously handsome. And as hot as hell. Nakakalusaw kapag tumitig ang mga mata....

"D*mmit, Nia! Ano ba?! Focus!" 

Kailangan ko pa talagang sawayin ang sarili ko para di mawala sa huwisyo. Hindi parin dapat ako nagpahalik sa kanya.

Oo na, gwapo nga siya pero hunter parin. Pumapatay ng tulad ko. By any means, including seduction. Katulad ng ginawa niya kanina.

Siguro kung dala niya ang espada niya, natuhog na ako habang naghahalikan kami.

Na parang barbecue tapos igri-grill hanggang matusta.

Napaupo ako sa kama at napalalumukos ng mukha. Kailangan ko talagang mag-ingat. At kailangan ko na rin kumilos. 

Pero sa ngayon, kailangan ko munang planuhin ang mga gagawin ko.


Requiem: Song of the FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon